Third person point of viewEverything is in chaos!Hindi alam ni Connor kung sino ang dapat niyang unahin , kung ang pag-protekta sa sarili niya laban sa Daddy ni Calixta na patuloy sa pagsuntok sa kaniya kahit na pilit itong pinipigilan ng Daddy ni Florence at Daddy niya o ang fiance niya na ngayon ay tulala sa mga nangyayari? "Enough this nonsense!" Napatigil sa pagkakagulo ang mga tao dahil sa ma-otoridad na pagsigaw ng Mommy ni Florence. Tandang-tanda niya kung paano siya kilabutan sa nakakatakot na Mommy ni Florence."Bakit hindi natin pag-usapan ang issue ng hindi tayo nag-aaway away!?" Matalim pa rin na tanong ng Mommy ni Florence.Hindi nagustahan ni Calixta ang pagiging ma-otoridad ng Mommy ni Florence base na rin sa pagtitig nito ng mmatalim doon, pero wala itong magawa kung hindi ang manahimik dahil bakas na ang pagsang-ayon sa mukha ng mga magulang nito.Pinanood niya kung paano lumayo ang mga magulang ni Calixta para maupo sa isang pahabang sofa. Kasabay ng pag-upo ng
Third person point of view Katahimikan...binalot na sina Florence at Connor ng katahimikan."A-Ano-""A-About-"Sabay na sambit nila pero sabay din silang napatigil at napatingin sa isa't-isa."You first," sambit ni Connor.Nakita ni Connor na hesitant pa si Florence pero kitang-kita niya rin ang kagustuhan nitong magsalita.Nag-iwas ito ng tingin sa kaniya. "Ano ang plano mo? Sasamahan mo ba si Calixta sa check up nito bukas?" Tanong nito ng hindi makatingin sa kaniya ng diretso.Napaisip siya kung ano ba ang dapat niyang gawin. Kung tatanggi siya sa gustong mangyari ng parents ni Calixta ay nasisigurado niya na malaking gulo iyon pero kung papayag naman siya ay sigurado na masasaktan si Florence at 'yun ang iniiwasan niyang mangyari."To tell you honestly? I don't know," sagot niya.Kaagad na napabuntong hininga si Florence at puno ng pagtatalo ang mga mata nito.Naaawa siya at nahihiya dahil sa mga probema na idinudulot niya hindi lang dito maging sa pamilya nito."Huwag ka na ma
Third person point of viewHumahangos na tumakbo papunta sa clinic ni Doctor Narca si Connor. Walang pagsidlan ang kaba na nararamdaman niya habang mas lumalapit siya sa clinika ng kakilalang doctor.Pagkakita niya sa pinto ng clinika ay dali-dali niya itong binuksan ng hindi inaalintana kung mayroon siyang maaabalang importanteng bagay.BLAG!Lumikha ng ingay ang padarag niyang pagbukas ng pinto ng clinic ni Doctor Narca. Gulat na napatingin sa kaniya si Calixta samantalang poker face naman siyang hinarap ng doctor.Iginala niya ang paningin niya sa ina ng magiging anak niya at nagmamadali niya itong nilapitan. Subalit ang pagmamadali niya ay biglang bumagal at ang kaba niyang nararamdaman ay biglang naglaho at napalitan ng walang pagsidlang galit."Anong ibig sabihin nito?" Nagngangalit ang panga na tanong niya.Inosente itong tumingin sa kaniya, "Ice cream!" Excited na sagot nito bago binalingan ang doctor. "Right Doctora?" Natutuwang tanong nito.Hinintay niya ang magiging sagot n
Third person point of viewEverything is crashed!"Your bone leg is damage although we were able to repair it by operating it and putting titanium in it. You can't fully used your leg." Hindi niya alam kung ano ang papakinggan niya dahil sa dami ng mga boses na naririnig niya at naghahalo-halo sa isip niya ang mga iyon."Iiwanan na muna namin kayo. Mr. Sullivan mas makabubuti kung dito ka muna sa hospital ng ilang mga araw pa para mas ma-monitor namin ang progress mo," sambit muli ng doctor.Hindi siya tumango o sumagot sa bawat salitang binitawan ng mga ito. Nanatili lang siyang nakatulala sa kawalan at pilit na pino-proseso ang lahat ng mga nangyari.Ang aksidente pagkatapos ipakita sa kaniya ng estrangherang babae ang kalagayan ng mga paa niya ay iniwan siya nito. Akala niya ay pinabayaan na siya nito pero wala pang limang minuto ay bumalik ito na may kasama ng mga pulis."L-Love?" Bumaling siya para tignan ang fiance niya.For the first time since dinala siya sa hospital ay nag
