Hi, sa inyong lahat. Kumusta? Ako naman po ay okay lang. Good night!
"Sorry po sa inasal ko kanina, ma'am. Maniwala po kayo at sa hindi ay kahinaan ko po talaga ang komunikasyon. Alam po ng lahat 'yan." Sinalubong siya ni Joey nang makita siya nitong lumalakad pabalik doon. Gusto niyang ismiran ito pero ayaw niyang gawin dahil marami ang nakatingin sa kanila at baka kumalat pa ang fake news na masama ang kanyang ugali. Natilihan pa siya nang makita niyang aktong luluhod ang lalaki. Patakbo niyang linapitan ito. "Oh, no! Please, don't do that." pigil niya sa lalaki. She held his other arm. Huminga siya nang malalim at nginitian nang pilit ang lalaki. "Okay na 'yon. I maybe misunderstood you. Get up and let's eat so I can go home too." Tuwid na tumayo ang lalaki at tuwang-tuwa na tumingin sa kanya. "Talaga, ma'am? Pinapatawad mo na ako?" Tumango lang siya. And based on what she saw in his reaction, she concluded that he's really a good person. Baka totoo lang na may kahinaan lang ito sa komunikasyon. "Salamat talaga, ma'am! Salamat! Alam mo, isa ito
Hindi siya pamilyar kung saan sila sumusuot ni Adam hanggang sa marating nila ang likod ng building niya. Walang kahit na anong establishment pa sa bahaging iyon kaya walang tao ang nagagawi roon. At nagpapasalamat siya nang makita niya ang maliit na back door ng building. Nag-aalala silang sinalubong ng guard na nakapuwesto roon. "Kanina pa ba ang mga 'yan?" tukoy niya sa mga taong nasa labas. "Oo, ma'am. Hindi namin alam kung bakit bigla silang napasugod," sumbong nito. Palihim din itong napatingin kay Adam at nagtataka kung bakit niya kasama ngayon ang binata. Maagap namang pumagitna si Adam. Mabilis nitong nabasa ang may malisya na titig ng guwardiya rito. "Miss Salvator was having a meeting with me when someone called her to rush over here. So, I decided to drop her here." Pagkatapos nitong magsalita ay balewala itong kumuha ng yosi sa gold plated cigarette case nito at sinindihan nito ng gold ding lighter nito. Binuga nito ang usok, like he doesn't care if it will disgust othe
"WHAT'S that all about, Nicholas?" Kunot-noo niyang tanong kay Nicholas. Nicholas is his friend, Lawyer, and his protector. Though, how many times did he told Nicholas that he didn't need his service, but Nicholas never listened to him.Naalala pa niya ang sinabi nito sa kanya na masiyadong masama ang ugali niya kaya nangangailangan siya ng isang bantay na magtatanggol daw sa kanya sa lahat ng oras.Hindi siya natatakot. At wala siyang kinakatakutan, pero kapag na i-discuss niya ito kay Nicholas ay baka aabutin lang sila nito ng isang taon sa discussion. Matigas din ang ulo ng Nicholas na ito. Idagdag pa na susuportahan ito ng mga kasamahan nito sa Underground Armored. Kaya kahit na masyadong labag sa isip niya ang gawin 'yon ay wala din naman siyang nagawa pa.Siya si Adam Sebastian Castillo. Binansagan ng karamihan na isang walang puso. Walang awa. Walang pakialam. At siya ang tinagurian sa kanilang angkan na bad boy."Ayaw ni Miss Salvatore na bigyan ka ng kahit konting share sa TV
"Be safe everyone at magandang gabi, Pilipinas!" She smiles at the flashes of the cameras that focused on her at the end of her program.Yelena Denice Salvatore is a well-known news anchor in the whole Philippines, or maybe abroad. Marami din kasing mga awards ang natanggap niya sa larangan ng broadcasting. And truly, she's the best in that piece. Not bragging, just stating the fact.Iniligpit niya ang mga gamit niya sa ibabaw ng mesa nang makita niya na tuluyang nawala sa kanya ang focus ng camera at nagdilim na ang ilaw ng mga cameras.Kaagad siyang sinalubong ng kanyang assistant slashes driver, makeup artist, stylist, and whatever na si Margarico. He's gay and she'll be losing without Margarico, na gustong magpatawag na Margo."Gorl, saan tayo didiretso?" Tanong nito. Hindi muna siya nakasagot nang dumaan sa tabi nila ang director ng programa niya. Malugod niya itong nginitian when he congratulated her."After this?" Muling baling niya kay Margo na inabot dito ang mga gamit na nil
