Share

The Wily Husband - Chapter 20

KAKABA-KABA si Lorelei habang nagbibihis kinabukasan ng gabi.

Ngayon magsisimula ang pagsasama nila ni Ysrael bilang mag-asawa.

Aywan kung kailan niya natiyak ang tunay na damdamin para sa lalaki.

Nabura na ang lahat ng repulsyon na nadama niya para dito nung una. Ang tanging natira ay ang kahalong pagnanasa.

Na nabahiran pa ng pag-ibig.

Umiibig na nga ba talaga siya kay Ysrael?

"Kailan?" sambit niya habang nakatitig sa magandang mukha ng babaeng nasa salamin.

Hindi siya makapaniwalang si Lorelei Cortez ang repleksiyon na nasa harapan niya.

"No, she's Lorelei Ravago now," bawi niya, pabulong pa rin.

Hinipo ng mga daliri niya ang bahagi ng dibdib at leeg, paakyat sa isang teynga.

Pamaya-maya, halos wala sa loob, binuksan ng mga daliri niya ang jewelry box na pinaglagakan ng Sea Rose Jewels pansamantala.

"Gusto kong bigyan mo ako ng sapat na lakas ng loob para ihayag ang pag-ibig na nadarama ko," anas niya, p

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status