Share

TRES 2

TIANA

BINUKSAN ni Carmen ang pintuan ng silid niya at pinapasok ako sa loob. Malaking painting ng nakangiting dalaga ang bumungad sa akin. Nakasabit iyon sa pader sa harap ng kama nito. Puno rin ng larawan ng dalaga ang kuwarto na iyon.

"Sino po siya?"

Lumapit si Carmen sa malaking painting at malungkot itong pinagmasdan. "Ang nag-iisa kong anak, si Cynthia."

"May anak po kayo? Nasaan na siya ngayon?"

Malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya. "Patay na siya."

Napatingin ako sa painting. Nanghinayang ako. Masyado pa itong bata at sobrang ganda. Kawawa naman.

"Patay na po siya? Ano po ang ikinamatay niya?"

"Nagpakamatay siya."

Namilog ang mga mata ko sa nakuhang sagot. Nagpakamatay ang anak nito? Kaya pala ang lungkot ng mukha niya habang nakatingin sa painting.

"I'm sorry po."

Hinarap niya ako. Nakikita ko ang pinaghalong lungkot at galit sa mga mata niya.

"Alam mo ba kung bakit nagpakamatay ang anak ko?"

"B-bakit po?"

"Dahil ginamit lang siyang parausan ng nobyo niya. Noong mags
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Trina Benitez
nakakainis pala behavior nito
goodnovel comment avatar
Princess Tobias
mas Malala tong si Tres kina Uno at Dos haha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status