Share

Chapter Thirty-Six: Hinagpis at Pagsuyo

Abala si Hannah habang naghahanap ng mga Melyn stones para gawing instrumento sa gagawin nina Davideh, Kaleb, at Cloudio nang maalala niya ang inang si Linosa na nangangailan na talagang ipatingin sa Fukused.

Sa Fukused matatagpuan ang mga dekalibreng pagamutan at mahuhusay na mind doctors. Kahit kaninong mind doctor sila lumapit sa buong Gitu ay iminumungkahi talaga na sa Fukused ipatingin ang mama niya.

"Nagsimula lang naman ang lahat dahil sa kawalan ng hustisya sa nangyari kay Mama. Kung makakaganti ba siya sa nangyari sa kaniya ay gagaling na kaya siya?"

Sa labis na pag-iisip ay hindi namalayan ni Hannah na nahawakan niya ang batong crisante.

"Aray! Bakit ang init?"

Nabitawan ni Hannah ang batong crisante at gumulong-gulong iyon. Sinikap niyang kunin iyon at pinulot. Nang makatayo siya ay laking gulat niya nang mapunang nag-iba ang paligid at dumami ang mga Mortano at Mortana na kaniyang nakikita.

"Teka, nasaan ako? Ba't nag-iba
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status