Share

Chapter 50

ISA

DALAWANG araw hindi umuwi si Uno, dalawang araw rin nakakulong sa basement si Senyora Celestia. Sinisiguro kong tubig lang ang nakukuha niya at hindi nabibigyan ng pagkain. Maranasan man lang niya ang mga dinanas ko noong ginugutom niya ako habang nakakulong.

Humigop ako ng kape habang nagpapabilad ng araw sa balkonahe. Miss ko na si Uno. Wala akong makausap kaya mas lalo ko siyang naiisip.

Umalis si Inay kasama si Alis, namili ang mga ito sa bayan at nag-bonding. Inilabas ni Inay ang anak ko dahil naaawa na raw siya rito, hindi man lang makalabas ng bahay sa takot namin na idamay ito ni Senyora Celestia.

"Senyorita!"

Natigilan ako sa malalim na pag-iisip nang sunod-sunod na katok sa pinto ang narinig ko.

Boses iyon ni Tan. Ano na naman kaya ang nangyari?

Mabilis kong nilapitan ang pinto at binuksan ito. "May problema ba? Kulang na lang, gibain mo itong pinto ng kuwarto."

"Senyorita, sumama ka sa akin sa basement. May nangyari kay Celestia!"

Dagli akong natigilan sa narinig. Unang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status