Share

The Wily Husband - Chapter 18

KUNTENTO pa si Ysrael sa natamong tagumpay kaya hinahayaan lang muna niya ito sa mga pagsusungit ni Lorelei sa kanya, pagkatapos ng maikli at simpleng kasalan. Pareho silang nakaputi dahil dinalhan rin siya ng maisusuot ni Dionisio.

Maliksing nakagawa ng koronang bulaklak at rose bouquet ang mga dalagang katulong. Ang mga binatang tauhan naman niya ang gumawa ng arko na yari sa bulaklak.

Sa hardin na nasa harap ng mansiyon idinaos ang kasal.

Maaliwalas ang kalangitan at mahalimuyak ang dagat ng mga bulaklak sa paligid. Para bang nakikisaya.

Ang naging mga saksi sa kasal nila ay sina Nana Desta at Manong Udong.

"Naipalipat ko na ang mga gamit mo sa master's bedroom, Lei. Ngayon naman ay ang mga gamit ni Ysrael ang inaayos ng mga katulong," pahayag ni Nana Desta habang nanananghali sila.

Pilit lang ang ngiti at tango ni Lorelei. Samantalang si Ysrael ay wala nang pagsidlan ng kasiyahan.

"Inanyayahan ako nina Dionisio sa mini-villa. Doon

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status