Si Nathan daw ay multitasker devil! Hahahaha.
Matapos nilang bilhin ang mga gamot ni Margo ay pinayagan na rin naman silang umuwi ni Nathan. Nagbilin na rin ito ng mga bawal at hindi para kay Margo. Mag-uumaga na nang marating nila ang bahay niya. Dahil sa pagod ay kaagad na rin naman siyang nakatulog pagkatapos siyang maglinis ng kanyang katawan at makapagbihis. Bukas na lamang niya aayusin ang lahat nang gusto niyang ayusin tungkol sa nangyaring ito kay Margo. Nakaplano na rin sa utak niya ang kanyang gagawin bukas. And it would be another tiring day tomorrow, so she should prepare now. Kinabukasan ay tanghali na siyang nagising dahil nga mag-uumaga na silang nakauwi. Nagdesisyon na siya kagabi pa na hindi na talaga siya papasok ngayon, ipinaalam na rin niya 'yon sa kanyang sekretarya kanina kaya wala na siyang ibang iisipin ngayon kundi ang plano niyang gawin. Tiningnan niya ang alarm clock niya na nasa bed side table niya, mag-aalas onse na ng umaga. Tamang-tama lang ang oras para sa nakaplano niyang gawin. Bumangon na siy
Napatingin siya sa nakalahad na mga kamay ni Adam sa ere. Gusto niyang matawa dahil sa inis niya sa lalaki. Ni hindi pa nga nito inalam ang pakay niya, tapos ay bigla na lamang itong mag-declare ng pa-cater nito... at ngayon ay gusto nitong magsayaw silang dalawa? Is he insane? Is he freaking out of his head? Umatras siya, but every time she's moving backward, Adam follows her. Kinakabahan naman niyang nilingon ang pintong pinasukan niya kanina, sarado na iyon at alam niya na kahit maglupasay pa siya sa pagsigaw ay walang makakarinig sa kanya sa labas dahil obvious naman na sound proof ang malaking opisina na iyon ni Adam. Marami na rin siyang naririnig na mga bad reputation ng lalaking ito. Gusto niyang pagsisihan ang ginawa niyang pagpunta rito ngayon. "Mr. Castillo." Itinaas niya ang dalawang kamay niya sa dibdib nito at bahagya niyang itinulak palayo sa kanya ang lalaki. Masyado na itong malapit sa kanya at konting galaw na lamang nito ay didikit na ang katawan nito sa katatawan
"I'll go now," naiiling niyang sabi. Hindi niya alam na hindi rin pala maganda ang dulot ng pagpunta niya rito, sana pala ay pinalampas na lang muna niya ang nangyaring 'yon kay Margo. Ang dating kasi ay panalo nanaman si Adam sa pagkikita nilang ito. She was just wasting her precious time talking to him. "Wait! Paakyat na ang in-order na pagkain ni Adam, wait for it and try my specialties," pigil sa kanya ni Dawson. Tiningnan niya ito pero hindi niya alam kung bakit natuon ang paningin niya kay Adam na nakatayo sa likuran ni Dawson. May emosyon siyang nababasa sa malamlam na mga mata ni Adam, if it was longing, she wasn't sure. She instantly turned her eyes away from him. Pinilit niyang ngumiti kay Dawson. "I'm glad to, but I have to go now. Don't worry, I will try to visit your place one of these days to see how delicious your foods are." Hindi niya hinintay na magsalita isa man kay Dawson o kay Adam. Mabilis niyang tinalikuran ang dalawa at tinungo ang pinto para lumabas na. Sa
"Sorry po sa inasal ko kanina, ma'am. Maniwala po kayo at sa hindi ay kahinaan ko po talaga ang komunikasyon. Alam po ng lahat 'yan." Sinalubong siya ni Joey nang makita siya nitong lumalakad pabalik doon. Gusto niyang ismiran ito pero ayaw niyang gawin dahil marami ang nakatingin sa kanila at baka kumalat pa ang fake news na masama ang kanyang ugali. Natilihan pa siya nang makita niyang aktong luluhod ang lalaki. Patakbo niyang linapitan ito. "Oh, no! Please, don't do that." pigil niya sa lalaki. She held his other arm. Huminga siya nang malalim at nginitian nang pilit ang lalaki. "Okay na 'yon. I maybe misunderstood you. Get up and let's eat so I can go home too." Tuwid na tumayo ang lalaki at tuwang-tuwa na tumingin sa kanya. "Talaga, ma'am? Pinapatawad mo na ako?" Tumango lang siya. And based on what she saw in his reaction, she concluded that he's really a good person. Baka totoo lang na may kahinaan lang ito sa komunikasyon. "Salamat talaga, ma'am! Salamat! Alam mo, isa ito
