SOME PEOPLE forbid men to cry, but Kadriel was doing it. And he did not care if people were talking behind his back.
His body shook in fear while he entered the hospital. Nasa kalagitnaan siya ng meeting with his stock holders sa sariling kompanya nang makatanggap ng tawag. Hindi sana ito sasagutin ng sekretarya niya kung hindi lang naging makulit ang caller at sinabing kailangan siyang makausap. And then that caller just dropped the bomb telling him that his precious little sister—Rosemarie Anne was fighting for her life. It was a car accident. Binangga ng isang ten-wheeler truck ang sinasakyan nitong kotse habang papauwi sa bahay nila.
Halos hindi na niya marinig ang paligid sa sobrang lakas ng pintig ng puso niya.
God.
This was all his fault.
Kung hindi sana puro trabaho ang inaatupag niya, Rosemarie Anne could still be alive today kasama ang pinakamamahal nitong anak na si Kent.
His heart was refusing that it was a simple car accident. Someone was behind this crime. At kailangan niyang malaman kung sino ang may pakana sa krimeng ito.
Hindi pa alam ng mommy niya ang nangyari sa kanyang kapatid. At hindi niya alam kung kaya niya bang ipaalam sa ina ang masakit na sinapit ng nag-iisang kapatid.
His eyes became blurry. Ni hindi man lang siya nag-aksaya ng oras na pahiran ang mga iyon.
Kadriel’s informant told him na inaasikaso na ng doktor ang kapatid niya, subalit binantaan na siya nito na mag-expect ng hindi magandang balita. Nadurog ang magkabilang binti ng kapatid at napuruhan din ang ulo nito sa sobrang lakas ng impact.
Nagtuloy-tuloy lang siya sa pagpasok sa ospital papunta sa Emergency Room. Naabutan niya si Ralf Bustamante, isang pulis na matalik niyang kaibigan at kaklase niya rin sa mula elementary hanggang college. He was the one who informed Kadriel about the tragic accident.
Agad na napatayo ang lalaki nang makita siya. “Inaasikaso pa siya ng mga doktor, Kadriel.”
Parang hindi niya narinig ang sinabi nito at nagtuloy-tuloy na pumunta sa pinto ng emergency room. Pilit niyang inaanag ang nasa loob, pero natatabunan lang ito ng puting tela.
“All we needed to do is wait, Kadriel. Wala na ring magagawa ang takot mo. Calm yourself.”
Marahas niya itong tiningan. “Really? How could you say those words, Ralf? Nag-aagaw buhay ang kapatid ko sa loob at wala man lang akong magawa sa kanya tapos iyan pa ang sinasabi mo? Impossible. I can't calm myself. Fuck it!” malutong niyang mura.
Napakislot ito sa narinig. “I know, I know. I am sorry kung pakiramdam mo na-i-invalidate ang feelings mo. Hayaan nating magtiwala na muna sa mga doktor. They know what they are doing.”
Kadriel went to Ralf and paced back and forth.
“Any lead?”
Marahan itong napabuntong-hininga pagkatapos ay umiling. “Maliban sa nadakip na ang driver, wala pa rin kaming lead hanggang ngayon.”
“There is a man behind this. How many times will I tell you that? Huh?” frustrated niyang tanong. Sinabunutan niya ang sarili buhok. “He got furious at me. At dinamay niya ang kapatid ko. That bastard. Kill him, Ralf,” utos niya sa lalaki. He would not mind killing the asshole himself para lang maipaghigante ang kapatid niya.
“I’m not a killer. I protect lives, not to end them. If you want to kill someone, hire an assassin to do the job, Kadriel.”
Tiningnan niya ang kaibigan sa mga mata. “Recommend someone you know.”
“Hey! Lighten up! I am joking. I will never tell you to have one. Believe me. Hindi kakayanin ng konsensya mo kapag may napatay ka—kriminal man o hindi.”
Nagtagis ang bagang niya. “He is a criminal. Look at what she did to my precious sister. Tell me, Ralf kung ano ang gagawin ko sa pamangkin ko at kay mommy if this will get worse. There life will be shattered. Sana ako na lang. Sana ako na lang ang papatayin huwag lang si Rosemarie Anne. May bata pang umaasa sa kanya.”
“Ang you think walang mga empleyadong umaasa sa iyo? Come on, Kadriel. I understand na nasasaktan ka ngayon at gusto mong maghigante, but alalahanin mo ang kapatid mo. Ano na lang ang sasabihin niya when she found out about this?”
Rosemarie Anne was a sweet young woman. Nagkamali man ito ng lalaking iibigin nang mabuntis ito at hindi pinanagutan ng gago, ngunit hindi nila ito pinabayaan nilang dalawa ng mommy niya. Her mother was devastated upon learning na buntis ito nang hindi pa nakaka-graduate, but he made sure na dahan-dahang maintindihan ng mommy niya ang nangyari. And sooner, natanggap din nito ang lahat nang mailuwal ng kapatid niya si Kent.