Third person point of viewLulugo-lugo na pumasok si Calixta sa malaking mansyon ng mga magulang niya. Bakas ang luha sa mga mata nito dahil sa nangyaring pamamahiya sa kaniya ni Florence.Ngunit nasa bukana pa lang siya ng tarangkahan nila ay dinig na niya ang tawanan na nanggagaling sa loob ng bahay. Pero ang tawanan na iyon ay parang bula na biglang naglaho pagkatapos niyang tumapak sa marmol na sahig.Nagtaas siya ng tingin para tignan kung ano na ang nangyayari at kung bakit namatay ang tawanan.Sa pagtaas ng tingin niya ay nakita niya ang dahilan kung bakit wala na ang tawanan.Mataray na nakataas ang isang kilay ng Mommy niya sa kaniya. Hindi ito masaya sa ginawa niyang pag-abala sa munting salu-salo nito kasama ang mga kaibigan.Napayuko siya at nakaramdam ng hiya, "sorry," paghingi niya ng paumanhin at nagsimulang humakbang paabante ng nakayuko.Bawat hakbang na ginagawa niya ay nagdarasal siya na sana ay makarating na siya kaagad sa hagdan papasok sa kwarto niya. "Wala ako
Third person point of view"Okay! Bigyan mo ako ng isang araw at ihaharap ko sa iyo ang bangkay ng taong iyon." "Billy Ron, huh!" Komento ni Ruel. Ano kaya ang ginawa ng taong ito para ipapatay ng amo niya? Tanong niya sa kaniyang isipan.Tumayo na siya at lumabas sa coffee shop na pinagtatambayan niya.Habang nasa labas siya ng coffee shop ay nagtingin-tingin siya sa paligid ng mga mapunong lugar na pwede niyang tambayan ng walang makakapansin sa kaniya.Sa pag-gala ng mga mata niya ay isang mayabong na puno na may malalaking ugat ang na-ispatan niya.Muli pa siyang luminga sa paligid bago nagsimulang maglakad.Habang naglalakad siya ay tumunog ang cellphone niya.Kinuha niya iyon at binuksan ang mensahe na galing sa amo niya. Kalakip ng mensahe ay isang larawan ng makisig na lalaki. Mestizo ito at kulay ginto ang mga buhok maging ang mga mata nito ay hindi rin normal na makikita. Ginto ang kulay ng mga mata nito.BEEPPPP.......BEEEEEEP..........BEEEEEEP"NAGPAPAKAMATAY KA BA PVTA
Third person point of viewIlang segundong pinagmasdan ni Ruel ang natutulog na si Calixta, hindi mawala sa isip niya ang sinabi nito na hindi anak ni Sullivan ang ipinagbubuntis nito pero ang magkasunod nitong sinabi ang talagang nagpapabagabag sa kaniya.Hindi basta-bastang kalaban ang mga Dela Constancia at Sullivan. Kilala ang mga pamilyang ito sa pagiging malupit."You sure are digging your own grave huh?" Nakangising tanong niya sa natutulog na amo. Napabuntong hininga siya at napatingala na animo'y tumatago ang mga mata sa bubong ng bahay. "Pero mas tanga ako dahil sarili kong libingan ang huhukayin ko para sa iyo, Calixta."Pagkatapos niyang magsalita kahit wala namang nakakarinig ay naglakad na siya palabas ng kwarto nito.Maingat na isinara niya ang pinto ng kwarto bago dire-diretso na naglakad palabas ng bahay nito."Digging my own grave, tch!" Sambit niya bago tuluyang umalis sa vicinity ng bahay nito.ONE WEEK LATER"Kailan natin pwedeng isagawa ang DNA Testing?" Tanong
Third person point of view"Ehem!"Napatigil sa masayang pagkakaladyaan si Connor at Florence ng makarinig sila ng malakas na pagtikhim.Sabay na napatingin si Florence at Connor sa dako na pinanggalingan ng tikhim at kaagad na napangiwi si Florence pagkakita sa isang hindi inaasahang bisita."Hanep din kayo maglandian akala ninyo wala kayong masasagasaang tao," komento nito habang dire-diretsong naglalakad papasok sa loob ng bahay nila Florence kahit na walang pahintulot."Hindi ka naman mukhang tao!" Ganting pasaring ni Florence.Kaagad naman nagngitngit sa galit ang unwanted visitor nila at masama siyang tinitigan."What did you just said!?" Galit na sikmat nito.Nagkibit balikat siya dahil hindi niya gustong ulitin ang sinabi niya."Hindi niyo ba tatanungin kung ano ang ginagawa ko dito?" Nakataas ang kilay at nakangising tanong nito.Ilang segundo niya pang pinagmasdan ang bisita nila bago niya inalis ang tingin dito at harapin si Connor na hanggang ngayon ay nakahiga sa mga hita