Share

Chapter Thirty

PAGSAPIT ng alas-sais y medya, nakaligo at nakapagbihis na rin si Russel nang abutan niya ito sa kuwarto nila. Pumasok siya sa kanilang walk-in closet at inilagay sa gilid ng pintuan ang laundry basket bago muling umalis.

Hindi pa man tuluyang nakalalabas ng silid, huminto siya at nilingon ang lalaking abala sa pagsusuot ng mamahalin nitong relo habang nakatingin sa malaking salamin sa harap nito. Matagal niya itong tinitigan habang nagdadalawang-isip kung yayayain itong mag-agahan o hindi.

Sa huli, nagpakawala siya ng hangin at tuluyang kinausap ang asawa. "Ready na ang breakfast. Bumaba ka na."

"Sa office na lang ako mag-aagahan."

Nawalan siya ng gana nang marinig ang sinabi nito. Nasaktan siya at sa parehong pagkakataon, nakaramdam din ng inis. Gusto niya itong lapitan at komprontahin. Kung anu-anong senaryo ang pumapasok sa isipan niya.

Kumuyom ang mga kamao niya bago kinagat ang ibabang labi. "Gumising ako nang maaga para lang ipagluto ka ng b

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status