Share

Kabanata 006

Sa Bar sa mga sandali bago maganap ang pangyayari sa kanilang dalawa ni Arnaldo.

"Wooohhooooo, " tug-tug-tug . malakas ang musika sa loob ng Bar kung saan nagkayayang magkasiyahan ang magkakaibigan Amelia, Ian at Sophia. nahuli kasi ni Amelia ang kanyang boyfriend ng pitong taon na papasok sa isang famous motel sa Manila. Pauwi na sana sya sa kanilang apartment , kung saan sharing sila ng kanyang mga kaibigan para makatipid sa mga gastusin.

Si Ian at Sophia ay nagmula din sa may kayang pamilya. Ngunit masaya na ang mga ito na magkakasama sila sa 3 bedroom apartment na kanilang inuupahan dahil matatalik silang magkakaibigan mula pa ng sila ay ng-aaral sa kanilang University. Ng makapagtapos at magtrabaho ang mga ito ay hindi pa rin sila naghiwa-hiwalay. Si Ian ay part ng LGBT community kaya close na close ito sa dalawa dahil walang judgement na ngyayari kapag kasama niya ang mga ito unlike sa family niya na hindi tanggap ang pagiging bakla niya.

"bessy are you okay?!" panimulang pag-usisa ni Ian kay Amelia.

" kasi sinabi ko naman sayo noon pa man hiwalayan mo na yang gag*ng yan. Wala namang ibang binibigay sayo yan kundi puro sakit ng ulo." pagpapatuloy pa nito.

"kaya nga bessy, naalala mo nung college tayo. diba nahuli mo yang nakikipaglandian sa cheer leader ng university natin?. huling huli na nga nag-dedeny pa. ikaw naman sige lang , patatawarin mo ng paulit-ulit pero gagawin lang ulit." dagdag pa ni Sophia.

"haist. alam nyo mga bessy ewan ba bakit napakatanga ko pagdating kay Vincent." malungkot na tugon nito na napapabuntong hininga. Sabay tungga sa hard drinks na inorder nito.

" waiter can you please give us a bottle of this?!" ika pa nito ng mapadaan ang waiter.

" naku bessy aah, first time kitang nakitang ganito ka wasak. Diba nga hindi lang naman sa cheer leader mo nahuli yang si Vincent. Andiyang nakita natin yan may kasamang babae sa mall, pinalampas mo din . Meron pa yung isa , yung si Claudia ba yun?!. eeeh iritang -irita talaga ako sa babaeng yan kasi naman ang tigas tigas ng ulo mo. konting sorry lang, mabigyan ka lang ng bulaklak okay ka na kagad. wala ka din kadalaan." pag-papaalala pa nitong si Ian sa kaibigan, habang wasak na wasak ito at tuloy pa rin sila sa pag-inom.

"alam mo bessy kaya siguro ganyan yan si Vincent kasi nangangati, kasi naman ikaw ayaw mo pang isuko ang bataan. Yummy din naman talaga tong si Vincent. Ang pa-abs. hhhmmmmmm rrrrrr!" pang-aasar na nitong si Ian sa kaibigan.

"woooohhhhhhhh! buttoms up!." hiyaw naman ni Amelia sa mga kaibigan na iniiwasang pag-usapan pagdating sa virginity niya.

"halika na samahan niyo ko sa dance floor, andito tayo para mag-enjoy hindi para pag-usapan yang Vincent na yan.! I swear hinding-hindi na ko magpapadala sa pambobola niyan. NEVER EVER AGAIN!" hirit pa nito sa mga kaibigan.

"wooooooooohhhhhh lets cheers to that!" sabay-sabay nilang itinaas ang kanilang mga baso.

Sa loob ng dance floor. Sinabayan ng magkakaibigan ang indak, finest at may kahinhinan itong si Amelia pero makikita ang pagiging jolly at angkin galing nitong gumiling sa dance floor. Halos lahat ng atensyon ng kalalakihan ay natuon sa kanya ng magsimula na siyang umindak dahil sa pang-aasar ng mga kaibigan. alam kasi ng mga ito kung gaano ito kagaling pagdaitng sa sayawan.

