Share

Chapter 5

I heaved out a shaky breath as I stare at myself in the mirror. Nagbaba ako ng tingin sa pregnancy test na hawak ko, pero ayokong paniwalaan ang dalawang guhit na nakatitig sa akin pabalik. I think back of the previous days that had passed. Hindi ako makapaniwalang hindi ko man lang napansin ang mga senyales. Bukod sa paminsan-minsang pagsusuka ay nahihilo rin ako tuwing umaga nitong mga nagdaang linggo. Akala ko ay epekto lang ‘yon ng buong araw na pag-iyak at hindi pagkain ng tama sa oras. Hindi ko rin maalala kung kailan ang huling dalaw ko, pero sigurado akong dapat ay dinatnan na ako sa ngayon. 

Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang mga daliri at huminga ng malalim. Nagbukas ako ng isa pang PT at pinilit ang sariling umihi. A few minutes later, ganoon pa rin ang resulta. Dalawang linya.

“France?” Mindy knocked on the door before opening it. “Ano? Kumusta?” nakangiti niyang tanong, ang mga mata ay nagdidiwang na kaagad. Pero hindi ako sumagot. Tuloy ay dumapo ang tingin niya sa tatlong PT na nasa sink. “You were only suppose to do one!”

Hindi ko siya pinansin at sinapo na lang ang noo ko. I paced around the bathroom and heaved out shaky, loud breaths. Mindy took the PT and scanned them one by one. Then she looks at me with a wide grin. “Buntis ka nga!” sigaw niya bago ako hinila para yakapin. 

Pero hindi ko magawang magdiwang. Puno ng takot ang dibdib ko-- hindi para sa ‘kin, kundi para sa bata. Paano ko siyang palalakihin nang mag-isa ngayong natatanaw ko na ang divorce namin ni Khael? Ayoko siyang lumaki ng walang tatay, pero paano ko maipapaliwanag sa kanya na hindi ako mahal ng tatay niya kaya hindi ako ang pinili niyang makasama?

“Huy…” Mindy suddenly let go from the hug. “Bakit parang hindi ka masaya? Magiging mommy ka na oh! ‘Di ba ang tagal-tagal mo nang naghihintay para rito? Partida si Khael pa ang ama-- just like you wished! Double kill ka, sis!”

I didn’t speak. Namalayan ko na lang, tuloy-tuloy na ang pagbagsak ng mga luha ko. “Mindy… n-natatakot ako.”

Nanlaki ang mga mata niya. “Bakit? Hindi ka ba masaya?”

“Hindi ko alam. Ang alam ko lang, iiwan na ako ni Mikhael. Hindi ko nga alam kung kakayanin ko ba ‘yon, tapos biglang buntis ako? I don’t want my child to grew up without a father. Kung kailan kasi tanggap ko na na iiwan na ako ng asawa ko, na may mahal nga talaga siyang iba at hindi ako, saka pa nangyari ‘to.”

Mindy looked at me as if I’ve lost my mind. “Grabe naman ang nilipad ng utak mo, France. At tsaka, ano ka ba! Blessing ‘yan. Gago si Khael, oo-- pero hindi naman siya gano’n kagago para hindi ka panindigan. Mabait din naman siya kahit papaano at alam kong hindi ka pababayaan no’n lalo pa ngayong magkakaroon na kayo ng anak.”

Tears continued to flow from my eyes. “But still… he doesn’t love me.”

“Then maybe this kid would make him love you!” she said, sounding so proud of herself na para bang siguradong-siguroad siyang iyon na kaagad ang totoo. “Itong bata ang magiging solusyon sa mga hinanakit mo, France!”

“But I don’t want to use my kid as a way to win over Khael. Tsaka hindi pa nga sigurado kung buntis ba talaga ako. This pregnancy test might be wrong.”

Napabuntong-hininga si Mindy na para bang hindi na niya alam ang gagawin pa sa akin. “Well, I suggest you go call your husband and tell him the news. Saka mo lang naman malalaman kung ano ba talagang magiging reaksyon niya kapag sinabi mo eh.”

I thought about Mindy’s words thoroughly before I decided to finally call Khael. It was already 9 PM kaya sigurado akong wala na siya sa office. When he picked up the phone, he sounded surprisingly calm. I couldn’t help but think na si Blaine ang kasama niya. Ang babae lang naman ang nakakapagpalambot ng matigas niyang puso eh.

“Khael, pwede bang magkita tayo saglit?” saad ko sa telepono habang kagat ang labi ko. “May importante akong sasabihin.”

He breathed out a sigh. Para bang ngayon niya lang na-realize na ako ang tumawag. “What is it? Sabihin mo na lang dito.”

Umiling ako kahit pa hindi naman niya nakikita. “Importante ‘to, Khael. Mas maigi kapag sa personal ko sasabihin.”

“Gaano ba ka-importante? May meeting ako bukas.”

I bit my lip one again. Parang tinatambol ang dibdib ko sa magkakahalong emosyon. Pero tama si Mindy. Hindi niya kami iiwan oras na malaman niya na buntis ako sa anak niya. Bagaman parang napakasamang pakinggan, kung ang magiging anak naming ito ang magiging susi para hindi ako iwan ni Khael, handa akong gawin ang lahat para masigurong mananatili siya sa akin.

“Khael, hindi mo ako pwedeng iwan…” saad ko at napapikit nang mariin.

“Here we go again,” rinig kong sabi niya kasabay ng isang malalim na hininga. “Hindi nga kita mahal, Francesca. When will you realize that this marriage is nothing but a loveless contract?”

Napalunok ako at pilit na nilunok ang mga hikbing nagbabadyang kumawala sa mga labi ko. “Pero… buntis ata ako, Khael.”

Doon ay natahimik siya. Binalot kami ng katahimikan. Nakatitig lamang ako sa repleksiyon ko sa salamin, pinapakinggan ang paghinga ni Khael sa kabilang linya. Maya-maya pa ay may narinig akong kaluskos na para bang umayos siya ng upo. “Meet me in my office tomorrow at 8.”

Unti-unting sumibol ang ngiti sa labi ko. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status