Share

04

Wala ring nagawa si Charinda kundi sundin ang heneral. Binigyan siya nito ng isang buwan upang alamin ang totoong kwento sa likod ng pagbabanta sa buhay ni Kadriel Fernando ng most wanted nilang si Pantio at bigyan din ng proteksyon ang lalaki habang naghahanap ng tiyempong madakip ang lalaki. At kung mas madali niyang madakip si Pantio, madali niyang matatapos ang misyon. Hindi na niya hihintayin ang isang buwan upang umalis.

Isang buwan.

Isang buwan na paghihintay. Pero hindi siya papayag na ganoon katagal ang paghihintay na gagawin niya. She will capture Joe Pantio sooner than later. Na-miss na rin niyang sumama sa mga entrapment operations at makipag-deal sa mga big time criminals ng bansa.

Sana makaya niya iyon. Sana baon niya ang napakaraming pasensya. Humanap nga siya ng tindahan na nagbebenta ng pasensya nang makabili siya ngunit wala siyang nahanap. Kung bakit naman kasi hindi siya nagmana sa mga relatives nilang maganda ang mga ugali. 

Mukha kasing sinalo na niya ang lahat ng mga hindi magandang ugali. 

Ano naman kaya ang hitsura ng amo niya? Ng bilyonaryong iyon? He was filthy rich. Hindi kaya sumasakit ang ulo nito kung paano ubusin or gastahin ang mga pera nito. Ang sarap sigurong maging bilyonaryo rin. 

Wala siyang pakialam (mas curious siya sa angkin nitong kayamanan) kung ano ang histura nito ngunit mas maganda sigurong maging curious din siya.

Naglalaro na sa isipan niya ang mukha ng isang matanda, ang mismong amo niya. Baka isang old man si Fernando na puno ng kulubot ang mukha at balat nito. Tapos, marami itong linya sa noo na mas lalong nagpatanda sa hitsura nito. Iika-ika ito kung maglakad at kailangan ng wheelchair para makalabas ng bahay. 

She was not discriminating, pero purong matatanda kasi ang palaging nababasa niya sa mga balita tungkol sa mga bilyonaryo. Kaya niya nasabi ang bagay na iyon. Pero baka naman hindi talaga siya updated sa business world.

And if Kadriel Fernando was indeed an old man, she would be kind to him. Extra points na din sa langit.

Ay ewan.

Mas may importante pa siyang gagawin kaysa naman maki-update sa pagnenegosyo. 

Dapat, naghintay na lang ng Fernandong iyon at magliwaliw sa ibang sa ibang bansa. Let the NBI and police solve the problem. Mas magandang mag-relax na muna ito.

Ngumisi siya.

Hindi naman siguro masamang mag-imagine ng hitsura ng negosyanteng iyon, hindi ba? Sa tulad niyang hindi nakita ang profile picture nito, she wants to assume the worst possible way.

Gusto muna niyang magsaya habang hindi pa nagsisimula ang tunay niyang misyon.

Napatalon siya nang biglang tumunog ang cell phone niya. 

Natutop niya ang dibdib at nayayamot na kinuha sa bulsa ng pantalon ang bagay na muntikan ng sanhi ng atake sa puso. 

Hindi siya magugulatin, pero bakit kaya nagulat siya? Ah, may unang pagkakataon nga pala ang lahat ng bagay.

“Delos Reyes, nasaan ka na?” tanong agad ng nasa kabilang linya.

“Nandito na po sa location. Papasok na po ako, General,” sagot niya. Hindi niya alam kung ang isa sa rason kung bakit napatawag ito ay dahil sa nag-aalala ito sa kanya o sa mismong babantayan niya. 

“Pagbutihin mo ang misyon na ito, Delos Reyes. Who knows, your efforts may be recognized. Hindi basta-bastang tao ang hinahanap natin ngayon.”

Recognition? Promotion?