Oh, God.
Ang mas pinoproblema niya ay ang pamangkin niya. Sobrang bata pa nito para mawalan ng isang ina.
"I will never leave my employees, Ralf."
"If that's the case, huwag mong ituloy iyang masama mong plano. Let the police handle the case. Malalaman din naman ang katotohanan. Please be patient. Ginagawa naman namin ang lahat. Kung kailangan kong hindi matulog para ma-solve ang kasong ito, gagawin ko."
Marahas na napabuga ng hangin si Kadriel.
Ngayon lang niya napansin ang bahid ng maraming dugo sa uniporme nito maging sa mukha. It was his Rosemarie Anne's blood. Mukhang ito ang tumakbo sa kapatid niya papunta sa ospital na ito.
"I wouldn't promise anything, Ralf. My mind is a mess. Kung ano-anong kademonyohan ang pumapasok sa isipan ko. And I have to put a hold in it. Bago pa ako makagawa ng hindi ninyo magugustuhan. One thing is for sure. Kaya kong pumatay. At handa akong patayin."
Naalarma si Ralf. Ngunit hindi na ito umimik pa. Alam nitong hindi rin naman siya makikinig sa kaibigan. Sarado na ang isip niya.
Mayamaya ay lumabas mula sa kwarto ang isang doktor.
Laglag ang balikat nito na animo pinasan ang buong mundo.
Agad siyang lumapit sa doktor. "Doc, how is my sister?"
Umiling ito. "I am sorry to say, but she is dead."
PUNIT-PUNIT ang damit na suot ni Charinda Delos Reyes. Some of her flesh was even visible. Daig pa niya ang isang pinakamahirap na pulubi. Kulay putik ang damit niya at mabuti na lamang hindi iyon nangangamoy.She walked with her chin high with straight shoulders.Tinalunton niya ang masikip na mga kabahayan. Parang isang squatter’s area.May ideya na siya ngayon kung bakit ito ang lugar na pinili ng lalaking ka meet up niya. This was not a blind date. Heck no. Hindi siya cheap para makipagkita para sa isang date sa maruming lugar na ito. This was purely a business meetup.Maganda ang lugar na napili ng lalaking iyon. Planong-planado talaga. Mas madali nga lamang pala silang makisiksik sa mga tao kapag nagkaroon ng aberya ang transaksyon na
HINDI sapat ang lamig na ibinibigay ng aircon upang pakalmahin ang kumukulong dugo ni Charinda. Katatapos lang niyang mabigyan ng warning dahil sa ginawa niya sa last mission niya. At katakot-takot na sermon din ang narinig niya. Aminado naman siya na mali ang ginawa niya. Mabuti na lang at naging mabait pa ang team leader sa kanya at iyon ang pinataw sa kanya. Hindi siya naniniwalang dahil iyon sa pamangkin siya ng superior nila. Baka lang siguro dahil iyon sa excellent performance niya sa ibang missions nila.At heto na naman ang panibagong problema ang dumating.Nasa kasagsagan sila ng isang mainit na pag-uusap kung sino ang magmamanman sa bahay ng mga Fernando at magsisilbi nitong gwardiya. Silang tatlo lang ang naroroon sa malamig na opisina—ang superior niya, ang pinsan niya, at siya. They were a family, kaya hindi niya kailangang kumilo
“UMALIS ka sa daraanan ko, Benedict,” mahinahong saad ni Charinda.Nakaharang sa dinaraanan niya ang lalaki na hindi niya nagustuhan. She was busy. Ang dami niya pang gagawin. Hindi pa rin maganda ang mood niya at kung hahayaan niya ang sariling inisin pa lalo ni Benedict, malamang makalimutan na niya ang tungkulin, ang sumagip ng buhay hindi tumapos.Hindi pa rin niya matanggap ang bagong misyon na ibinigay sa kanya. It was like a punishment for her.Pinaparusahan siya nila dahil sa ginawa niya doon sa drug pusher at mga bata nito.Bakit hindi siya nila maintindihan? She was only having some fun! Pero hindi alam ng mga ito ang salitang iyon.Benedict was still blocking the path.
