Share

Chapter 68

Third person point of view

Dahil sa pagkakatulala ng Mommy niya ay hindi na si Connor nag-abala pa na hintayin ito. Hinayaan nalang niya na matauhan ito at sumunod sa kanila pero pagkarating nila sa sala ay nakita niya ang paglinga ng Mommy ni Florence na para bang may hinahanap.

"Where is your Mom?" Hindi na nakatiis na tanong nito.

"Nasa taas pa po at nakatulala," sagot niya. Napanganga ang Mommy ni Florence at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya bago sa taas.

Hind niya alam kung ano ang reaksyon ng Mommy niya pero dahil sa pag-iling ng Mommy ni Florence ay mukhang hanggang ngayon ay shock pa rin ito.

"Mauna na kayo sa hospital, susunod nalang kami," utos nito sa kanila.

Tumango siya at nagmamadali ng umalis. Pagdating sa labas ng bahay ay naroon na ang sasakyan at umaandar, sa tapat ng pinto ay nakatayo na rin ang driver ng pamilya nila Florence.

Kaagad na niyang pinauna si Florence na sumakay bago siya sumunod at naupo sa tabi nito.

"Manong tayo na po!" Malakas na sambit niya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status