MALING BIHAG "Aking asawang hari! Hindi ako mapakali nang dahil sa aking napanaginipan...." balisang pagkukuwento ni Reyna Qinlan sa asawang si Haring Chezedek. "Ano ba ang iyong napanaginipan, aking minamahal na asawang reyna?" nag-aalalang tanong ni Haring Chezedek. Ang reyna ay pinagsisilbihan ang hari habang kumakain ito sa hapag-kainan sa kanyang palasyo nang mga sandaling iyon. Isang pangkaraniwang gawain ng mag-asawang hari at reyna tuwing noon hours. Bilang isang reyna ay tungkulin ni Reyna Qinlan na pagsilbihan ang kanyang asawang hari habang kumakain ito. Hindi niya ito maaaring samahan sa pagkain sapagkat isang kalapastanganang maituturing kung ang isang Mortana, prinsesa man o reyna ay makisalo sa kanyang asawang nasa trono ng hari o prinsipe sa pagkain. "Sa aking panaginip, ikaw ay nasa loob ng isang wuluf cave. Napapaligiran ka ng mga werewolves, aking asawang hari...." naluluhang sanaysay ni Reyna Qinlan. Nagpatuloy l
..(continuation)****** Bago pa man dumating ang mga werewolves ay kinunsyaba na ni Reyna Qinlan ang first ranked attendant na si Irkin na balaan ang mga tagapaglingkod sa palasyo ni Haring Chezedek patungkol sa inaasahan niyang paglusob ng werewolves sa palasyo. Inutusan niya si Irkin na patakasin ang lahat ng mga tagapaglingkod upang balaan ang mga first ranked attendants sa iba pang mga palasyo sa loob at labas ng Truth Kingdom na pulungin at papaghandain ang lahat ng mga tagapaglingkod na maghanda laban sa mga werewolves. Kahit hinayaan ni Reyna Qinlan na madakip siya ng mga werewolves ay sinigurado niyang maililigtas sila ng kanyang asawang hari ng kanilang mga royal guards. Hindi alam ng mga werewolves na ang second ranked attendant ng palasyo ni Haring Chezedek na si Minyu ay nakasunod sa kanila kasama ang second ranked attendant ng palasyo ni Reyna Qinlan na si Chun. Siniguro ng dalawa na hindi sila maaamoy ng mga werewolves habang n
Kasalukuyang inililikas ni Deborah sina Haring Chezedek at Reyna Qinlan sa Edoma Forest nang may mga sumusunod sa kanilang mga werewolves. "Asawa kong Hari!" natatarantang sigaw ni Reyna Qinlan. Agad namang sinaksak ni Deborah ng dala niyang patalim ang werewolf na susugod sana kay Reyna Qinlan. "Mortana! Mag-ingat ka!" paalala naman sa kanya ni Haring Chezedek dahilan upang harapin niya ang werewolf na umaatake sa kanyang likuran. Sinigurado ni Deborah na sa dibdib ng werewolf na umaatake sa kanya niya maibabaon ang kanyang patalim. "Salamat po, mahal na Haring Chezedek!" magalang na tugon ni Deborah bago sugurin ang tatlo pang werewolves na nakasunod sa kanila. Nilakasan lamang niya ang pagsipa at pananaksak sa tatlong werewolves upang mawalan ng malay ang mga ito. Dahil nakikita siya ng mag-asawang hari at reyna ay iniiwasan niyang kalmutin at kagatin ang mga kalaban. Kapag ginawa niya iyon ay sigurado siyang mahahalata
"Leader! Leader! Linusob tayo ng mga Mortano mula sa Guzen!" sigaw ni Jolo nang maakyat ang Twilight mountain kung saan madalas magpunta si Siviro upang mapag-isa. Napatayo mula sa pagkakaupo si Siviro at hinarap si Jolo, "Paano nila tayo nasundan?" "Hindi pa namin alam, Leader! Pero may isa pa tayong problema." nababahalang sabi ni Jolo. "Ano?" mahina ang tinig na tanong niya. "Nawawala raw ang mga bihag." "Nawawala?!" nabiglang sigaw niya, "Hanapin n'yo!"*** Hindi mapakali si Prinsesa Nini habang naghihintay kay Zillah. Inutusan niya ang second ranked attendant na magpunta sa palasyo ni Haring Chezedek upang malaman ang mga kalagayan ng mga tagapaglingkod. "Ano na kayang nangyari, bakit ang tagal ni Zillah!" nagtatakang bulong ni Prinsesa Nini. Naputol ang kanyang pag-iisip nang may kumatok sa pinto ng kanyang himpilan. "Sino iyan?" nabuhayan ang loob niyang tanong. Akala niya si Zillah na ang kumakato
