Share

Chapter Fourteen: Ang Edad ng Pag-aasawa

...

Hindi umalis ng palasyo si Prinsesa Nini. Ayaw niya munang bumisita sa kanyang amang hari at mga nakatatandang kapatid.

Marami siyang iniisip. Nais niyang makahanap ng solusyon sa mga problemang dulot ng mga werewolves na ilang beses nang lumusob sa kanyang palasyo.

Napapadalas na rin ang pag-aalay niya ng mga Qanna sheep kay Lord Father Adonai upang bigyan siya nito ng mga kasagutan.

"Mahal na Prinsesa Nini, ang Prinsipe Lamech ay naririto sa palasyo!" pagbibigay-ulat sa kanya ng isa sa mga royal guards ng palasyo.

"Si Prinsipe Lamech? Ano naman kaya ang pakay niya dito sa palasyo?" nagtataka niyang bulong.

Malugod na hinarap ni Prinsesa Nini si Prinsipe Lamech.

Hindi niya alam kung ano ang pakay ni Prinsipe Lamech kaya malaki ang pagtataka niya sa pagbisita nito.

"Pagbati sa iyo, Prinsesa Nini!" malugod na pagbati sa kanya ni Prinsipe Lamech.

Malugod na nagpamalas siya ng ngiti, "Pagbati rin sa iyo, Prinsipe Lamech!
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status