Share

Chapter Sixty-five

BUONG gabing iniiwasan ni Megara ang lalaki dahil hindi niya kayang kausapin ito matapos ng komprontasiyon nila kagabi. Hindi niya lubos akalain na naging marupok na naman ang puso niya at inisip na magkakaayos pa rin sila.

Pagkatapos niyang marinig ang kuwento kahapon ng katulong nila, tila yelo na binuhusan ng mainit na tubig ang puso niya. Unti-unti itong natunaw, hanggang sa tuluyan na naman siyang bumigay sa asawa.

Mabuti na lang dahil pumunta sa bahay nila si Aliyah bago maggabi. Dito niya nalaman na maagang umuwi si Russel. Ayon pa sa babae, pinilit nitong tapusin agad ang lahat ng trabaho at para bang excited na excited itong makauwi.

Kumuyom ang mga kamao niya nang maalala ang mga sinabi ng babae. Ilang ulit siyang napalunok dahil sa nararamdamang paninikip ng dibdib.

"Hindi ka na magbabago, Russel." Nag-umpisang mamasa ang gilid ng mga mata niya. Nang tuluyang umagos ang isang luha sa kaniyang pisngi, marahas niya itong pinalis habang nagpipigil

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status