Share

Chapter Seventy

NAGPAKAWALA nang malalim na buntong-hininga si Megara matapos matanaw ang paglabas nang ikalabing-anim na babae mula sa gusali kung nasaan ang condo unit ng kabit ni Russel.

May isang babae kanina na papasa bilang kabit ng asawa niya. Maganda ito, maputi, matangkad, nakasuot ng pekpek shorts at black sando na pang-itaas, pero may kasama naman itong matandang hukluban na humahalik-halik pa rito. Dahil doon ay naisip niyang imposible rin kung iyon ang kerida ng asawa niya.

Nagbuga siya ng hangin matapos sumandal sa malaking katawan ng puno. Pinagsalikop niya ang dalawang braso sa tapat ng dibdib. Biglang kumalam ang sikmura niya.

Kanina nang umalis si Russel sa bahay nila, sumunod na rin siya rito. Mabilis ang pagpapatakbo nito kaya nawala sa paningin nila ng driver ng taxing sinasakyan niya. Sa sobrang inis, dumiretso na lang siya sa labas ng condo ng babae at hinanap ng mga mata ang kotse ng asawa, ngunit wala naman iyon doon. Mukhang may ibang pinuntahan si Rus

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status