Hindi siya after sa dalawang iyan. Ang gusto lang niya ay mag-enjoy sa kanyang trabaho. Wala ng iba. “I don’t need any recognition, General. Sapat na po na matapos ko agad ang misyong ito. Sige na po. Goodbye, General.”

“Hindi naman masamang maghangad ng mas mataas, Delos Reyes.”

“Wala pa sa utak ko ang bagay na iyan, General. Maybe when I get tired of my work at gusto ko na lang magbigay ng utos sa team ko saka ko pag-iisipan ang bagay na iyan. Not now.”

“I will help you at that point.”

“No need, General. Kaya kong ma-promote kahit na wala ang tulong ninyo.” 

Walang anong bahid ng pagmamalaki ang boses niya. Ayaw lang niya ng palakasakan system or iyong may backer system. Gusto niyang makarating sa isang posisyon dahil sa sariling sikap. Nakapasok siya sa trabahong ito nang hindi man lang humingi ng tulong sa general. Magagawa niya ulit iyon sa susunod pa. 

“If you change your mind, pwede mo pa rin naman akong sabihan. Take care, my little niece,” at pinutol na ng heneral ang linya. Ibabalik na sana niya ang cell phone nang muli itong tumunog. “Sandali, bago ko makalimutan, may isang tao kang makakasama. Taga-agency rin. He will guard Mr. Fernando when he goes outside his house. In other words, you guard him when he is inside his house, while another one will replace you when he is outside.”

Bago pa man niya maitanong kung sino ang makakasama niya, pinutol na ng heneral ang linya.

Napabuntong-hininga siya.

Napaka-unpredictable talaga nito. Ngunit may pagkakataon na sobrang seryoso naman nito. Minsan, aakto rin itong napakabait na tito. 

Simula nang mamatay ang mga magulang niya at maulila siyang lubos, kinupkop siya ng nag-iisang kapatid ng ama niya, si Tito Sandro.

Nagtatrabaho na sa agency ang tito niya nang kupkupin siya nito. Dahil doon at sa kabutihan na rin na ipinapakita nito, naging idolo niya ito kaya sinundan niya ang yapak ng lalaki. Syempre, tutol sa simula ang tita niya dahil daw, as usual na mga sasabihin ng nagmamahal, mamamatay daw ito sa pag-aalala. Pero, ipinagtanggol niya ang napiling propesyon kaya nang matapos niya ang kursong Accountancy at lumabas ang resulta ng board exam, pumasok siya sa agency na ginawa rin ni Shaira. Kung ano ang gagawin niya, gagawin din ng pinsan. 

Napabuga siya ng hangin. 

Ito na iyon.

“Kayang-kaya ko ito,” paulit-ulit niyang wika sa sarili. Of course, she knew she can do it and she will succeed. Mas maganda rin namang sabihin sa sarili na kaya niya nga ang mission na ito.

Kinapa niya ang dibdib. 

Napakalakas ng pintig ng puso niya. 

Bakit ba siya kinakabahan? It’s not like this mission was the most dangerous thing that she did. Hindi pa nga ito umaabot sa kalingkingan niya. 

Pinindot niya ang doorbell na nasa tabi ng berdeng gate. 

Iginala niya ang tingin sa paligid. 

Wala pang masyadong tao. 

Malamang dahil alas sais y trenta pa lang ng umaga, ani ng isip niya. Natural lang na walang gaanong tao dahil tulog pa sila. 

Pinili talaga niyang maging maaga. She did not want to become late sa first duty niya sa araw na ito. She had to make an impression. A long lasting one sa magiging amo niya. Pansamantala.  

Ngumingiti na ang araw pero hindi pa iyon sapat upang mapangiwi siya sa init. Paroon at parito ang mga sasakyan sa kalsada. Nakakabingi ang mga busina ng mga naiinip na drayber ng ilan sa mga sasakyan. Naririnig rin niya ang ilan sa mga mura ng mga ito pero hindi na lang niya pinagtuunan ng pansin.

