Share

Chapter Thirty-eight: Hinagpis at Pakikiramay

Tumulong si Deborah at ang mga kapwa niya tagapaglingkod na kasama ni Prinsesa Nini sa preparasyon ng libing ni Haring Nimrod.

Habang nag-aayos ng bulaklak ay nasusulyapan ni Deborah sina Yusef at Prinsesa Nini na nag-uusap.

Kung maaari niya lamang ihampas sa dalawa ang mga bulaklak na inaayos niya ay ginawa na niya.

"May problema ba, Deborah?"

Natingnan ng masama ni Deborah si Harvan ngunit binawi niya ang tingin at muling bumaling sa mga bulaklak, "Problema? Mukha ba akong may problema?"

Naramdaman niyang tumabi si Harvan sa kaniya.

Ngumiti pa rin ito bagamat nababatid na rin ang pagsusungit niya, "Para kasing hindi mo gusto ang bulaklak, ayaw mo ba sa amoy nito?"

Huminga siya ng malalim at pansamantalang tumahimik.

Hinagod ni Harvan ang kaniyang likod, "May iniinda ka bang karamdaman, Deborah? Sumasakit ba ang iyong likod o anumang bahagi ng iyong katawan?"

Bigla siyang huminahon at mahina ang tinig na tumugon, "Hindi m
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status