Wala ring nagawa si Charinda kundi sundin ang heneral. Binigyan siya nito ng isang buwan upang alamin ang totoong kwento sa likod ng pagbabanta sa buhay ni Kadriel Fernando ng most wanted nilang si Pantio at bigyan din ng proteksyon ang lalaki habang naghahanap ng tiyempong madakip ang lalaki. At kung mas madali niyang madakip si Pantio, madali niyang matatapos ang misyon. Hindi na niya hihintayin ang isang buwan upang umalis.Isang buwan.Isang buwan na paghihintay. Pero hindi siya papayag na ganoon katagal ang paghihintay na gagawin niya. She will capture Joe Pantio sooner than later. Na-miss na rin niyang sumama sa mga entrapment operations at makipag-deal sa mga big time criminals ng bansa.Sana makaya niya iyon. Sana baon niya ang napakaraming pasensya. Humanap nga siya ng tindahan na nagbebenta ng pasensya nan
Kadriel Fernando. A self-made billionaire in his thirties. And what was amazing was he become rich and powerful using his own sweat and blood. Ito na lang nag nag-iisang anak ng magulang nito. Namatay na ang nag-iisa nitong kapatid sa isang aksidente which made the man ruthless and serious more than ever. He forgot how to smile because of the said accident.So far, iyon pa ang na-gather na data ni Charinda sa lalaki. She also found out that he rarely went home early. Palagi na itong late umuwi. May mga kasambahay na nagsasabing baka dahil may girlfriend ito at nakikipag-date na.Kinagabihan, halos maging buto na si Charinda sa lahat ng kagat ng lamok sa labas ng bahay. Para namang sobrang nakakaakit ang kutis niya, eh, pwede na nga siyang maging kandidato para maging kapatid ng uling. Despite that, mahal niya pa rin ang kulay ng kutis niya and no amount of free supplies of gluthathione will change her mind. Nasaan ba ang Fernandong iyon? Kung mas maaga pa ito, hindi na sana siya pin
Alas-kwatro pa lamang ng madaling araw ay gising na si Charinda. The agency even trained them not to sleep for a couple of days if the situation needed it. Pwede rin namang matulog pero kulang sa oras.Humikab siya while trying to hide it. Right. Natural lang iyon dahil kulang ang tulog niya. She slept at one o’clock in the midnight.Hindi siya sanay na tanghali na gumising. Regardless kung dalawang oras lang ang tulog niya o walong oras, maaga pa rin siyang gumigising.Hindi pa rin niya nakakalimutan ang nangyari kagabi at sa tuwing maaalala niya iyon, nakakamot niya ang kamay. Whenever she remembered Fernando’s face, she had the urge to punch his face.She was flirting with him?Fuck him.Who the fuck did he think he was?Her heart was fuming. But she had no outlet for her anger.Tahimik siyang nakatayo sa tabi habang pinagsisilbihan ni Oly si Fernando at ang anak nitong si Kent. Nalaman lamang niya iyon nang tumulong siya sa paghahanda ng almusal kanina kay Aling Loring—ang tagapag
TOTOO nga ang sinabi ni Fernando. Ang lalaki mismo ang nagmaneho ng kotse. Charinda can say that the bodyguards were doing their job very well. Noong lumabas na sila ng bahay, pinalilibutan sila ng anim na bodyguards na nagmamatyag sa paligid. When the three of them stepped inside the car, they slowly gave them some air. Nasa huli si Benedict na sinusuri ang paligid at nang makitang walang banta, pumasok na rin ito kasama si Fernando.Hindi lumagpas sa paningin ni Charinda ang mapang-asar nitong tingin. She was talking about Benedict who did nothing but infuriate her. Nakikipagpaligsahan ito sa pag-inis sa kanya.Nasa backseat sila ni Kent samantalang nasa tabi nito si Fernando. Si Benedict ang nagmamaneho ng sasakyan. Manaka-naka itong susulyap sa salamin at magtatama ang paningin nila, kikindat ito. What the fuck?Ano na naman ang trip nito? Hindi niya talaga maintindihan ang daloy ng pag-iisip ng lalaki.May sakit ba siya sa mata?Sa higpit ng security na binibigay nina Benedict
Charinda was again bored.Wala naman siyang kausap. Or mas maganda sabihing walang gustong kumausap sa kanya. She did not like small talks. Iyong ang topic ay pag-uusapan ang buhay ng may buhay. Makikipag-tsismisan lang naman sa kanya ang mga taong nakapalibot sa kanya na katulad niya ay naghihintay sa mga batang binabantayan ng mga ito. When one attempted to have some small talks with her, agad niya itong binibigyan ng masamang tingin. As a reply, the other person would scowl at her while saying, “Ang suplado mo. Akala mo kung sinong maganda.” Sabay walk out sa kanya.As if she cared.Isa lang naman ang mahalaga sa kanya—iyon ay ang magampanan nang maayos ang trabaho niya. Hindi rin naman siya pumunta rito para humanap ng kaibigan. The school was an exclusive school. Isang pribadong eskwelahan kung saan may nursery, kindergarten, elementary, junior high school, and senior high school level. And she must admit that the security was tight. May school bus na maghahatid sa mga bata pa