Share

Chapter 3

FINN POV

Habang umaandar ang kotseng aking sinasakyan ngayon, hindi pa rin mawala ang mga bagay na tumakbo sa aking isipan.

Alam ko kung ano ang mga senyales na nararamdaman ko. Ang amoy ng matapang na kape at tsokolate, isama  pa ang mga mumunting kuryente na dumadaloy sa aking katawan kapag naglalapat ang aming balat. Positibo ako na nahanap ko na ang aking MATE.

Pero di katulad ng iba na masayang matagpuan ang mate nila, kabaligtaran naman iyon para sa akin, sapagkat ang tangi ko lang nararamdaman ngayon ay takot at kaba, natatandaan ko pa ang mga kwento ng mga kasama kong item doon sa auction noon.

Mula sa madilim, malamig at masikip na kulungan, kaming mga item ay na nanatili sa kanya-kanyang hawla na parang mga asong walang awang ibinebenta at pinagkakakitaan.

Si ate Chatty ay isang wood fairy, maganda siya at mabait pero sira na ang isa nitong pakpak. Hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwala na ang nagbenta sa kanya para madala sa auction ay ang sarili talaga niyang mate.

Napakatapang daw nito at lagi syang sinasaktan, ito din daw ang walang awang sumira ng kanyang magandang pakpak para di sya makatakas at nang magsawa na ito sa kanya ay ibinenta na lang siya nito sa isang dealer na nagdadala ng mga creatures sa auction house.

'Hindi ba ang mates ay ang kalahati ng kaluluwa mo, ang nilalang na magmamahal sayo kahit anong mangyari at poprotekta sa iyo lagi?' Hayss.. yan din ang lagi kong iniisip noong panahon na hindi pa ako namumulat sa totoong mga pangyayari.

Bata pa lamang nang mawalan na ako ng mga magulang kaya naman nabuhay na ako sa mga auctions at pagkakaroon ng iba't ibang master. Noong bata pa ako, lagi kong hinihintay ang araw na dadating ang Mate ko para iahon ako sa buhay na meron ako, at walang sawang magmamahal sakin.

Pero ngayon, nang malaman ko ang itim, at dilim ng tunay na kaganapan ng buhay. Tanging takot at pag aalala na lang ang nasa isip ko. Lalong-lalo na at hindi lamang iyon ang mga narinig kong kwento mula sa mga kasamahan kong item noon.

Habang napapabuntong hiningad dahil sa mga bagay na gumugulo sa aking isipan. Sobra ring pagkailang ang aking nararamdaman habang nakaupo sa tabi ng isang malaki at nakatakot na Werewolf na wala nang iba kung hindi ang aking sariling mate.

Ang presensya pa lamang niya ay nagdadala na sa akin ng kaba at kilabot na hindi ko maipaliwanag.

Ang pagsigaw pa lamang niya kanina ay parang isang malakas na kidnat na naghatid sa akin sa madilim na kawalan, parang gusto kong mahimatay sa takot ng mga oras na iyon.

Sigurong sasaktan din nya ako at aalilain lamang, at pag sawa na siya sa akin, ibebenta na lang ulit niya ako sa mga walang awang dealer.

Napakapit na lamang ako ng mahigpit sa suot kong bestidang puti, habang nakatanaw sa bintana ng kotse. At nakikita ang mga lalago at matataas na punong aming nadadaanan.

Mula sa repleksyon ng bintanang ito ay nakikita-kita ko pa ang ginawa sa akin ng mga naunang master ko noon, sa mahigit 19 taon ko nang pamumuhay sa mundong ito, nagpasalin-salin na ako sa

maraming master, tulad ng witch, troll at karamihan ay mga vampires.

Lahat sila ay mapang api at mapanakit,

pero pasalamat ko pa rin sapagka kahit kailan ay hindi ako naging sex slaves katulad ng iba.

Mapanakit at matatapang ang mga naging master ko noon kaya naman puno din ng mga peklat ang aking katawan.

Napayuko na lamang ako habang tahimik na nalulunod sa aking mga iniisip, at dahil doon kaya hindi ko na napasin na nakatigil na pala ang kotseng aking sinasakyan.

At sunod ko na lamang na nakarinig ang malalim na boses mula sa aking tabi.

"We're here."

Mabilis akong napatingin sa kanya, pero bago ko pa siya makita ay nakalabas na siya ng sasakyan.

Kahit nangangatal ang aking mga kamay ay nabuksan ko pa rin ang pinto ng magarang kotse na aking sinasakyan.

Pagkalabas ko pa lamang ay hinampas na agad ako ng isang malakas at malamig na hangin kaya naman napayakap na lang ako sa aking sarili dahil sa nipis ng telang suot ko.

Habang kinukuskos ko ang aking magkabilang braso ay napatingala ako sa aking harapan.