Muli niyang pinindot ang doorbell nang wala pa ang nagbukas ng gate. 

Nasaan na ba ang mga tao?

Mayamaya ay bumukas ang gate at isang babae ang nabungaran niya. “Yes? Ano iyon?” 

Isang babaeng nakasuot ng double-breasted lapel dress na may mga butones sa may dibdib nito na pinaghalo ang pink at puting kulay ang ang bukas ng gate. Hindi lumalagpas sa tuhod ang uniporme ng babae. Sa tantiya niya, matanda lamang ito sa kanya ng dalawang taon. 

Nakalabas ang ulo nito at base sa mukha nito hindi ito natutuwa sa kanya. Well, the feelings mutual. Mahalaga ang lahat ng oras sa kanya.  

Tumaas ang kilay niya nang hagurin siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. 

Ngumisi ang babae na animo iniinsulto siya.

Aba’t! Sa lahat ng ayaw niya ay iyong ina-underestimate siya!

Umakyat ang dugo niya sa ulo. 

Huwag mong sabihing minamata siya ng babae? Hindi pa man siya nakapagsimula sa trabaho, may kaaway na siya. 

Itinaas niya ang kanyang noo.

Have confidence, Charinda. Don’t let the woman pull you down.

“Anong kailangan mo, Miss? Bilisan mo at may trabaho pa ako,” nababagot nitong tanong. Mas lalo pang tumaas ang kilay niya nang suriin ng babae ang kuko nito sa kamay na para bang mas maganda pang tingnan ang kamay nito kaysa harapin siya.

Aba’t dinaig pa si Shaira sa kamalditahan. 

Itinago niya ang nanginginig na kamay. 

Bakit pa siya pinili ng heneral gayong hindi siya pasensyosa? Kung ganito kaaarte ang mga kasamahan niya sa bago niyang trabaho, hindi niya alam kung ano ang mangyayari. 

She’s not fond of patience. Hindi niya ito bestfriend.

Kasing nipis lamang ng sinulid ng panty ng namayapa niyang lola ang pasensya niya at iyon din ang dahilan kung bakit palagi siyang napapagalitan ng heneral. 

Halimbawa na lamang sa mga nakaraan nilang misyon. Kapag naiinip na siya dahil hindi agad ibinibigay ng team leader ang utos sa kanila, kikilos na siyang mag-isa at ang resulta? Isang oras siyang pagagalitan ng team leader nila na halos mahulog ang tutule niya sa sobrang lakas ng boses nito. Pero, tatawa pa rin siya dahil hindi bibilis ang raid nila kundi sa maagap niyang mga kilos.

Ano kaya ang gagawin niya sa babaeng ito? 

She will not punch her. 

No! It’s a big no. Hindi rin naman siya nananakit ng kapwa niya babae bagkus ipinagtatanggol pa niya ang mga ito.  

Tumikhim siya at iba na lang ang kanyang ginawa. “Padala ako ng agency. Ako ang bago ninyong kasambahay. Kaya nice to meet you?” she extended her hands for the woman to shake it. Ipinagpasalamat niya na bumalik na ang control niya sa sarili. 

Nanakit ang dalawang pisngi niya sa kakangiti. Ganito pala kapag peke ang ibinibigay mong ngiti, ano? Minsan lang siya ngumiti kaya dapat hindi iyon masayang.

“Bakit hindi ko alam iyan?” naguguluhan nitong tanong. “Alam ko ang latest chika na nangyayari sa bahay na ito.”

Itinago niya ang ngisi sa labi. Para lang kaharap niya si Shaira. “Ayos lang iyon, miss. Hindi naman ikaw si Mrs. Fernando upang ipabatid pa sa iyo ang bawat kilos na gagawin sa bahay? Hindi ba?” painosente niyang tanong.