"wooooohoooo!. go bessy . go bessy! kaibigan ko yan" pag-bibida ni Ian at Sophia sa kaibigan.

Nakasuot ng pulang bistida na tinernuhan niya ng favorite niyang sandals para komportable sya sa pagkilos. ang kanyang make-up naman ay super light lang. hindi naman kasi siya sanay na maglagay ng heavy make up sa kanyang mukha. itinali lang din niya ang kanyang wavy hair na may pagka brown brown na ngdadagdag ng module ng kanyang mukha.

Lutang na lutang ang kagandahan nito kaya naman hindi nakakapagtakang hindi ito mapansin na kahit na sinong nasa loob ng Bar. Sa katanuyan may pailan-ilang lalaki na din ang lumapit at nakisayaw sa kanila sa dance floor.

Hindi naman gusto ni Amelia ang ganoong klaseng atensyon kaya naman inaya na nito pabalik ng upuan ang mga kaibigan.

"mga bessy lets go back na.! dami ng sumasayaw!" yaya ni Amelia kila Sophia at Ian na noong mga sandaling iyon ay tuloy pa rin sa pag-indak kasama ng bang lalaki. Unlike Amelia, Si Ian at Sophia ay mga extrovert. Lumaki kasi sila ng liberated. Pabalik-balik din sila sa abroad kung saan wild ang surroundings na nakasanayan nila.

"hahahahha. bessy let's enjoy the dance floor!, ang sarap nitong kasayaw ko bessy!" pagtutol naman ni Sophia sa aya ng kanyang kaibigan.

"okay! okay! hahaha enjoy kayo mga bessy, babalik lang muna ako sa area natin." wika naman nito

"sure bessy! sunod na din kami sayo maya-maya!" wooohhhooooo!" si Ian naman ay abala din sa pag-intindi sa kanyang kasayaw.

Nauna na ngang bumalik sa kanilang coach si Amelia. habang nakaupo ay ngingiti-ngiti ito sa panunuod sa kanyang mga kaibigan na sobrang nag-eenjoy sa pagsasayaw sa ilalim ng lumalagabog na music. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman, may isang lalaki na kanina pa nakatitig at napapangiti sa panunuod sa kanya. AYon ay si Arnaldo, na nakamasid sa kabilang mesa.

Sige lang pagtungga ni Amelia sa kanyang iniinom hindi niya na mabilang nakailang shot na ba sya basta ang iniisip niya lang ay mag enjoy ng mga gabing iyon kasama ang mga kaibigan.

"hi! whats your name?!." si Sophia na nga ang gumawa ng first move para makipagkilala sa kanyang kasayaw!

"Im David, and this is my friend friend Oscar and John!" aniya nito

"By the way i am Sophia and this is my friend Ian, we have another friend, she's Amelia," pagpapakilala naman ni Sophia sa kanilang grupo.

"oooh! you mean the lady in Red?! the one who's dancing with you a while ago?" pagtatanong naman ni John na bulong nito sa tainga ni Sophia dahil sa lakas ng tugtugin.

" Yes she's our friend! ang galing niya noh?" pagbibida naman nitong si Ian sa kabilang grupo.

"yeah she's pretty and good in dancing!, ahhhh by the way we have our friend on the table as well. " sabay turo ni Oscar sa kinaruruonan ng kanilang kaibigan.

"he is Arnaldo!" wika naman nito.

"he doesn't like to be at the dance floor kaya naiwan sya sa coach namin."

"oh mmm gee! you mean the famous Arnaldo! the man of steel?!" excited namang wika ni Ian pero na ngo-ngongo na ito habang ngsasalita dahil sa sobra nilang kalasingan.

"yes! Arnaldo Alcantara. " pag sang-ayon naman ng kabilang grupo "hahahhahaha! cheeers! " madami na ding nainom ang grupo nila Arnaldo kaya naman kung ano-ano na lang mga pinagsasabi ng mga ito. May rules ang magkakaibgan NEVER to tell their true identity specially they are on the Bar.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status