Third person point of viewEverything is crashed!"Your bone leg is damage although we were able to repair it by operating it and putting titanium in it. You can't fully used your leg." Hindi niya alam kung ano ang papakinggan niya dahil sa dami ng mga boses na naririnig niya at naghahalo-halo sa isip niya ang mga iyon."Iiwanan na muna namin kayo. Mr. Sullivan mas makabubuti kung dito ka muna sa hospital ng ilang mga araw pa para mas ma-monitor namin ang progress mo," sambit muli ng doctor.Hindi siya tumango o sumagot sa bawat salitang binitawan ng mga ito. Nanatili lang siyang nakatulala sa kawalan at pilit na pino-proseso ang lahat ng mga nangyari.Ang aksidente pagkatapos ipakita sa kaniya ng estrangherang babae ang kalagayan ng mga paa niya ay iniwan siya nito. Akala niya ay pinabayaan na siya nito pero wala pang limang minuto ay bumalik ito na may kasama ng mga pulis."L-Love?" Bumaling siya para tignan ang fiance niya.For the first time since dinala siya sa hospital ay nag
Third person point of viewLulugo-lugo na pumasok si Calixta sa malaking mansyon ng mga magulang niya. Bakas ang luha sa mga mata nito dahil sa nangyaring pamamahiya sa kaniya ni Florence.Ngunit nasa bukana pa lang siya ng tarangkahan nila ay dinig na niya ang tawanan na nanggagaling sa loob ng bahay. Pero ang tawanan na iyon ay parang bula na biglang naglaho pagkatapos niyang tumapak sa marmol na sahig.Nagtaas siya ng tingin para tignan kung ano na ang nangyayari at kung bakit namatay ang tawanan.Sa pagtaas ng tingin niya ay nakita niya ang dahilan kung bakit wala na ang tawanan.Mataray na nakataas ang isang kilay ng Mommy niya sa kaniya. Hindi ito masaya sa ginawa niyang pag-abala sa munting salu-salo nito kasama ang mga kaibigan.Napayuko siya at nakaramdam ng hiya, "sorry," paghingi niya ng paumanhin at nagsimulang humakbang paabante ng nakayuko.Bawat hakbang na ginagawa niya ay nagdarasal siya na sana ay makarating na siya kaagad sa hagdan papasok sa kwarto niya. "Wala ako
Third person point of view"Okay! Bigyan mo ako ng isang araw at ihaharap ko sa iyo ang bangkay ng taong iyon." "Billy Ron, huh!" Komento ni Ruel. Ano kaya ang ginawa ng taong ito para ipapatay ng amo niya? Tanong niya sa kaniyang isipan.Tumayo na siya at lumabas sa coffee shop na pinagtatambayan niya.Habang nasa labas siya ng coffee shop ay nagtingin-tingin siya sa paligid ng mga mapunong lugar na pwede niyang tambayan ng walang makakapansin sa kaniya.Sa pag-gala ng mga mata niya ay isang mayabong na puno na may malalaking ugat ang na-ispatan niya.Muli pa siyang luminga sa paligid bago nagsimulang maglakad.Habang naglalakad siya ay tumunog ang cellphone niya.Kinuha niya iyon at binuksan ang mensahe na galing sa amo niya. Kalakip ng mensahe ay isang larawan ng makisig na lalaki. Mestizo ito at kulay ginto ang mga buhok maging ang mga mata nito ay hindi rin normal na makikita. Ginto ang kulay ng mga mata nito.BEEPPPP.......BEEEEEEP..........BEEEEEEP"NAGPAPAKAMATAY KA BA PVTA
Third person point of viewIlang segundong pinagmasdan ni Ruel ang natutulog na si Calixta, hindi mawala sa isip niya ang sinabi nito na hindi anak ni Sullivan ang ipinagbubuntis nito pero ang magkasunod nitong sinabi ang talagang nagpapabagabag sa kaniya.Hindi basta-bastang kalaban ang mga Dela Constancia at Sullivan. Kilala ang mga pamilyang ito sa pagiging malupit."You sure are digging your own grave huh?" Nakangising tanong niya sa natutulog na amo. Napabuntong hininga siya at napatingala na animo'y tumatago ang mga mata sa bubong ng bahay. "Pero mas tanga ako dahil sarili kong libingan ang huhukayin ko para sa iyo, Calixta."Pagkatapos niyang magsalita kahit wala namang nakakarinig ay naglakad na siya palabas ng kwarto nito.Maingat na isinara niya ang pinto ng kwarto bago dire-diretso na naglakad palabas ng bahay nito."Digging my own grave, tch!" Sambit niya bago tuluyang umalis sa vicinity ng bahay nito.ONE WEEK LATER"Kailan natin pwedeng isagawa ang DNA Testing?" Tanong
