Third person point of view"You visiting her?" Naiiling na tanong niya. Hindi siya naniniwala na normal lang ito na bibisita. "I don't believe you," dugtong pa niya.Sumama ang tingin nito sa kaniya at pinagtaasan siya ng kilay habang nakahalukipkip. "Pinagbibintangan mo ba ako na may gagawin na masama?"Matalim na tanong nito.Natauhan siya at natahimik, hindi niya alam kung ano ang isasagot niya sa tanong nito. Sa huli ay pinakalma niya ang sarili at mahinahon na kinausap ito, "pasensya ka na, hindi ko sinasadya na ganon ang maging tono ko. I am just worried," paghingi niya ng paumanhin dito.Akala niya ay magiging okay na once na humingi siya ng sorry."Worried? Para kanino ka nag-aalala Connor?" Naghahamon na tanong nito.Sinukat niya ang tingin nito at nakita niya ang nakapaloob na galit sa mga mata nito.Nag-iwas siya ng tingin dahil ayaw niya na mas palalain pa ang sitwasyon nila kahit alam niya sa sarili niya na sobrang lala na niyon."I'm asking you Connor, para kanino iyang
Third person point of view"Anong hinihintay ninyo pasko? Get him!" Mabilis na nagsikilos ang tauhan ng Daddy ni Florence para kuhanin si Connor ayon na din sa utos ni Calixta.Napatingin si Connor sa kaibigan niya at nakita niya ito na wala ang atensyon sa kaniya. Tinignan niya ang tinitignan nito pero wala naman siyang nakitang tao sa tinutumbok ng mga mata nito.Nawala ang atensyon niya sa kaibigan nung may padarag na humila sa kaniya."Be careful! I don't want to see any scratches on his body!" Matalim na singhal ni Calixta nung makita na basta nalang siyang hinila ng isa sa mga tauhan ng Daddy ni Florence. Napabuntong hininga siya nung muling pumasok sa isip niya ang Daddy ni Florence."I told you to get your hands off him!" Sigaw ni Blake nung nasa kaniya na ang atensyon nito.Mablis na kumilos ang mga tauhan ng Daddy ni Florence para hindi na makalapit sa kaniya ang kaibigan. Wala na siyang nagawa kung hindi ang tanawin nalang ito habang hinihila siya palayo at pinapalibutan
Third person point of view"Hindi ako makakapayag na ilalayo mo sa akin ang mahal ko!" Sabay-sabay na napatingin ang mag-iina na Dela Constancia sa lalaking nagsalita.Kaagad na bumakas ang pag-aalala sa mukha ni Florence at parang may sariling buhay na napatakbo ang mga paa niya palapit kay Connor."Connor!" Umiiyak na sigaw niya habang tumatakbo siya palapit dito."Florence!" Said her Dad in a warning tone.Nanginig ang katawan ni Florence at parang may nag-uutos sa kaniya na tumigil kaya naman iyon ang ginawa niya."Love, come here," mahinang sambit ni Connor.Kaagad na nagtalo ang puso at isip niya maging ang katawan niya ay hindi na nakikinig sa kaniya. Napatingin siya sa mga magulang niya, "D-Dad," tinawag niya ang Daddy niya habang nagmamakaawa siyang nakatingin dito.Nagngalit ang panga ng Daddy niya at mariin itong umiling."I am not gonna let you control her like a kid, Unce!" Madiin na wika ni Blake at kaagad na inisang hakbang ang pagitan nila. Napasinghap siya nung hil
Third person point of view"F-Florence," nanghihina na tinawag ni Connor ang pangalan ng babae na minamahal nito.Humakbang siya para pumasok sa nakabukas na kwarto pero may humawak sa mga braso niya. Tinignan niya iyon at nakita niya ang kaibigan niya na siyang humawak sa kaniya, mariin itong umiling at ngumuso."Bitawan mo ako, Blake!" Utos niya dito. Kahit na malaki ang naging tulong nito sa kaniya kanina nung nakikipaglaban siya sa mga tauhan ng Daddy ni Florence ay nakaramdam siya ng kagustuhan na saktan at baligtarin ito pero dahil sa pagnguso nito ay hindi niya iyon nagawa, sa halip ay tinignan niya ang inginunguso nito at kaagad na umusbong ang galit niya pagkakita sa Daddy ni Florence. "Bakit hindi pa kayo umaalis!?" Matalim na tanong nito.Pinigil niya ang sarili na sumagot dito ng pabalang dahil walang magagawa kung magagalit siya, mas mahalaga sa kaniya ngayon ay ang kalagayan ni Florence at ng anak nila. Muli na namang bumalik sa sistema niya ang takot pagkatapos maala
