Share

Chapter Sixty-seven

LAGLAG ang mga balikat na naupo si Russel sa mahabang sofa sa sala ng condo unit ni Narissa. Hawak pa rin niya ang picture ng ultrasound ng babae, pero wala roon ang paningin niya. Maging ang isip niya'y lumilipad sa kung saan.

Nakangiti namang naghahanda ng maiinom at makakain si Narissa sa kitchen nito. Masaya ang babae dahil sa nakitang reaksiyon ni Russel kanina.

Paano, namutla ang mukha ng lalaki nang kumpirmahin ng doctor na buntis nga siya. Ibig sabihin lang niyon, unti-unti na itong naniniwala.

Tangan ang tray ng dalawang kamay kung nasaan ang dalawang glass of red wine at ilang slices ng tuna melt sandwiches, tila sumasayaw ang puwetan niya nang lumapit siya sa lalaki at nilapag sa ibabaw ng round table sa harap nito ang mga pagkain.

"Heto, kumain ka muna. Mag-uusap pa tayo tungkol sa baby natin."

Nagsalubong naman ang mga kilay ni Russel sa narinig. Tinitigan siya nito nang may talim sa mga mata.

Natawa na lang siya bigla. "Russel,

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status