ANG PARANGAL Ang lahat ng mga maharlika, maging mga ordinaryong mamamayan ng Truth Kingdom ay nagtipon-tipon sa harapan ng palasyo ni Haring Chezedek upang pormal na parangalan ang lahat ng mga Mortano at Mortana na naging bahagi ng pagliligtas kina Haring Chezedek at Reyna Qinlan. Kasama sa mga paparangalan si Yusef at ang mga werewolf hunters na isinama niya sa pagliligtas sa mahal na hari at mahal na reyna. Gayak ng gayak ang lahat, ang bawat isa ay labis ang kagalakan dahil nailigtas ang kanilang mahal na hari at ang asawa nito. Inaasahan din ang matatanggap na parangal ng mga first ranked attendants at second ranked attendants pati ang mga tagapaglingkod sa mga palasyo sa Truth Kingdom. Nagsimula ang seremonya nang hipan ng mga royal musicians ang kanilang golden trumpets. Agad nagmartsa si Haring Chezedek, ang kanyang mga anak na prinsipe at ang mahal na reyna paakyat sa ikatlong balkonahe ng palasyo. Nang sila ay makaakyat n
PANIBAGONG PAGSASANAY... Sa ika-pitong morning hour ay maagang naglalakad si Hanna patungo sa kanilang paaralan. "Hay naku! Bakit ba palala na ng palala ang sumpong ni Mama?" napapaisip n'yang tanong. Labis ang pag-aalala ni Hannah para sa kanyang mama na si Linosa sapagkat madalas itong nagwawala o hindi naman ay umiiyak. Ilang mind doctors na ang kanilang kinunsulta upang masuri ang kanyang mama ngunit ni isa ay walang nagtagumpay na mapagaling ito. "Inaantok pa ako...." humihikab na pagbabahagi ni Kaleb. Maaga silang nagising upang pumasok sa unang Melyntor day nila sa Gitu University. "Ikaw naman kasi, Older Brother, alam mo namang maaga tayong papasok ngayon tapos nakipagkuwentuhan ka pa kay Emmanuel nang nagdaang evening hour..." natatawang kontra kay Kaleb ni Cloudio nang mapansing nasa unahan lang pala nila si Hannah, "Older Brother?" "Oh! Ano?" walang ideyang tanong ni Kaleb. "Si Hannah iyon, hindi ba?"
BUHAY NA PAG-ASA Sina Davideh, Kaleb, at Cloudio ay nagpasama kay Hannah sa himpilan ni Head Master Arthur upang malaman kung ano ang mga panuntunan sa paaralan at kung aprobado ba ang kanilang mga dokumento upang maging kwalipikado sa pagsasanay ng metal alchemy o hindi. "Napakalawak naman ng himpilang ito, kasinglawak ng himpilan ng Tiyuhing Prinsipe Reuel Eriam!" malugod na puna ni Kaleb habang sinisipat ang kabuoan ng himpilan. "Shssss...." saway naman ni Hannah, "Huwag kang maingay d'yan, baka nakakalimutan mo, hindi pa kayo sigurado kung aprobado na ang mga dokumento ninyo. Paano kung hindi kayo maaprobahan dahil sa ingay mo?" "Paumanhin..." mahina ang tinig na tugon ni Kaleb. Sina Davideh at Cloudio naman ay nakamasid lamang kay Hannah. Batid nila na siya ay maingat pagdating sa mga alituntunin ng paaralan, sapat na katangian upang mapagkatiwalaan nila na maging gabay nila sa paglilibot sa Gitu. Nagtinginan sina Davideh
"Bilang eldest witch ng kasalukuyang henerasyon ay pormal kong itinatalaga ang aking panganay na anak na si Gayumarah bilang bagong eldest witch!" pag-aanunsyo ni Athalia, ang kasalukuyang eldest witch sa angkan ng mga witches sa bansang Gypto.Nakangiting lumapit si Gayumarah sa una upang tanggapin ang pamana nito."Mabuhay ang bagong eldest witch na si Gayumarah!""Mabuhay ka, Eldest Witch Gayumarah!"Ang mga witches, sorcerers at magician ay nagbunyi para kay Gayumarah."Salamat! Salamat sa inyong lahat!" naluluhang sigaw ni Gayumarah sa mga witches, sorcerers at magicians na bumabati sa kanya."Binabati kita, anak ko.""Salamat po, Mama. Gagawin ko po ang lahat upang magampanan ang aking tungkulin."Lumapit naman kay Gayumarah ang kanyang kaisa-isang kapatid na si Encantra upang batiin siya, "Binabati kita, Big Sister.""Salamat, Younger Sister."Dahil sa bagong tungkuling iniatas kay Gayumarah ay nagkaroon ng pangamba si Encantra na baka mawalan na ng panahon para sa kanya ang bi