Share

Chapter 20: Pagkakamali

"Leader! Leader! Linusob tayo ng mga Mortano mula sa Guzen!" sigaw ni Jolo nang maakyat ang Twilight mountain kung saan madalas magpunta si Siviro upang mapag-isa.

Napatayo mula sa pagkakaupo si Siviro at hinarap si Jolo, "Paano nila tayo nasundan?"

"Hindi pa namin alam, Leader! Pero may isa pa tayong problema." nababahalang sabi ni Jolo.

"Ano?" mahina ang tinig na tanong niya.

"Nawawala raw ang mga bihag."

"Nawawala?!" nabiglang sigaw niya, "Hanapin n'yo!"

***

Hindi mapakali si Prinsesa Nini habang naghihintay kay Zillah.

Inutusan niya ang second ranked attendant na magpunta sa palasyo ni Haring Chezedek upang malaman ang mga kalagayan ng mga tagapaglingkod.

"Ano na kayang nangyari, bakit ang tagal ni Zillah!" nagtatakang bulong ni Prinsesa Nini.

Naputol ang kanyang pag-iisip nang may kumatok sa pinto ng kanyang himpilan.

"Sino iyan?" nabuhayan ang loob niyang tanong. Akala niya si Zillah na ang kumakato
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status