Bagsak ang aking panga habang nakatingin sa isang malaking bahay.

Napailing na lang ako habang natitig doon, sa tingin ko ay ito na ang pack house at syempre dito nakatira ang isang Alpha, ganun din ang mga pack members.

May naging master na rin akong werewolf dati, pero hindi ito isang alpha, bagkus ay isang normal na beta lamang galing sa hindi kilalang pack, kaya naman hindi kasing laki nito ang pack house na tinirihan ko noon.

Ang nasa harap ko ngayon ay isang mansion, hindi ako nagkakamali. Mula sa aking kinatatayuan. Ramdam ko na ang nanginginig ng aking tuhod dulot ng kaba, isama mo pa ang malamig na hangin na aking nararamdaman.

"Come here, what are you waiting for?" sigaw ng Alpha sabay kaway sakin palapit.

Dahil sa hiya at takot ay napatakbo naman ako palapit sa kanya, kahit halos lumabas na sa aking dibdib ang puso ko dahil sa seryoso niyang boses.

Kung kanina ay namangha na ako sa labas pa lang, ngayong nasa loob na kami ay mas kahanga-hanga pala ito.

Sobrang lawak ng loob nito na parang tatlong average na bahay ang kasya dito, may mahaba at magarbong chandelier na nakasabit sa kisame ng bahay at may dalawang malaking hagdan na patungo sa pangalawang palapag.

Lahat ng mga kasangkapan ay halatang mamahalin, Ngayon lang ako magkakaroon ng master na Alpha at galing sa kilalang pack kaya naman ngayon lang din ako makakatira sa ganitong klaseng pack house.

Habang naglalakad ay inililibot ko naman sa paligid ang aking paningin, napagtanto ko at napansin na may kakaiba talaga dito.

Tahimik at malungkot ang bahay na ito.

Walang mga pamilyang nakatira sa loob nito, karaniwan kasi sa isang pack house ay may mga Werewolves family na nakatira dito ng sama-sama.

Nabaling ang tingin ko dahil sa malakas na sigaw.

"Woah!!! Alpha Zyron!  ikaw nga!" masiglang sigaw ng isang lalaki habang pababa sa hagdan.

Iritang mukha lamang naman ang naisagot ng lalaking aking katabi sa pagbati ng isang myembro ng pack.

"Ohhh!? may kasama ka pala, sino siya?" tanong ng lalaking bagong dating, sabay turo sa aking dereksyon.

"It's none of your business, and just guide him to his room, will you?" walang pakialam na sagot at utos pa ni  Alpha Zyron sabay akyat sa hagdan.

Sabay lang naman kaming napatingin sa paalis na porma nito, pero akong biglang napaharap ng magsalita ang lalaking nasa tabi ko ngayon.

"Hello!!! ako nga pala si Jax, ang beta ng Blood Moon Pack!" masaya at masigla pa niyang pagpapakilala sa akin habang inaabot ang kanyang kamay.

"F-Finn naman ang pangalan ko," pabulong ko namang sagot sa kanya, Ngumiti naman ito pabalik sa akin at isinama ako para malibot daw namin ang buong bahay bago niya ako ihatid sa aking kwarto.

Masaya naman akong malaman na may makakasama pala naman ako sa malaking bahay na ito, akala ko kasi ay kaming dalawa lang ang titira dito. 

Habang magkasabay na naglalakad kami ay hindi ko pigilan ang mapangiti ng palihim dahil sa kadaldalan ni Jax.

"Oo, ang buong pamilya ko na lang at si Alpha Zyron ang nakatira dito, halos lahat kasi ng mga pamilyang werewolf ay doon na sa villege nakatira, kaya naman pamilya ko na lang ang naiwan dito para pangalagaan ang bahay pag umaalis ang Alpha," mahabang pagkukwento pa ni Jax, habang naglilibot kami sa iba't ibang parte ng pack house.

Napatango naman ako ng masagot na ang aking katanungan kung nasaan ang ibang pamilya na werewolf. Ibigsabihin pala ay dahil sa laki ng pack na ito, may nasasakupan na itong isang buong village kung saan ay magkahalong namumuhay ang mga werewolf at mga tao.

Nakakahanga lamang sapagkat hindi nagkakaroon ng gulo sa pagitan ng mga ito.

Inilibot din niya ako sa kusina, sala, mga kwarto at iba pa. Napakalaki talaga ng lugar na ito.

"Ang totoo nyan, sa pagkakakilala ko kay Alpha Zyron, wala iyong pakialam sa ibang nilalang maliban sa myembro ng aming pack, kaya naman nagtataka lang ako kung saan ka niya nakuha? At bakit ka nya dinala dito?" naguguluhang tanong sa akin ni Jax kaya naman napahinga muna ako ng malalim bago sumagot.

"Sa Mix Auction ako galing." 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status