Share

76.

Tila hindi nito gusto ang naging sagot niya. “Ginagalit mo ako, Delos Reyes.”

“I don’t want to kill an innocent man!”

Itinaas nito ang mga kamay. “Okay. Till death do us part pala ang drama ninyo. Sige. Dahil mabait ako, ibibigay ko ang hinihingi mo.”

Naramdaman niya ang pagpisil ng kamay ni Kadriel. “D-don’t be afraid.”

Hindi ako natatakot para sa buhay ko. Natatakot ako para sa iyo.

“Nakakabagot ito.” At parang balewala nitong itinutok ang baril sa kanya. “Pagkatapos ko sa’yo, ang heneral naman at asawa nito ang isusunod ko. Paalam, Delos Reyes.”

Umalingawngaw ang tatlong magkakasunod na putok ng baril.

Kapwa sila napalingon sa labas.

Thank God! Tama lamang ang pagdating ng mga ito. Mabuti na lamang at natunton agad nina Tito Ignacio ang kinaroroonan nila. May inilagay siyang tracking device sa bulsa.

“Tito, kapag hindi kami nakabalik agad, tawagin mo si Agent Lapinig. Siya ang nagbigay ng tracking device sa akin. Matutunton niya ang kalagayan namin kapag napatunayan ang hinala ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status