Share

Chapter 8

Talagang hinatid lamang ako ni Khael. Matapos niyang masigurong ayos na ako ay nagpaalam na siyang aalis dahil kailangan niya raw samahan si Blaine. Ibinilin niya na lang na tumawag ako sa kanya kung may emergency at utusan na lang si Ate Lorna, ang kasambahay, kapag may kailangan ako.

Gustoko sana siyang pigilan at sabihing kailangan ko rin siya. Pero alam kong wala akong laban. I’m nothing but his unwanted wife.

Nakaupo lamang ako sa kama ni Khael simula nang umalis siya. Pinagmamasdan ko ang itsura ng kanyang kwarto kahit pa wala namang nakaka-engganyong tingnan roon. Pale gray ang kulay ng kanyang mga pader. May walk-in closet at bathroom na puno ng mga gamit niya. Bukod sa kama, may isa pang wooden dresser at bedside table. May terrace rin na ang katapat ay ang garden na may ibat ibang bulaklak ang nakatanim. Kahit papaano ay kumalma ang puso ko sa tanawin.

Maya-maya pa, habang nasa terrace at pinanonood ang paglubog ng araw, nakarinig ako ng katok sa pinto. Nang bumukas iyon ay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status