Share

Chapter Forty-four: Trono

Nasa kaniyang trono si Haring Yusef nang bumisita si Reyna Purisima.

"Masayang Melyntor day sa anak kong hari!" malugod na bungad ng reyna.

Napangiti si Haring Yusef bagamat hindi siya maaaring tumayo sa trono para lamang yumakap sa reyna sapagkat mas mataas na ang posisyon niya rito, "Masayang Melyntor day sa iyo, aking inang reyna. Nalulugod ako na makita ka."

"Mas naging makisig at magiting ang iyong tindig ngayon, anak kong hari," pagpuri ng reyna. "Hindi kataka-taka na magaganda ang nasasabi ng mga mamamayan at opisyales patungkol sa iyong pag-upo bilang bagong hari!"

Huminga siya nang malalim at sumeryoso ang ekspresyon ng kaniyang mukha.

Naalala niya ang mga isipin patungkol sa sistema ng kaharian na kailangang ayusin.

"Mabuti naman kung ganoon, aking inang reyna," matipid niyang tugon sapagkat hindi niya maaaring ibahagi sa reyna ang sumasagi sa isipan.

Ang reyna at mga prinsesa sa lahat ng kaharian sa Guzen ay hin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status