Chapter 18 (2) Losing Hope
(Angie POV)
Lumabas ako ng bahay. Nag-iwan ako ng sticky note sa tabi ni Mr. Choi, para hindi siya mag-alala sa paghahanap sa akin. Sisiguraduhin ko naman na makaka-uwi ako ng wala namang mangyayaring masama sa akin. Maghahanap lang ako ng trabaho na maaring dalhin sa bahay. Yung paghahabi. Yun kasi ang ginagawa namin noon ni Mama. Yung kamay ko nangangati nang gawin ulit ang simpleng trabaho na yun. Nakakawili at di naman kailangan masyado pag-isipan ang proseso.
Sa labas pa lang ng bahay nang may ari ng habihan ng abaka, kaagad nang nagsilingunan sa akin ang ilang babae na abala sa ginagawa nilang paghahabi. Kaagad naman lumapit sa akin yung isang binatilyo na sa tingin ko siya yung batang lalaki noong kumukuha pa kami ng abaka dito na i-hahabi namin sa bahay.
“Nariyan ba ang Nanay mo?”
“Opo. Tuloy po kayo.”
Tumuloy na nga ako. Di maalis ang titig ng ilan
Chapter 18 (3) Losing Hope (Sayruz POV)“Tin.” Kuha ko ng pansin nang magkapatid na nagyayakapan sa harapan ng tarangkahan nila. Kagigising ko lang at kanina ko lang din nabasa yung sticky notes ni Angie. Di ko sadya na marinig ang pinag-uusapan ng magkapatid. “Sino naman ang nagparating ng balitang yan sayo? Wala ka bang tiwala sa bayaw mo? Sus. Wag na wag kang maniniwala sa mga sinasabi nila, lalo na kung hindi naman galing sa amin ng Ate mo. Sino ba at mapuntahan ko yan?”“Kuya Sayruz, galit na galit ang Lola niyo ng umalis kami sa Mansion. Tapos pati kayo nadamay dahil sa pangyayari na hindi ko alam kung bakit kami pinagbibintangan. Yung Urn na nabasag, pagpunta ko doon, basag na po talaga yun. Di ko lang alam kung bakit muling may natagpuan sa aking bulsa. Katulad din ng sisidlan ng lason… Lason na kamuntikan ng may mangyaring masama sa dinadala ng ate ko. Wala po talaga akong ideya kun
Chapter 18 (3) Losing Hope (Sayruz POV)“Pasensya na Sayruz. Ngunit ayoko lang maipit sa gulo ninyo. Pinaabutan na kami ng babala ng Grandma mo na wag kang tulungan. Pasensya na talaga. Sana maintindihan mo.”“Tinatalikuran mo ako? Si Grandma ba ang tumulong sayo noong nangangailangan ka?”“Sayruz, yung tulong na inabot mo sa akin, impluwensya yun ng pamilya mo. Kaya hindi ako directly may utang na loob sayo, kundi sa pamilya mo. Yan kasi, bakit gusto mong sumagip ng isang Cinderella. Hindi ka naman si Prince Charming. Saka nakakatawa ka. Hindi naman maganda yang napangasawa mo, bakit di ka na lang sumang-ayon sa Chairwoman na bumalik kay Sarah? Ano ba ang nakita mo riyan at nagpapaka-martyr ka? Dati rati naman patay na patay ka kay Sarah. Ano ginayuma ka ba ng asawa mong yan? Tsk. Tsk. Baka galing pa yan sa pamilya ng mangkukulam.”“Tss. Dyan ka nagkakamali. Lumapit ako s
Chapter 18 (4) Losing Hope (Sayruz POV)“Master Sayruz, tatangapin lamang ng Chairwoman ang phone na ito kung ang pag-uusapan ninyo ay ang tungkol sa divorce settlement ng inyong asawa.”“Kung yan ang hangad ni Grandma, oo, yan nga ang pag-uusapan namin.” Na ang boses ko bigla na lang gumargal.“Ipapaabot ko Master Sayruz.” Saka nga ito nawala sa linya.Ilang minuto ako naghintay. Niyayakap na ako ng lamig sa aking paligid. Hindi ko gustong hiwalayan ang asawa ko, ngunit kailangan. Kailangan ng tahimik na paligid ni Angie at ng magiging anak ako. Maibibigay ko lamang yan, kung wala nga ako sa paligid nila. Gustong-gusto ko na makapiling silang dalawa. Pero hindi nga ata sa akin ibibigay ito ng tadhana. Wala pa nga, labis ng nadudurog ang puso ko.Nagising ako sa pagkatulala ng tumunog at naramdaman ko nag-vibrate ang aking phone. Nang sagutin ko, sa screen makikita ang mu
Chapter 18 (6) Losing Hope (Sayruz POV)“Bakit kasi sa dinami-daming tao dito sa mundo, ako pa talaga ang dinapuan ng sakit na ito. Di ko tuloy alam na ang ginagawa ko sa tuwing inaatake ako ng aking sakit. Hayaan mo iho, makakahanap ako ng paraan para nga makuha ang hinihinging halagang pera sa hospital. Ma-ooperahan din ako. Hindi ko pa nais iwan ang pamilya ko, gusto ko pang mabuhay at makita man lamang ang apo ko sa inyo ni Angie.”“Pa…” Si Angie kasama ang kanyang ina na palapit sa amin. Kaagad na lumapit si Angie sa kanyang ama at niyakap ito. “Pasensya na ho kung—.”“Shhh. Wag kang ganyan Angie. Tignan mo mawawalan ka sana ng asawa dahil sa pag-aalala mo sa akin.” Pinigilan na lamang ni Angie ang kanyang sarili. “Marami ang nangako sa akin na tutulungan ako sa operasyon ko. Natutuwa nga ako kahit paano, dahil naalala nila kami. Saka sabi ng mga kumpare ko dahil malapit na ang eleksyon, maari akong makahingi ng tulong sa mga tatakbong politiko. Kaya wag niyo nang isipin. Angie,
