Pareho lamang kaming tahimik ni Khael habang nasa byahe pauwi. Simula nang i-anunsyo ng nurse na buntis nga ako, nagbigay siya ng mga payo tungkol sa dapat at hindi dapat na gawin. Bagaman may kasiyahan sa puso ko habang pinapakinggan ang nurse,hindi pa rin nawawala ang takot at kaba sa tuwing naaalala ko ang sitwasyon namin ni Khael. “I’m having this baby, Khael,” pagbasag ko sa katahimikan nang hindi na ako makatiis pa. Deretso lamang ang aking tingin sa unahan, ngunit napansin ko nang lingunin niya ako. “Palalakihin ko siya… kahit pa ayaw mo sa kanya.”Nalukot ang mukha niya. “Ano bang sinasabi mo, Francesca? Sino bang nagsabing ayaw ko sa magiging anak ko?”“Pero bakit ganyan ang itsura mo? Alam kong wala sa plano natin ‘to, pero nandito na.”Inihilamos niya ang mga palad sa kanyang mukha at bumuntong-hininga. “Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip mo ngayon, pero papanindigan ko ang bata, Francesca, at wala akong balak na abandunahin siya.”Dahan-dahan ko siyang nilingon. “
Talagang hinatid lamang ako ni Khael. Matapos niyang masigurong ayos na ako ay nagpaalam na siyang aalis dahil kailangan niya raw samahan si Blaine. Ibinilin niya na lang na tumawag ako sa kanya kung may emergency at utusan na lang si Ate Lorna, ang kasambahay, kapag may kailangan ako.Gustoko sana siyang pigilan at sabihing kailangan ko rin siya. Pero alam kong wala akong laban. I’m nothing but his unwanted wife.Nakaupo lamang ako sa kama ni Khael simula nang umalis siya. Pinagmamasdan ko ang itsura ng kanyang kwarto kahit pa wala namang nakaka-engganyong tingnan roon. Pale gray ang kulay ng kanyang mga pader. May walk-in closet at bathroom na puno ng mga gamit niya. Bukod sa kama, may isa pang wooden dresser at bedside table. May terrace rin na ang katapat ay ang garden na may ibat ibang bulaklak ang nakatanim. Kahit papaano ay kumalma ang puso ko sa tanawin.Maya-maya pa, habang nasa terrace at pinanonood ang paglubog ng araw, nakarinig ako ng katok sa pinto. Nang bumukas iyon ay
Lumipas ang mga araw. Nasasanay na ako ng paunti-unti sa sistema sa mansyon ng mga Lorzano. Gigising ako ng maaga para tumulong sa kusina sa pagluluto ng almusal. Sasabay ako kila Ate Lorna dahil halata namang ayaw akong makasabay nila Ate at Tita. Minsan ay tutulong ako sa garden kapag walang lilinisin sa mansyon, at pagsapit ng tanghali ay ako ang maghuhugas ng mga pinagkainan. Sa gabi naman ay hindi na ako kumakain dahil nagdadahilan akong walang gana o ‘di kaya’y masama ang pakiramdam. Pero ang toto ay gusto ko lamang mapag-isa at umiyak.Apat na araw ang lumipas bago bumisita si Khael. Hapon na nang dumating siya at parang nagningning ang mga mata ko nang makita ang mga dala niyang prutas. Kahit kasi maraming makakain sa kusina, hindi ako gumagalaw ng kahit na anong nasa ref unless utusan ako. Ewan ko ba. Hiyang-hiya ako sa sarili ko. Pakiramdam ko ay napakalaki kong tinik para sa mga Lorzano kaya kahit ang pagkain ay hindi ako nangingialam. Pero ngayong si Khael ang may dala no’
Hiyang-hiya na ako sa sarili ko. Akala ko noong una ay sadista na ako sa pagmamakaawa ko kay Khael na huwag niya akong iwan. Akala ko ay wala na akong pwedeng gawin pa na mas hihigit sa pangyayaring iyon na dumurog sa pride at ego ko. Akala ko iyon na… pero nagkamali ako. Hindi ko alam kung ano na bang pumapasok sa isip ko ay hinahayaan ko ang mga taong ito na abusuhin ako.Alam kong pwede naman akong umalis. Pwede akong umuwi sa Mom and Dad ko at doon na lang manirahan dahil tutal ay malapit naman na kaming mag-divore ni Khael. Pwede akong magsimula roon at palakihin ang anak ko sa lugar kung saan din ako lumaki. Doon ay hindi ko kailangang yurakan ang dignidad ko at magpaka-katulong para lamang makisama sa kahit na sino. Doon, walang mag-uutos sa akin dahil ako pa nga ang pagsisilbihan ng mga tao. Mas magiging maayos ako roon, alam ko… pero ewan ko ba. Ang hilig-hilig kong ibaba ang sarili ko.Kahit pa sinasabi kong ginagawa ko lang naman ang lahat ng ito upang hindi lumaki ang mag
