Share

Kabanata 005

Samantalang sa loob ng Opisina ni Arnaldo ay sabay sabay na nagdatingan ang mga kaibigan nitong dahilan kung bakit ngyari ang matamis na gabing iyon.

“aba pare , iba ata ang saya natin aah!, grabe ang ngitian natin aah!” biro ni John ng bigla itong pumasok sa kanyang opisina.

“eeeh baka naman kasi pinatikim ng matindi ni Lady in Red!,!” sundot na biro nit David sa kanya.

“pre, ano masarap ba? Magaling ba? Mukhang yummy yung babaeng binigay namin sau aah. What’s her name ?” pang-aasar din ni Oscar sa kaibigan.

“mga siraulo kayo!” nakangiting pagbato nito ng kanyang Pen sa kanyang mga kaibigan.

“nasabon ako ni mommy ng dahil sa ginawa niyo. Nahuli kami ni Sandra, naabutan nila nasa kwarto ko pero seriously Pare, this girl. She’s really different. I don’t know! But she has impact to me! “

“Naawa din ako kasi itong si Sandra at Kenzo pinagtulungan sabunutan. Ewan ko nagkagulo na kasi andoon pa sila mommy sa mansion that time! Haist.” Patuloy na pagkukwento nito sa mga kaibigan.

“so ano na nga. That girl? You mean you didn’t get her name?!” pagkadismaya na tanong ni Oscar.

“ayun na nga pre! Hindi ko nakuha ang pangalan. Masama pa hindi masyadong malinaw yung mukha niya! Kanina namang umaga nagkagulo na nga sa mansion dahil naabutan nga ni Sandra kasama pa nito yung kaibigan niyang si Kenzo.” Ani ni Arnaldo

“ matinding gulo nga pre! Na-iimagine ko na pagiging tigre nitong si Sandra!, malamang si tita sobrang galit na galit.” Pagpapatuloy ni David.

Nagpapatuloy lang ang magkakaibigan sa pagkukwentuhan at pang aasar kay Arnaldo. Lagi nitong kinakantyawan ang kaibigan dahil sa tikas at angking kagwapuhan nito ay wala itong hilig sa pamababae. Kaya naman sila na ang gumawa ng paraan upang ng gabing iyon ay mabinyagan ang kanilang kaibigan bago man lang ito tuluyang matali kay Sandra.

“seriously pare! Ano bang nilagay nio sa inumin ko? Grabe tama sakin hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang sakit ng ulo ko.!” Pagsisisyasat ni Arnaldo sa kaibigan.

“ naku pre wag mo ng isipin yun, pero nag enjoy ka?!hahhahahaha “ panunukso ng mga ito

“wala yun!., hahahhaa” sagot pa ng isa.

“mga loko talaga kayo?!. Igagaya nyo pa ko sa pagiging loko-loko nyo alam niyo naman kahit anong gawin ko nakatali na ko kay Sandra” napapabuntong hiningang sabi ni Arnaldo sa kanyang mga kaibigan.

“ lets go for a coffee break. Dyan na lang tayo sa may starbucks sa baba para mahimasmasan ka. Masyado kang sub-sob dyan sa trabaho mo. Sayang pagiging gwapo mo pre.” Pag-aya ni John sa kaibigan.

Isa-isa na din silang nagtayuan sa kinauupuan.

Si John ay isa ding business owner, sa edad nitong 25 ay nag ma-may-ari na rin ito ng isang malaking kompanya.

Si Oscar ang Ceo ng mga known hotels and big Casino in the Philippines. Siya ang nag-handle sa mga business ng kanilang pamilya.

Si David ay isang businessman. Kapit nila ang mga kilalang luxurious bags and shoes sa buong Asia. Namana pa niya ang pamamahala sa kanyang mga magulang dahil sa may edad na ang mga ito hindi na nila kaya pang i handle ang kanilang business.

At si Arnaldo naman ay ang tinaguriang man of steel, siya lang naman ang may kapit ng halos lahat ng mga big projects not only in the Philippines but also abroad. Isa siyang contractor na bumubuo bng mga bridges, buildings and constructions ng mga Casino.

Bukod sa kinakapitan nitong clothing business ng kanilang pamilya na siya rin ang pinamahala ng kanyang mga magulang. Tumutulong si Arnaldo mag-asikaso ng negosyo nilang iyon mula ng insidenteng ngyari sa kanyang ate Angela. Pero mina-make sure ni Arnaldo na nakatutok siya sa kanyang construction firm since dito talaga siya nakilala ng mga big investors.

Halos mabaliw-baliw ang kanyang mommy Veronica sa insidenteng kumitil sa buhay ng kanyang ate kaya hindi niya ito kinokontra sa lahat ng gusto nito. gaya na lamang ng pagkakasundo nito na ipakasal siya kay Sandra. Lahat ay gagawin nila para sa kaligayahan ng kanilang mommy. Gayundin si Gener na hindi tumututol sa kung anong gusto ng asawa.

Mahal na mahal ni Veronica si Angela, unica ija nila ito. Kagaya ni Arnaldo. Si Angela ay may angking kagandahan na umaakit sa kahit na sinong lalaki ang makakita dito. Maraming mga manliligaw si Angela na nakapila sa dalaga. Andiyang may mga kilalang artista, malalaking pulitiko at mga business man not only in the Philippines but also abroad. Nakapag tapos bilang Cum Laude si Angela sa Harvard University bilang isang Lawyer. Kaya naman kali-kaliwa ang offer dito upang makapag-trabaho sa kanilang Law Firm.

Sa New York Law Firm napili ni Angela magtrabaho.

“anak, hindi ba delikado ang pinapasok mo?! Alam mo naman dito sa Amerika, napakaraming masasamang tao.” Pagpapa-alala ni Veronica anak na si Angela ng mga sandaling binisita nito ang anak dahil nami-miss na niya ito.

“mom, you know that I love what I am doing here!. And I’d like to help innocent people to get their justice.” Sagot naman nito sa ina.

“yeah ! yeah! I know ija. Basta mag iingat ka palagi dito, aalagaan mo sarili mo dahil pabalik na kami ng daddy mo sa Pinas, hindi naming pedeng iwan ang business natin ng matagal dun, may mga meetings din ang daddy mo sa mga investors at kelangan naming bisitahin din ang supplier natin sa China. Lilipad din kami ng daddy mo papunta dun after a week.” Wika ni Veronica sa kanyang anak.

“yes mommy! Mag iingat din po kayo sa flight niyo. Hahatid ko kayo sa airport ok! I love you mommy, daddy. And regards kay Arnaldo masyadong busy na yang kapatid kong yan hindi na ko nabibisita dito.” Paglalambing ni Angela sa kanyang ina, hinalikan niya ito sa pisngi at niyakap gayundin sa kanyang ama.

“ Oo sobrang busy ni Arnaldo nakuha ulit niya ang project sa Dubai. Magpapatayo ang Sheikh ng Dubai ng bagong bridge.” Sabay yakap din nito sa anak walang tigil ang kakahalik at bilin nito sa anak .

Nasa airport na sila at nagpapaalam na din ang mommy at daddy niya sa kanya. Kumakaway ang mga ito habang papasok sa boarding gate . Si Angela naman ay nakangiti lang na nakamasid sa kanyang parents. Masaya ito kahit minsanan na lang ito makabisita sa kanya sa Amerika dahil na din sa sobrang pagka-busy ng mga ito sa pag intindi sa kanilang family business gayundin din si Angela kabi-kabilaan ang mga cases na hinahawakan nito kaya hindi na din siya basta makauwi sa Pilipinas.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status