Share

CHAPTER FIVE: Ang Mapagmahal na Prinsesa

Sa paglalim ng gabi ay mas lumalamig ang temperatura sa labas ng Gypto. Nakaramdam ng ginaw si Deborah kaya bumagal at bumigat ang kanyang paghakbang.

"Hindi ko inakalang magiging ganito kaginaw ang temperatura sa oras na ito..." giniginaw na bulong ni Deborah.

Bagamat nakararamdam ng takot ay nagpatuloy lamang si Deborah sa paglalakbay. Balewala na sa kanya ang lamig ng panahon. Ang mahalaga lamang sa kanya ay marating ang Guzen upang malaman kung makikita niya doon ang papa niya.

"Ano iyon?" nakararamdam ng takot na sabi niya nang marinig ang mga ungol ng mga mababangis na hayop. Naisip niya na maaaring hindi lamang iyon mababangis na hayop kundi mga nakakatakot na nilalang. "Ang mga vampire ay hindi umuungol kundi ay wala silang tinig ng pagkakakilanlan maliban na lamang kung sila'y magsasalita. Kung hindi vampire ang nasa paligid ay maaaring...."

Natigilan si Deborah nang sumugod ang isang werewolf na bigla na lamang sumulpo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status