Share

The Wily Husband - Chapter 19

TUMATAWA si Lorelei ngunit nangangatal siya sa pinaghalong takot at excitement.

Dahil alam niya kung ano ang mangyayari sa sandaling magkita uli sila ng lalaki.

Aangkinin na siya ni Ysrael nang buung-buo...

Naghahabol siya ng hininga nang makarating na siya sa silid. Nahagip agad ng mga mata niya ang mga kumot na pinagdugtung-dugtong na gagamitin sana sa pagtakas. Wala na siyang ganang tumakas. Para ano pa?

Pag-aari na siya ni Ysrael. Pinakasalan na niya ito.

Pumiksi siya. Ayaw niyang ng tinatakbo ng isipan.

Napahinto siya sa harapan ng dressing table.

Bakit mo ba iniwan ang lalaking iyon sa itaas? tanong niya sa babaeng nasa salamin.

"Hindi ka ba natatakot na baka kunin ni Ysrael ang Sea Rose Jewels?" tanong niya sa sarili.

Ang tutoo, parang sinusubok niya ang lalaki.

Aaminin na niya ngayon na kaya siya nag-aalinlangan sa katapatan ni Ysrael Ravago ay dahil isa itong plamboyanteng jewel collector.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status