Share

05

Kadriel Fernando. A self-made billionaire in his thirties. And what was amazing was he become rich and powerful using his own sweat and blood. Ito na lang nag nag-iisang anak ng magulang nito. Namatay na ang nag-iisa nitong kapatid sa isang aksidente which made the man ruthless and serious more than ever. He forgot how to smile because of the said accident.

So far, iyon pa ang na-gather na data ni Charinda sa lalaki. She also found out that he rarely went home early. Palagi na itong late umuwi. May mga kasambahay na nagsasabing baka dahil may girlfriend ito at nakikipag-date na.

Kinagabihan, halos maging buto na si Charinda sa lahat ng kagat ng lamok sa labas ng bahay. Para namang sobrang nakakaakit ang kutis niya, eh, pwede na nga siyang maging kandidato para maging kapatid ng uling. Despite that, mahal niya pa rin ang kulay ng kutis niya and no amount of free supplies of gluthathione will change her mind.  

Nasaan ba ang Fernandong iyon? Kung mas maaga pa ito, hindi na sana siya pinagpiyestahan ng mga lamok. The man should start going home early para hindi nito mapurwisyo ang mga taong naghihintay rito.

“Why am I doing this?” paulit- ulit niyang tanong sa sarili. “It looked like I am his slave waiting for him.”

Which she was not satisfied, by the way. She should be sleeping right now or studying. Or even reading. O kahit ano-anong gusto niyang gawin. Not this. Waiting for someone na wala siyang ideya kung darating ba o hindi.

It was already ten o’clock in the evening.

Mukhang siya lang ang gising sa mga oras na ito.

Sa lahat ng cover na pwede niyang gawin, bakit kasambahay pa ang sinabi ng heneral? Mas maganda siguro kung naging secretary siya ni Fernando. That way, mas madali niya itong mababantayan.

Tatawagan niya mamaya ang heneral para tanungin ang duties and resonsibilities niya sa lalaki.

Kung hindi lang niya trabahong tiyakin na maayos ang kalagayan ni Fernando, hinding-hindi niya gagawin ang bagay na ito. It’s such a waste of her time. There’s still so much thing that she needs to do, but here she was, stucked with the bloodsuckers. Mas nakakainis din na hindi siya nakapag-apply ng lotion to fight against the mosquitoes.

Argh.

H*****k sa kanyang pisngi ang malamig na simoy ng hangin. Naipangkrus niya ang magkabilang braso sa dalawa niyang balikat. She inhaled the sweet smell of air, enveloping her. She wondered how the air tastes so sweet, even if they were beside the road.

Mangilan-ngilan na lamang ang mga sasakyang napapadaan. Nakakainggit ang mga hilik ng mga taong payapa na naghihilik sa kani-kanilang mga bahay.

Manaka-maka na lang ang mga busina ng mga sasakyang kanyang naririnig.

It was already past ten o’clock  ng gabi at wala pa si Fernando. Baka nga nakipag-date talaga ito sa girlfriend nito?

Ano bang gagawin niya para malibang? Pinapatay na siya ng pagkabagot. This was the most frustrating moment of her life. Sa lahat pa naman ng ayaw niya ay iyong pinaghihintay siya.

She then let her eyes wonder on the undiscovered beauty of the environment. Nakayuko na ngumingiti ang palakaibigang buwan sa kanya samantalang nakatayo lamang sa tabi nito ang sundalo nitong bituin. But like the people, some of the stars traveled as far as their feet carried them. Stubborn as always. And when they spotted her, they winked.

Hinubad niya ang tsinelas na suot.

Dahan-dahan niyang itinapak ang mga paa sa berdeng damuhan. Napaigtad siya nang kilitiin siya ng maliliit natalahib ng mga halaman. Then, she then slowly paced. It was uncertain at first, as if she was afraid that a venomous snake will be astray and will bite her. Then, it became fast with certainty that nobody will harm her because she knew how to defend herself. Hinayaan niyang tuklasin ng kanyang mga paa ang malalagim na sikreto ng kanyang tinatapakan.

Naaliw siya sa kanyang ginagawa kaya tumakbo siya na parang bata. Na parang isang ibong bago lamang pakawala sa hawlang ginto na kanyang naging kulungan sa mahabang panahon. Sa sandaling iyon, nalalasapan niya ang kalayaan. Kalayaan mula sa pighati ng kanyang buhay. Kalayaan mula sa mapait niyang karanasan noong bata pa lamang siya.

Gusto niyang isigaw ang lahat ng frustrations niya sa buhay. Gusto niyang sumbatan ang mundo…subalit hindi niya magawa. Malaya nga siya, ngunit panandalian lamang iyon. May hangganan naman talaga ang bawat bagay. Pansamantala mo lamang mararanasan ang tagumpay at kapag napalapit na ito sa puso mo at hindi mo na siya kayang bitiwan, doon ito dagliang mawawala na parang bula.

