Share

Chapter Thirty-one

MATAGAL na pinag-isipan ni Russel ang mga sinabi ng kaibigang si Vicente. Mahigit kalahating araw na rin siyang nag-iinom sa loob ng restobar ng bagong nobya nito. Pilit niyang iniisip kung ano nga ba talaga ang dapat niyang gawin sa sitwasiyon na iyon.

Sa loob nang limang taon, nagawa niyang pigilan at itago kay Megara ang totoong kalagayan niya. Ayaw niyang iparanas dito ang isang pagkatao niya na pilit na niyang ibinabaon sa limot.

Sa tulong ng pagmamahal ng asawa, nagagawa niyang kontrolin ang halimaw sa loob niya. Pero simula nang dumating sa buhay niya si Narissa, tila nagising nito ang isang parte ng madilim niyang nakaraan. Ngayon na nagkakaroon na sila ng problema ni Megara, mas lalong tumitindi ang kagustuhang makawala ng halimaw mula sa loob niya.

Nagbuga siya ng hangin nang maalala si Narissa. Ang dalaga ang tanging nakapagbibigay sa kaniya ng satisfaction na hinihingi ng katawan niya. Dito niya nailalabas ang init niya, pero sa tuwing napapalapit si

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status