Pinandilatan siya ng babae.

“Oly!” Boses panlalaki ang tumawag sa babaeng kaharap niya. 

Tumalikod ang sinasabing Oly. 

Gusto niyang sumilip sa bahay na pagmamay-ari ng mga Fernando pero nakaharang sa paningin miya ang malapad nitong balikat.

Napaismid siya. 

Dahil nga wala siyang ibang magawa, pinag-ekis niya ang dalawang kamay sa dibdib.

Ano ba iyong pinag-uusapan nila? tanong niya sa sarili.

Wala siyang marinig. Pero gusto niyang makinig sa pinag-usapan nila. Baka may makuha siyang impormasyon tungkol sa misyon niya. 

Hindi talaga niya makuha.

Sa pagkakaalam niya, isang sikat na negosyante si Kadriel Fernando samantalang kilala naman sa kalakal ng ilegal na mga armas si Pantio. Paano nagkakilala ang dalawa? At bakit naman pag-iinteresan ni Pantio ang buhay ni Fernando?

Hinintay niyang matapos si Oly sa pakikipag-usap nito. Ilang sandali lamang, bumukas na ang dalawang gate.

Isang itim na magarang sasakyan ang palabas. 

Nakalabas ang ulo ng isang lalaki sa bintana ng sasakyan. Hindi niya masyadong makita ang mukha nito dahil naka-side view ito sa kanya. 

Sino ba ang lalaking iyon? Naka-shades pa. Baka anak ni Kadriel Fernando.

Anim na bodyguards ang nakapalibot sa sasakyan at palinga-linga sa paligid, nakasuot ng tuxedo. 

Mahal na mahal siguro ni Kadriel Fernando ang anak nito at nagawa pang kumuha ng mga bodyguards.

Napakaswerteng anak.

Hindi niya naramdaman ang pagmamahal na iyon sa sariling mga magulang.

Napailing siya.

Hindi ito ang tamang oras upang sariwain ang masasakit niyang nakaraan. Kailangan niyang magpokus sa trabaho. 

Bumukas ang isa pang pinto ng sasakyan. 

Nalaglag ang panga niya nang makilala iyon. Si Benedict?

Ngumisi si Benedict nang makita ang reaksyon niya at pasimpleng tumango. Pagkatapos, muli itong umayos ng upo sa tabi ng lalaking kumausap kay Oly. 

Being Charinda who had a little patience, she intervened in the conversations of the two.

She stepped forward at tumayo sa bintana ng inaasahan niyang anak ni Kadriel Fernando. 

She gave him her sweetest smile. Fake nga lang. Better fake than nothing at all. “Hi, sir. Ako nga pala si Charinda Bacat, bago ninyong kasambahay,” pagpapakilala niya sa sarili. Well, she had this feeling that he’s one of the bosses but where is the old man? “Shake hands po tayo, Sir.” 

Inilahad niya ang kamay sa lalaki. 

You better shake my hand, saad niya sa sarili.

Ngunit hindi iyon tinanggap ng lalaki. 

He merely glanced at her and returned his attention to Oly. 

Arrogant! 

Umakyat ang dugo niya na kasingtaas ng Mount Everest.

Ikaw!

Nakita niya kung paano pigilan ni Benedict ang tawa nito dahil sa pagkapahiya niya. Hindi pa rin niya ibinaba ang kamay. 

Uminit ang mukha niya. 

Hindi birong mapahiya sa harap ng maraming tao. 

“Oly, tulungan mo siya na hanapin ang kwarto niya. Marami pa akong gagawin. Mang Danilo, tayo na.” 

Tumaas ang bintana ng sasakyan hanggang umandar ito.

 Naiwan sila ni Oly. Nakatayo.

Napaawang ang bibig niya. 

Walang modo!

“Ingat po, Sir Kadriel,” saad ni Oly na kinikilig.

Marahas siyang napatingin sa kumakaway na si Oly. 

