Share

Chapter Nineteen: Ang Pangalawang Pagkikita

Kasalukuyang inililikas ni Deborah sina Haring Chezedek at Reyna Qinlan sa Edoma Forest nang may mga sumusunod sa kanilang mga werewolves.

"Asawa kong Hari!" natatarantang sigaw ni Reyna Qinlan.

Agad namang sinaksak ni Deborah ng dala niyang patalim ang werewolf na susugod sana kay Reyna Qinlan.

"Mortana! Mag-ingat ka!" paalala naman sa kanya ni Haring Chezedek dahilan upang harapin niya ang werewolf na umaatake sa kanyang likuran.

Sinigurado ni Deborah na sa dibdib ng werewolf na umaatake sa kanya niya maibabaon ang kanyang patalim.

"Salamat po, mahal na Haring Chezedek!" magalang na tugon ni Deborah bago sugurin ang tatlo pang werewolves na nakasunod sa kanila.

Nilakasan lamang niya ang pagsipa at pananaksak sa tatlong werewolves upang mawalan ng malay ang mga ito.

Dahil nakikita siya ng mag-asawang hari at reyna ay iniiwasan niyang kalmutin at kagatin ang mga kalaban. Kapag ginawa niya iyon ay sigurado siyang mahahalata
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status