Napatigil siya sa kanyang paglalaro nang isang busina ng sasakyan ang kanyang narinig. Umikot ang kanyang leeg at tumigil sa may gate. Bumalik ang kanyang isipan sa realidad. Isang katotohanan na tunay nga siyang bilanggo sa lugar na ito.

She rolled her eyes.

Sa wakas, dumating rin ang mahal na hari.  

Bumalik siya sa kinahihimlayan ng sapin niya sa paa at muli iyong isinuot. Marahan niyang nilingon ang mga damong minsan niyang naging kalaro ng gabing iyon. Napabuntong-hininga siya. Ipinilig niya ang ulo. Natapos na ang pantasya.

Tumayo siya sa gilid ng pintuan at naiinip na hinintay si Fernando.

Nang mabungaran ang binata, isang matamis na ngiti ang hinanda niya.

The client was safe and sound. Good.

Mayamaya ay bumukas ang pinto at lumabas ang lalaki.

Naging malikot ang mga mata ni Charinda. She was checking for some potential threats around the vicinity and found none. Clear.

Fernando looked dashing in his suit. Gabi na pero na-maintain pa rin nito ang kapogian nito. However, his posture seemed tired.

“Magandang gabi, Sir. Ano pong gusto ninyo? Gusto niyo po ng juice? Coffee? Or anything?” magalang niyang alok kay Fernando.

“Be kind, Charinda. Control yourself.” Paulit-ulit niya iyong pinapaalala sa sarili. Nagtuloy-tuloy si Fernando na wala man lang ni isang salita na ibinalik sa kanya.

Para siyang isang buntot na sunod ng sunod sa lalaki nang makapasok na ito sa loob ng bahay.

Umupo si Fernando sa isang sopa at ipinikit ang mga mata nito.

Tumaas ang kanyang kilay. Hindi man lang umimik sa kanya? Binigyan niya ang lalaki ng nakakamatay na tingin. She couldn’t stand in front of him all night. Walang gamot para sa varicose veins!

Napakamot siya sa kanyang kamay. Mannerism niya iyon kung gustong-gusto na niyang suntukin ang isang tao. Nilanghap niya ang lahat ng hangin sa paligid hanggang umangal ang kaawa-awa niyang baga.

Relax, Charinda. Chill. Ipinagpatuloy niya ang mga katagang  iyon hanggang sa kumalma siya.

“Pwede ka ng matulog. I don’t need your service,” wika ng lalaki habang nakapikit.

Ganoon lang iyon? Pagkatapos niyang tumayo sa harap nito ng limang minuto, sasabihan siyang pwede ng matulog?

“Hindi mo talaga nakikita ang effort ng isang tao, ano?” hindi niya napigilang sabihin. She can say anything as long as she wants. Hindi naman siya pinagbawalan ng amo niya na i-filter ang mga salita niya.

Marahas na napamulat si Fernando. Kumunot ang noo nito. “Hindi kita kinuha upang magpapansin sa iyong amo. If you have any plans of flirting with me, you better pack your things and leave.”

Nagpanteng ang dalawa niyang tenga? Nabingi pa siya o totoo iyong narinig niya? “Pardon?”

“You are here to do the households and not to entertain your boss nor flirt with him,” direktang wika ng lalaki. “I didn’t pay you for that,” seryoso pa rin nitong wika.

Oh right. Hindi alam ni Kadriel na isa rin siya sa mga taong protector nito. Ang alam nito ay ang lalaking kasamahan niya sa agency ang nakatukang bantayan ang lalaki.

People’s Agency.

Isa sila sa ahensya sa bansa na nakikipag-coordinate sa iba’t ibang ahensya upang resulbahin ang iba’t ibang krimen. Nagbibigay rin sila ng witness protection program at protection program para sa nangangailangan. In short, katuwang sila ng gobyerno upang matapos na ang lumalalang krimen dito sa bansa.

Itinago niya ang kanyang kamay sa likuran.

She maintained her coolness but inside her blood was boiling with anger.

Relax, Charinda. “Hindi yata tayo nagkakaintindihan dito, Sir,” may diin sa bawat salita niyang wika.

“Mali na pala ngayon na hintayin ng isang kasambahay ang amo niya upang tanungin kung gusto nito ng maiinom?  Kung alam ko pa sana, hindi na sana ako nagpuyat sa paghihintay sa iyo. Maiwan na nga kita at baka mauwi sa kung saan ang pag-uusap na ito.” Pagkatapos noon ay tumalikod siyang nagngingitngit pa rin ang kalooban.

“I have no time to date,” dagdag pa nito sa kanya kahit papalayo na siya.

Marahas niyang hinarap ito. “Bakit? Gusto ba kita? Well, excuse me, Sir,” aniya na binigyan ng diin ang salitang sir. “Hindi ka pumasa sa standards ko. Good evening.”

Naiwan itong tigalgal.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status