Third person point of view"Senyorita Florence, nagdala po ako ng pagkain ninyo!" Sigaw ng katulong kasabay ng mahinang pagkatok mula sa labas ng kwarto ni Florence.Hindi niya pinansin ang katulong, pinanatili niya ang atensyon niya sa larawan ni Connor na naka-save sa cellphone niya."Please senyorita, kaninang umaga ka pa hindi kumakain makakasama sa kalagayan mo iyang ginagawa mo," pangungunsensya nito.Hindi niya pinakinggan ang kahit na anong sabihin nito, sawa na siya at hindi na niya kayang magpatuloy pa, maging ang mga luha niya ay hindi na rin kinayang magpatuloy pa."Senyorita!" Sigaw na ng katulong nila at malakas ng kinalampag ang ang pinto ng kwarto niya."Why the hell are you banging that door!?" Dinig niyang pasigaw na tanong ng Mommy niya sa labas."S-Si s-senyorita p-po k-kasi h-h-indi b-binubuksan ang pinto ng k-kwarto," nauutal dahil sa kaba na sagot ng katulong."Get the keys, now!"Kinabahan siya pagkarinig sa sunod na sinabi ng Mommy niya at hindi niya alam kung
Third person point of view"No, Florence!" Sigaw ni Connor at mabilis na tinakbo ang pagitan nilang dalawa ni Florence. Puno ng kaba ang kaniyang dibdib habang tumatakbo siya palapit dito.Pinigilan niya ang tuluyan nitong pagpapakamatay. Puno ng sakit at lungkot at mga mata nito na tumingin sa kaniya. "I'm sorry," umiiyak na paghingi nito ng paumanhin.Umiling siya at pinigilan ang tuluyang pagtulo ng luha niya pero kahit anong gawin niyang pagpipigil ay tumulo pa rin iyon.Nakaramdam siya ng awa para dito, pero higit sa lahat ay galit para sa sarili dahil wala siyang magawa para pagaanin ang problema nito.Hinubad niya ang damit na suot niya at madiin na ibinalot niya iyon sa pulso nito na nagdudugo.Niyakap niya ito ng mahigpit habang hawak niya ang palapulsuhan nito.Habang nasa banyo silang dalawa ay nakarinig siya ng mabilis na mga yabag at kasunod niyon ay magkakasunod na pagsinghap."Florence! W-What h-happen?" Kinakabahan na tanong ng ate ni Florence. Hindi na niya inisip ku
Third person point of view"Make them go away. I don't want to see them."Sabay-sabay na napatingin sina Connor sa nagsalita. Masaya silang makita na gising na si Florence. Pero nawala ang saya nila nung nakita nila itong takot na takot na nakatingin ito sa kanila especially sa mga magulang nito. "A-Anak, I'm sorry," garalgal ang boses na sambit ng Mommy ni Florence.Napatingin siya sa mga magulang nito at kaaagad siyang nakaramdam ng awa para sa mga ito dahil sa nakikita niyang paghihirap at sakit sa mga mata nito.Tinignan niyang muli si Florence. "Why did you said that?" Tanong niya dito.Nilapitan niya ito at hinawakan sa kamay para agawin ang atensyon nito.Napatingin naman ito sa kaniya at puno ng sakit at takot ang mga mata. "Make them leave, please Connor," nagmamakaawang sambit nito.Nagdadalawang isip siya sa dapat niyang gawin. Huminga siya ng malalim at muling tinignan ang mga magulang nito. Umiling siya at apologetic na tumingin sa mga ito. Akala niya ay magagalit
Third person point of view"What a nice suprise!" Gulat na bulalas ni Calixta pero naroon ang pang-aasar sa tono ng boses habang nakangisi kay Connor matapos siya nitong pagbuksan ng pinto sa condo nito.Nagpakawala siya ng isang malalim na paghinga at pinaalala niya sa sarili na kailangan niyang mas habaan pa ang pasensya niya."Can we talk?" Seryosong tanong niya.Sa kabila ng kaseryosohan niya ay iba ang ipinapakita sa kaniya ni Calixta dahil imbes na mag-seryoso ito ay lumagkit ang mga titig nito sa kaniya. Humakbang siya ng isang beses pa-atras para lumayo dito. Natigilan ito sa ginawa niya at nawala ang malagkit na titig pero pansamantala lang iyon dahil muling bumalik ang nang-aakit nitong tingin at nagsimula itong humakbang palapit sa kaniya."Are you scared? You don't have to, kasi lagi naman natin itong ginagawa noong dito ka pa nakatira," nang-aakit na sambit nito na tuluyan ng nakalapit sa kaniya.Mabilis nitong iniyakap ang mga kamay sa batok niya at bago pa siya makakil