Hindi siya pamilyar kung saan sila sumusuot ni Adam hanggang sa marating nila ang likod ng building niya. Walang kahit na anong establishment pa sa bahaging iyon kaya walang tao ang nagagawi roon. At nagpapasalamat siya nang makita niya ang maliit na back door ng building. Nag-aalala silang sinalubong ng guard na nakapuwesto roon. "Kanina pa ba ang mga 'yan?" tukoy niya sa mga taong nasa labas. "Oo, ma'am. Hindi namin alam kung bakit bigla silang napasugod," sumbong nito. Palihim din itong napatingin kay Adam at nagtataka kung bakit niya kasama ngayon ang binata. Maagap namang pumagitna si Adam. Mabilis nitong nabasa ang may malisya na titig ng guwardiya rito. "Miss Salvator was having a meeting with me when someone called her to rush over here. So, I decided to drop her here." Pagkatapos nitong magsalita ay balewala itong kumuha ng yosi sa gold plated cigarette case nito at sinindihan nito ng gold ding lighter nito. Binuga nito ang usok, like he doesn't care if it will disgust othe
"WHAT'S that all about, Nicholas?" Kunot-noo niyang tanong kay Nicholas. Nicholas is his friend, Lawyer, and his protector. Though, how many times did he told Nicholas that he didn't need his service, but Nicholas never listened to him.Naalala pa niya ang sinabi nito sa kanya na masiyadong masama ang ugali niya kaya nangangailangan siya ng isang bantay na magtatanggol daw sa kanya sa lahat ng oras.Hindi siya natatakot. At wala siyang kinakatakutan, pero kapag na i-discuss niya ito kay Nicholas ay baka aabutin lang sila nito ng isang taon sa discussion. Matigas din ang ulo ng Nicholas na ito. Idagdag pa na susuportahan ito ng mga kasamahan nito sa Underground Armored. Kaya kahit na masyadong labag sa isip niya ang gawin 'yon ay wala din naman siyang nagawa pa.Siya si Adam Sebastian Castillo. Binansagan ng karamihan na isang walang puso. Walang awa. Walang pakialam. At siya ang tinagurian sa kanilang angkan na bad boy."Ayaw ni Miss Salvatore na bigyan ka ng kahit konting share sa TV
"Be safe everyone at magandang gabi, Pilipinas!" She smiles at the flashes of the cameras that focused on her at the end of her program.Yelena Denice Salvatore is a well-known news anchor in the whole Philippines, or maybe abroad. Marami din kasing mga awards ang natanggap niya sa larangan ng broadcasting. And truly, she's the best in that piece. Not bragging, just stating the fact.Iniligpit niya ang mga gamit niya sa ibabaw ng mesa nang makita niya na tuluyang nawala sa kanya ang focus ng camera at nagdilim na ang ilaw ng mga cameras.Kaagad siyang sinalubong ng kanyang assistant slashes driver, makeup artist, stylist, and whatever na si Margarico. He's gay and she'll be losing without Margarico, na gustong magpatawag na Margo."Gorl, saan tayo didiretso?" Tanong nito. Hindi muna siya nakasagot nang dumaan sa tabi nila ang director ng programa niya. Malugod niya itong nginitian when he congratulated her."After this?" Muling baling niya kay Margo na inabot dito ang mga gamit na nil
Pagkababa na pagkababa pa lamang nila ni Margo ng sasakyan niya ay halos mabingi na siya sa sobrang lakas ng musika na nagmula sa loob ng nasabing bar. Tumingala siya sa malaking building. Ewan niya kung bakit parang may mga dagang naghahabulan sa kanyang dibdib habang nakatingin siya sa bar na 'yon na pagmamay-ari ni Adam Sebastian Castillo. May kung anong damdamin na nasa dibdib niya na hindi niya kayang maipaliwanag. Tensed. Nervous. Scared.Binasa niya ang nakasulat na pangalan sa malaki at mailaw na signage ng nasabing establisyemento. ADAM'S PARADISE. Iyon ang nakalagay na pangalan doon. Pangalan pa lamang ay iba na ang dating sa kanya. Hindi siya mapanghusga na uri ng tao, pero sa nakikita niya ay parang hindi niya magugustuhan ang nilalaman ng nasabing lugar."Are you sure papasok tayo diyan sa lugar na 'yan, Margz?" Nag-aalala niyang tanong kay Margo.Natigil naman ito sa pagsasara sa pinto ng sasakyan dahil sa sinabi niya. Nalukot ang mukha na tumingin ito sa kanya. "Anong k