What? Si Kadriel Fernando ang lalaking iyon? But she imagined a horrible old man, yet the reality made it difficult for her.

Inirapan siya ni Oly. “Ano na, Day? Pahiya ang beauty mo?” tanong ni Oly at nagpakawala ng isang  nakakairitang halakhak. 

Ilang minuto pa lamang ang nakakaraan, subalit tinubuan na siya ng inis para sa babae.

Nanliit ang mata ni Charinda hanggang sinabayan na niya ang malulutong nitong halakhak.

Pero sa kanya, mas nakakairita at mas baliw pakinggan na kung maririnig mo iyon ang magsisitindigan ang balahibo kahit na hindi pa umaabot ang Nobyembre 2.

“Anong tinatawa-tawa mo riyan?” asik nito sa kanya na parang nainsulto sa ginawa niya.

Kumurap-kurap siya. 

“Bakit? Kasalanan na ba ang pagtawa ngayon? Eh, iyon na yata ang pangalawa na libre dito sa mundo maliban sa mangarap. Huwag mong sabihing nainsulto ka dahil mas maganda pa ang tawa ko sa iyo?” tanong niya. She had a sweet smile on her face.

Napailing ang mga bodyguard bago sila iwan.

Bumukas at sumara ang bibig ni Oly bago rumehistro ang galit sa mukha nito. “Diyan ka na nga! Wala akong panahon sa mga baliw! Hanapin mo iyong kwarto mong mag-isa,” sabi nito bago padabog na umalis.

Nang makita niyang wala na talaga si Oly, “Akala mo kaya mo si Charinda? Nagkakamali ka,” bulong niya sa sarili.

SA HULI, si Charinda na nga ang naghanap sa servant’s quarter. 

Halos malaglag ang panga niya nang maikot ang buong lugar. The place was not merely a house but a mansion! Napapalibutan ang mansiyon ng mga puno at may nakita rin siyang garden na may swing. Halos lahat, milyones ang halaga ng mga gamit.

Hindi lang mga gamit ang tiningnan niya kundi ang security ng lugar. Wala siyang makita na mga bodyguards sa paligid ngunit alam niyang nasa paligid lang ang mga ito, nagmamatyag.

Hindi na nakapagtatakang ganoon na lamang ang pagpapapansin ni Oly kay Kadriel. Mayaman naman talaga ang lalaki. Sobrang yaman pa nga nito. Bilyonaryong-bilyonaryo. This house was one of the proof sa mga yaman nito. 

“Good morning,” bati niya sa lahat ng mga taong nasasalubong. 

Dapat na magiliw siya magiliw sapagkat kukunin niya ang lahat ng tiwala ng mga tao upang madali niyang makuha ang mga impormasyong kinakailangan.

Napangiti si Charinda.

Isang napakatalinong plano. 

Ayon sa kalkulasyon niya, kung susundin niya ang planong iyon, madali lamang niyang matapos ang misyon kung susundin ang planong iyon. 

Mas lalong lumaki ang pagkakangiti niya. 

She’s a genius.

“Ineng, hindi ka ba nalipasan ng gutom?” tanong ng isang matandang babae.  

Nag-aalalang lumapit umapit ito sa kanya na mas lalong nagpalaki sa edad nito.

Kaparehas nito ang suot ni Oly.

Muli siyang napangiti. 

Ano kaya ang hitsura nito kapag above the knee ang suot nito at hapit na hapit pa sa katawan ng babae ang damit ?

“Nalipasan ka nga ng gutom. Tana. Pumunta tayo sa kusina at nang makapag-almusal ka na.” 

Hinawakan ng matanda ang kamay niya at nagpatangay na lamang rito. Papaano malilipasan ang isang tao kung hindi pa nga sumasapit ang alas siyete ng umaga? 

Tapos na siyang kumain kanina pero wala namang masama kung kakain siya ulit.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status