Share

Chapter 7

Pareho lamang kaming tahimik ni Khael habang nasa byahe pauwi. Simula nang i-anunsyo ng nurse na buntis nga ako, nagbigay siya ng mga payo tungkol sa dapat at hindi dapat na gawin. Bagaman may kasiyahan sa puso ko habang pinapakinggan ang nurse,hindi pa rin nawawala ang takot at kaba sa tuwing naaalala ko ang sitwasyon namin ni Khael.

“I’m having this baby, Khael,” pagbasag ko sa katahimikan nang hindi na ako makatiis pa. Deretso lamang ang aking tingin sa unahan, ngunit napansin ko nang lingunin niya ako. “Palalakihin ko siya… kahit pa ayaw mo sa kanya.”

Nalukot ang mukha niya. “Ano bang sinasabi mo, Francesca? Sino bang nagsabing ayaw ko sa magiging anak ko?”

“Pero bakit ganyan ang itsura mo? Alam kong wala sa plano natin ‘to, pero nandito na.”

Inihilamos niya ang mga palad sa kanyang mukha at bumuntong-hininga. “Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip mo ngayon, pero papanindigan ko ang bata, Francesca, at wala akong balak na abandunahin siya.”

Dahan-dahan ko siyang nilingon. “
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status