Share

Chapter 44

“A-Anong ibig sabihin mo?” gulat na sabi ni Sir Emman, ako naman ay nawiwindang sa mga naririnig.

“M-Mommy,” tawag ko sa kanya ngunit hindi niya ako nilingon.

“I’ll explain later Elle,” mahinang sabi ni mommy ngunit nilingon ako ni Sir Emman at hinarap.

“Elle? Ikaw si Elle?” tanong niya.

“O-Opo, n-nickname ko po ‘yon kasi po Evelyn.” Tinitigan ko si Sir Emman sa mata na hindi alam kung ano ang gagawin.

“Linawin mo sa akin lahat, Lavine!” naguguluhan na sabi ni Sir Emman.

“Emman, Lavine. Sa loob niyo pag-usapan ‘yan,” seryosong sabi ng nanay ni Sir Emman.

Dahil doon ay napasunod ako, habang naiwan naman sa labas si Samuel.

Pagkapasok ay para akong tanga na salitan silang tinitignan. “B-Bigla ka na lamang nawala noon, Lavine. Ilang taon ang lumipas!” sigaw ni Sir Emman.

“Dahil galit sa akin ang magulang mo noon, Emman. H-Hindi mo ba naalala na gusto lang nilang kunin si Elle at isantabi ako? Hindi ko kaya mawala sa akin ang sarili kong anak!” malakas na sumbat ni mommy.

“Sabi mo patay n
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status