Third person point of view"Ehem!"Napatigil sa masayang pagkakaladyaan si Connor at Florence ng makarinig sila ng malakas na pagtikhim.Sabay na napatingin si Florence at Connor sa dako na pinanggalingan ng tikhim at kaagad na napangiwi si Florence pagkakita sa isang hindi inaasahang bisita."Hanep din kayo maglandian akala ninyo wala kayong masasagasaang tao," komento nito habang dire-diretsong naglalakad papasok sa loob ng bahay nila Florence kahit na walang pahintulot."Hindi ka naman mukhang tao!" Ganting pasaring ni Florence.Kaagad naman nagngitngit sa galit ang unwanted visitor nila at masama siyang tinitigan."What did you just said!?" Galit na sikmat nito.Nagkibit balikat siya dahil hindi niya gustong ulitin ang sinabi niya."Hindi niyo ba tatanungin kung ano ang ginagawa ko dito?" Nakataas ang kilay at nakangising tanong nito.Ilang segundo niya pang pinagmasdan ang bisita nila bago niya inalis ang tingin dito at harapin si Connor na hanggang ngayon ay nakahiga sa mga hita
Third person point of view"Hindi pa tayo tapos Calixta! Siguraduhin mo na itatago mo ang sarili mo dahil hahanapin kita kahit saang impyerno kapag may nangyaring masama sa mag-ina ko." -Connor SullivanPagdating nila sa hospital ay kaagad silang nilapitan ng mga nurse at inasikaso."Sir, kailangan ninyo na po na sumama sa amin para magamot na rin po kayo," sambit ng isa sa mga nurse na inutusan ng doctor para idala siya ng emergency room.Hindi niya pinansin ang nurse, nanatili siyang nakatingin sa pinto na pinagpasukan sa fiance niya.Puno ng kaba ang dibdib niya habang hinihintay na lumabas ang doctor na ilang oras ng nasa loob ng kwarto."Son, you need to go to the emergency," pakiusap ng Mommy niya.Kagaya ng ginawa niya sa nurse ay hindi niya pinansin ang magulang.Hindi ang mga ito ang magpapatinag sa kaniya, ang tanging magpapatinag lang sa kaniya ay kung malalaman niya na maayos ang kalagayan ng mag-ina niya."Sir, kailangan ninyo na pong sumama sa amin dahil baka tuluyan ng
Third person point of view"It's hard to lose someone you are excited about."-Connor Sullivan"Ano po ang ibig ninyong sabihin Doc Lucy?" Ang nuse ang nagtanong dahil hindi na niya makuhang magsalita.Nakatulala nalang siya sa Doctor habang hinihintay na sabihin nitong pagbibiro lang ang lahat. "She lost a lot of blood, therefore-!"BLAG!Hindi na niya hinintay pa ang sasabihin ng Dooctor, padarag na binukas at isinara niya ang pinto.'She lost a lot of blood.''She lost a lot of blood.'No way!Paika-ika siyang naglakad pabalik sa pinagdalhan kay Florence habang pabalik-balik sa isipan niya ang mga binitawang salita ng doctor. Madiin ang pagkakakuyom ng kamao niya at nag-iigting ang panga niya. Hindi siya naniniwala sa sinabi ng doctor dahil alam niyang malakas ang mag-ina niya at naniniwala siya na makakaligtas ang mga ito.Wala pa sa kalahatian papunta sa pinagdalhan kay Florence ang nalalakad niya ay pagod na pagod na siya."Damn this leg!" Mura niya. "Kung kailan kailangan k
Third person point of view"Hindi mo kasi ako pinatapos basta ka nalang umalis. Kaya hindi ko na kasalanan kung bakit umiyak ka." Puno ng pang-aasar na sambit nito.Kaagad na umigting ang panga niya dahil sa inis. Hindi niya matanggap ang reason nito na umalis siyang bigla, sa sobrang bagal niyang maglakad ay sigurado na kahit pagong kakayanin siyang abutan."Ang sabihin mo ay natutuwa ka na makita akong nagsa-suffer," pasaring niya."Totoo ka don." Seryosong sagot nito.Natigilan siya at napanganga. Hindi makapaniwala na tinignan niya ito, akala niya ay pagagaanin nito ang loob niya pero hindi pala."Tch!" Umingos nalang siya at sa halip na makipag-argumento pa dito ay hinarap niya nalang ang pinto ng kwarto na pinagdalhan kay Florence.Tahimik silang naghintay na lumabas ang mga doctor na nasa loob na hindi naman nagtagal dahil ilang minuto lang ang lumipas sa paghihintay nila ay bumukas ang pinto at magkakasunod na lumabas ang mga nurse.Malakas ang tahip ng dibdib niya habang hini