Kung hindi ako nagising nang ala una ng madaling araw ay hindi ko mamalayang nakatulog na pala ako sa kakaiyak. Sobrang bigat ng pakiramdam ko at ramdam na ramdam ko ang pamamaga ng aking mga mata. May narinig akong kaluskos na siyang nagpagising sa akin kaya napabangon ako kaagad. Nagmumula ang ingay sa closet. Nang bumukas ang pinto, iniluwa no’n si Khael na mukhang kakatapos lang magbihis dahil tshirt at cotton shorts na lang ang suot niya. “Hey,” bati niya at dahan-dahang naglakad papalapit sa akin bagaman nag-iwan pa rin siya ng distansya sa pagitan naming dalawa. “Anong ginagawa mo rito?” kunot-noo kong tanong. “Hindi ba bumisita ka na kanina? Akala ko hindi ka rito matutulog?”Huminga siya ng malalim. “Tumawag sa akin si Ate Lorna. Nakatulog ka raw sa kakaiyak... so I went back here to check up on you.”Pinakatitigan ko ang gwapo niyang mukha. Gusto kong kiligin dahil sa sinabi niya. Gusto kong magdiwang dahil nag-aalala siya sa akin at sa kalagayan ko. Pero mas nilalamon ako
Kinaumagahan, sabay kaming nagtungo sa opisina ni Khael. Pansin ko ang mga matang nakasunod sa bawat galaw namin. Panigurado ay nagtataka sila. Ni minsan ay hindi pa kami naglakad ni Khael sa mga pasilyo ng building na ito nang magkasama. It’s either namamangha ang mga tao na magkasabay kami ngayon o nagtataka sila kung bakit ako ang kasama ni Khael gayong si Blaine na ang ipinaparada niya sa publiko. Hindi ko na lamang sila pinansin. Tulad ng sinabi ni Khael, boring din naman sa opisina. Wala akong ibang ginawa kundi makipag-kwentuhan kay Monette nang mabakante siya. Pinag-usapan namin ang tungkol sa mga naging boyfriend niya. Pinanood ko rin si Khael habang nagtatrabaho sa kanyang mesa at nang tuluyan nang maburyo ay nagpaalam na akong aalis. “Do you want me to drive you to Mindy’s?” tanong ni Khael. Akmang tatayo na sana siya pero umiling ako.“Hindi na. Kaya ko naman na,” sagot ko. “Pero buntis ka, Francesca. Delikado mag-commute.”Napabuntong-hininga na lamang ako. “Khael, ma
Umuwi ako sa bahay nang sumapit ang gabi bitbit ang mga katanungan sa isip ko. Kahit pa alam kong hindi ko naman dapat pinapakealaman ang buhay ni Blaine, hindi ko mapigilang magtaka sa mga sinabi niya. Tulad ng sinabi ni Mindy, I also feel like there's more than meets the eye.Paakyat na sana ako ng kwarto nang makasalubong ko si Ate Marinelle. Pagkakita pa lang sa akin ay umasim kaagad ang mukha niya bago iyon napalitan ng inis. Mabilis na umarko ang perpekto niyang kilay. “Hey, you,” bulyaw niya at naglakad papalapit sa akin.Pinigilan ko ang sariling umimik. “Hindi mo nilinis nang maayos ang kotse ko kagabi! You think I wouldn’t notice, huh?” galit niyang sabi. Napayuko na lang ako. “Ipapaalala ko lang ulit, Francesca. Hindi ka pwedeng mag-asal prinsesa dito. Naiintindihan mo?”“I... I’m sorry, Ate...” bulong ko, pero inirapan niya lamang ako bago siya magmartsa papalayo. Nang mga sumunod na araw ay ganoon pa rin ang sistema sa mansyon ng mga Lorzano. Maya’t maya ang pag-uutos s
“Are you sure you’re okay, Francesca?” tanong ni Khael nang pareho na kaming nakahiga sa kama. Matapos niya akong mapatahan mula sa pag-iyak ay ilang beses na niyang naitanong iyon. Rinig na rinig sa boses niya ang pag-aalala.Bumuntong-hininga ako at sinubukang ngumiti. “Yes. Hormones lang siguro,” pagsisinungaling ko. Ayoko nang pag-usapan pa ang nangyari kanina kaya sinubukan kong ibahin ang usapan. “May dala ka bang pagkain?” tanong ko bigla. Hindi na ako nakapag-almusal kanina matapos nang ginawa sa akin ni Tita at wala si Ate Lorna para hatiran ako ng pagkain kaya naman simula kaninang umaga ay wala pa akong kain.“I... brought donuts,” sagot ni Khael at nilingon ako. “Nagugutom ka ba? Saglit, kukunin ko.”Mabilis akong tumayo at pinigilan siya. “Doon ko na lang kakainin sa baba.”“Okay,” tumango siya at nauna na sa pinto. “Tara.”Palihim akong napangiti at sumunod sa kanya hanggang sa makababa kami sa kitchen. Pakiramdam ko ay isa kaming totoong couple na pumupuslit ng midnight