Share

Chapter Eleven: Ang Kasalukuyang Mistress Witch

ANG BAGONG MISTRESS WITCH

Dalawang Melyntor years na ang nakalilipas magmula nang lisanin ni Ram Luiz ang Ramosen upang pumunta ng Edoma Forest ngunit nagluluksa pa din si Josebeth sa pagkamatay ni Ruju.

"Dakilang diyos na Lord Father Adonai! Ikaw ang may lalang ng langit at ng lupa! Karapatdapat kang sambahin at dakilain..." umiiyak na dasal ni Josebeth.

Tuwing magtatakip-silim ay nagpupunta siya sa burol upang magsunog ng kinatay na Qanna sheep sa ginawa niyang altar.

"Hanggang ngayon ay hindi mo pa din dinidinig ang aming daing..." muli ay umiiyak niyang dasal.

Magmula nang maalipin ang mga Levitano sa Ramosen ay hindi na nagpakita pa ng himala ang diyos na si Lord Father Adonai ngunit hindi tumigil si Josebeth sa pakikipag-usap sa kanya sa sa tuktok ng burol na iyon.

"Patawarin mo sana ang aming lahi, dumating na sana ang panahon ng pagliligtas mo!" matapos niyang sambitin ang panalanging iyon ay sumilyab ang apoy sa altar at tuluyan nang natupok an
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status