Pagkababa na pagkababa pa lamang nila ni Margo ng sasakyan niya ay halos mabingi na siya sa sobrang lakas ng musika na nagmula sa loob ng nasabing bar. Tumingala siya sa malaking building. Ewan niya kung bakit parang may mga dagang naghahabulan sa kanyang dibdib habang nakatingin siya sa bar na 'yon na pagmamay-ari ni Adam Sebastian Castillo. May kung anong damdamin na nasa dibdib niya na hindi niya kayang maipaliwanag. Tensed. Nervous. Scared.Binasa niya ang nakasulat na pangalan sa malaki at mailaw na signage ng nasabing establisyemento. ADAM'S PARADISE. Iyon ang nakalagay na pangalan doon. Pangalan pa lamang ay iba na ang dating sa kanya. Hindi siya mapanghusga na uri ng tao, pero sa nakikita niya ay parang hindi niya magugustuhan ang nilalaman ng nasabing lugar."Are you sure papasok tayo diyan sa lugar na 'yan, Margz?" Nag-aalala niyang tanong kay Margo.Natigil naman ito sa pagsasara sa pinto ng sasakyan dahil sa sinabi niya. Nalukot ang mukha na tumingin ito sa kanya. "Anong k
Sa tingin niya ay masiyadong mayabang itong si Adam Sebastian Castillo. She never meets before a guy as vulgar as he."You own this place?" Bigla niyang naisipan na itanong dito. She wanted to hide the sarcasm in her voice, but she just can't."Yeah, this place is the epitome of a paradise for me," he then gave her that devil laugh of him, at parang uminit ang dugo niya sa ulo sa sagot at sa tawa nito na animo'y wala itong pakialam kung hindi kaaya-aya ang sagot nito.Tumaas ang kilay niya sa isinagot nito. She wonders how could be this man became successful in business kung ganito ang way nito na kausapin ang isang tao na ngayon pa lamang nito nakaharap ng personal. Walang touch of finesse. Masiyadong garapal ang kilos, pananalita, at pananamit.She had once met his cousin Corvette Lane Castillo, noong ma-interview niya ito sa programa niya. May similar din naman ang ugali nitong si Adam sa pinsan na si Corvette, but Corvette is soft spoken, desenteng manamit, at may class ang paraan
"Who is this, please?" Nagtatakang tanong niya sa babaeng sumagot sa cellphone ni Harold. Medyo lumakas ang kalabog ng puso niya dahil sa hindi niya maipaliwanag na damdamin kanina pagkarinig niya sa boses na iyon ng babae. Saglit na tumahimik sa kabilang linya at habang hinihintay niyang magsalita ang kung sino man 'yon ay napapalunok siya para alisin ang bara sa kanyang lalamunan. "Ah, by the way, Yelena, this is Melissa. Pinangahasan ko nang sagutin ang tawag mo kay Harold dahil baka mag-alala ka sa kanya. May meeting pa kasi siya sa team niya, but don't worry dahil ilang minuto lang ay lalabas na rin siya sa conference room." Saglit siyang natahimik nang marinig niya ang sinabing iyon ni Melissa. Si Melissa ay ang secretary ni Harold. She addressed her and Harold with their first name because according to Harold ay hindi na iba si Melissa sa kanya at parang kapatid na raw ang turing nito sa babae. Magkaklase ang dalawa noong elementarya hanggang high school ang mga ito. Alam niy
Hindi niya rin kilala ang pangalan ng alak na binanggit ni Mayor Corvette. Ang kilala lang kasi niyang inumin ay tanging red wine at white wine lang. She doesn't even care what the brand is. Basta gusto lang niya ang lasa ay 'yon na 'yon. "Bagsak na 'yan at baka bukas pa magigising 'yan," singit naman ni Adam, ang taong labis niyang kinaiinisan. "Don't talk to me if I don't say so!" Matalim niyang tinitigan si Adam. Nasisira ang gabi niya sa mga lalaking ito. "Great! Ngayon ko lang alam na bawal pala kausapin ang isang tao kapag hindi niya sasabihin na magsalita ka," malakas na sabi ni Adam. Sabay naman na natawa ang mga kasamahan nito sa mesa. Sa sobrang inis niya ay hindi na niya na-control ang kanyang sarili, galit niyang linapitan ang nakaupong si Adam. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang nararamdaman niyang galit sa binata gayong ito ang unang beses na nagkaharap sila nito ng personal. "I said don't talk to me if I don't talk to you!" Inis niyang dinuro si Adam. N