Chapter 18 (7) Losing Hope (Angie POV)“Angie anak, sa tingin ko sa pagkakataon na ito, kailangan na natin magtiwala sa mga sinasabi ng mga nakapaligid sa atin. Syempre, kahit ako… nahihirapan na din pakalmahin ang tatay niyo kapag nagagalit siya.” Masinsinan na sinabi sa akin ni Mama.“Siguro nga Mama… Ngunit…” Ngumiti si Mama sa akin. Nakuha niya ang ibig sabihin ng mukha kong, napakahopeless.“Nangako naman sila na tutulungan tayo ng mga taong nakapaligid sa atin, Angie.”“Si-sigurado po ba kayo?” Dahil sa totoo lang ilang beses na kaming napaasa at napasubo dahil sa mga pangakong binibitawan ng ibang tao sa amin. Tumango si Mama bilang tugon, at may kasama pang ngiti. Nakikita ko sa kanyang mga mata na naniniwala siyang may tutulong sa amin.Wala na kaming nagawa kundi isa-ilalim na nga lang sa operasyon si Papa. Hindi na nga namin dapat siguro hintayin na may masaktan pang ibang tao si Papa. Yun ang kinakatakutan namin mangyari, hindi lang kami kundi ng mga taong nasa paligid na
(Sayruz POV)Halos gabi na ng makarating kami sa harapan nang hospital branch ng Choi General Hospital. Alam kong pagod na ang asawa ko at kailangan na talaga niya magpahinga. Dumiretso kami sa may receptionist at bahagyang inayos ang aking sarili bago kausapin ito.“Ma-Master Sayruz Choi?” Kaagad naman ako nito nakilala at yung ilang kasamahan napayuko sa presensya ko bilang respeto.“Ako nga. Hindi na ako magtatagal dahil kailangan ng asawa ko magpahinga. Kailangan ko ang mga gamot na ito.” Lapag ko ng reseta. Ngunit hindi na nagtangka ang receptionist na kunin ito…“Master Sayruz, nakarating na sa amin ang tungkol sa pag-baban sa inyo pasamantala sa pagbigay ng serbisyo sa inyo. Pasensya na di namin mapapa-unlakan ang nais niyong mangyari.”“Hell no. Kai—.”“Guards!” Aba naman at nilakasan talaga ng receptionist ang boses nito sa aking harapan. Naramdaman ko na lamang bago makalapit ang gwardia, hinawakan ako ni Angie sa aking braso.“Pasensya na ho.” Paghingi pa ng paunmanhin ng a
(Sharmaine POV)“Nawawala daw si Senen?” Kaagad na tanong ng Chairwoman ng magpakita ako sa harapan niya.“As in ngayon lang Grandma? Baka kasi nariyan lang sa tabi-tabi. Saka Grandma, sinabi ko naman sa inyo na iwasan niyo mastress. Gusto niyo na po ba akong iwan? Alam niyo ba na mahal na mahal ko kayo? Ayokong mawala kayo sa akin.” Sabay hawak ko sa kanyang kamay. “Kaya please lang Grandma, kung talagang stress ang dinudulot sa inyo ni Senen at Sayruz, wala akong magagawa kung patuloy niyong sila ang iniisip kesa sa inyong sarili. Kamusta naman ako Grandma? Ang nais ko lang sa inyo ang maayos lang kayo. Ikaw? Kumain ba ng maayos si Grandma?”Napatango ang katulong na tinanong ko.“Narinig ko ang usap-usapan iha, baka nakidnap na si Senen. Mamaya lang hihingi na yun ng ransom. Ang paki-usap ko lamang sayo iha, kahit ganoon ang mga pinsan mo lalo na si Sayruz, wag na wag mo silang pababayaan. Pasensya na iha kung nahihirapan ka sa akin. Hindi ko lang mapigilan na mag-alala para sa kan
Story Title: Fated to HadesGenre: Explicit RomanceStatus: Published Soon."I want her," he said. His words were met with incredulous laughter."Out of the question."His heart filled with the ache and longing of an eternity of damned souls, and he felt a fire of rage begin to burn beneath his traditionally stoic exterior."Brother...I must have her," he said again. The laughter subsided, but the expression of incredulity remained."You liken her to an obsession." He growled."That is because she is my obsession. I cannot...I will not exist without her beside me," he said. The humor faded from his brother's eyes, and he became thoughtful."And you desire no others?""No, never. I recall no others, and I will have no others. She is desire," he replied."Does she return your affections?"His eyes lowered and he shook his head."I have not yet made my presence known. However...if I may have her...I swear upon all of my power that no harm will ever come to her. I will earn her love," he