Share

Chapter 5

3RD PERSON POV

"Ahhh! Ang cute nya!!!"

"Wow! Isa kang elf? Eh bakit mukha kang tao?"

"Hahaha sabi ko sa inyo diba, may mate na si Zyron!" mayabang na sigaw pa ni Jax habang pinagkakaguluhan ng mga ito si Finn.

Nasa living room ng pack house sila ngayon kasama ang mga kapatid ni Jax na sina Sarina at Jace. Manghang-mangha ang mga ito dahil sa wakas ay nahanap na rin ni Zyron ang kanyang mate.

Ganun rin ay unang beses ng mga ito makakita ng isang elf, dahil sa isang village sila nakatira at medyo may kalayuan sa syudad, halos mga ka-uring werewolf lamang at tao ang madalas na makasalamuha ng mga ito.

"Naku kayo talaga, wag nyong palibutan ang kawawang elf, natatakot na sya sa inyo oh," sabi pa ng nanay ni Jax na si Ginang Olivia habang inaawat ang mga anak nito.

"Tinitingnan lang naman namin siya, Ma," pagdedepensang sagot pa ni Jace, ang bunsong kapatid ni Jax, habang nagpapa awa pa itong sumisilay kay Ginang Olivia.

"Oo alam ko pero napakarami pang oras at panahon na makikita nyo siya, dahil simula naman ngayon ay dito na siya titira, di ba?" sagot naman ng Ginang sabay tawag sa kanilang lahat papunta sa kusina para makapag meryenda.

Nang marinig ng dalawa ang sinabi nang kanilang ina ay parang mga bumbilyang nagliwanag ang mata ng mga ito dahil sa saya, isang malapad at maligayang ngiti rin ang nangibabaw sa mga labi ng mga ito. Masaya ang lahat na umupo sa harap ng mesa para makapagmeryenda.

Habang naghahanda ang Ginang ng pagkain at nag iintay naman ang mga bata ay tahimik na lumapit si Finn sa Ginang.

"T-Tulungan ko na po kayo sa paghahanda," magalang na turan ni Finn sabay turo sa mga plato at baso ng juice na nakapatong sa counter top.

"Ha? Naku wag na hijo, kaya ko na ito, sige na at umupo ka na rin kasama nila," sagot naman nito sabay ngiti nang malumanay sa kanya.

Naiintindihan ng Ginang kung bakit ganito ang ikinikilos ni Finn sapagkat naikwento na kasi sa kanya ni Jax kung saan ito nagmula.

Ang mga nilalang na nagmula sa auction house ay mga creature na pinagpasa-pasan na ng iba't ibang Master. Binibili sila bilang katulong, alipin at ang pinakamasama pa ay ginagawa silang sex slaves at pinagmamalupitan.

'Napakalupit talaga ng mundo, para sa isang inosente at batang elf na katulad ni Finn ay hindi na rarapat ang buhay na iyon sa kanya', napapailing pang isip-isip ng Ginang habang sinisilayan si Finn na pilit nakikipag usap sa maiingay na kasama.

"Finn, wag kang mag alala mula ngayon ay kami na ang makakasama mo, hindi kana babalik sa dealer," mayabang pa na sabi ni Jace, na akala mo naman ay isang malaki at matapang na wolf.

Napangiti naman si Finn dahil napakabait ng mga ito sa kanya. Medyo naninibago pa siya sa mga nangyayari, pero dahil magaan ang pakiramdam niya sa mga ito ay mabilis niyang nagawa na pakisamahan ang myembro ng wolf pack na pinamumunuan ng kanyang mate.

"Tama si Jace, mula ngayon ay ligtas ka na," nakangiti pang dagdag naman ni Sarina, kaya tunay ngang nakaramdam siya ng kapanatagan.

Dahil sa hiya ay napapatango na lamang siya sa mga ito, mahirap para sa kanya na sumabay sa lahat ng pagbabagong nangyayari, sanay kasi sya sa hindi maganda ang trato na natatanggap niya sa lahat ng mga nauna niyang master na napupuntahan noon.

Pero dahil mababait ang mga bago nyang kaibigan ay medyo napapalagay na ang loob nya sa mga ito. Habang kumakain ay marami pa silang napag-usapan at napagkwentuhan.

Habang masayang nag uusap ay bigla ni Finn na alala ang nangyari sa loob ng opisina ni Zyron kanina.

▼△▼△▼△▼△

[Sino sya, Zyron?]

Nagulat silang dalawa nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina at nagpakita mula doon ang isang teenager na babaeng werewolf, nakakunot ang kilay nito at nakasimangot habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Dahil sa takot ay biglang napatalon si Finn mula sa kandungan ni Zyron pa alis doon. Napayuko sya sa hiya at lalo sumama ang pakiramdam nya nang marinig ang malakas na tawa.

Tiningnan naman ng masama ni Zyron ang bagong dating.

"Haha tama nga ang sabi ni kuya Jax, may mate ka na nga kuya Zyron" sabi pa ng batang lalaki sa likod ng dalagita.

Nagpakilala ang mga ito bilang mga kapatid ni jax.

Tapos isinama na nila si Finn para magmeryenda, sasama na sana si Zyron kaso lang ay may tumawag sa kanya kaya pina-una na niya ang mga bata.

Dahil sa tunog ng hinihilang silya ay nawala sa pagbabalik tanaw ang isipan ni Finn at napansin na dumating na pala si Zyron at umupo ito sa tapat nya.

Pinamulahan naman ng mukha ang munting elf dahil sa tindi ng tingin na ipinupukol ng kanyang mate sa kanya.

"Ehem, di kayo matatapos sa pagkain kung magtitigan lang kayo," sabi ni Jax na bumasag naman sa katahimikan nila.

"Shut up," inis na sabi pa ni Zyron at mababakas pa ang pagsasalubong ng mga kilay nito.

Napatawa naman ang mga bata at napatingin naman ng may pagbabanta si Zyron may Jax, na ikina-lunok nito nang wala sa oras.

Pagkatapos nila kumain ay isinama sya ng Ginang sa magiging kwarto nya.

NAKATINGIN lang naman si Zyron habang isinasama ng ginang ang kanyang mate sa kwartong di kalayuan sa kwarto nya para kung ano man ang mangyari ay mabilis nya itong mapupuntahan.

Hindi naman sa ayaw nya itong makasama pero hindi pa masyadong nagsi- sink sa kanyang utak ang mga pangyayari hanggang ngayon, gusto muna sana niyang ihanda ang sarili bago kausapin muli ito. At syempre gusto din nyang bigyan muna ito ng pagkakataon para masanay sa bagong lugar na meron ito ngayon.

NANG makarating naman sila sa tapat ng kwarto niya ay nagpaalam na ang Ginang sa kanya.

"Hijo, mula ngayon ay dito ka muna matutulog ha," malambing na sabi pa ng ginang kaya napangiti si Finn dahil sa magandang pakikitungo sa kanya ng mga ito. Tumango sya bilang pasasalamat na rin dito.

Pagpasok sa kwarto ay nailibot nya ang kanyang paningin sa buong kwarto, Normal lang naman ito, tama lang ang sukat para sa isang tao, may puting pintura ang pader at gawa sa kahoy ang sahig. May maliit mesa, cabinet at single bed na kama.

Habang naglalakad ito palapit doon ay hindi nya mapigilang makaramdam ng saya.

Humiga sya at bago makatulog ay naisip nya na mula ngayon ay magbabago na ang buhay nya.

---------------------

Kinabukasan ay maaga si Finn na nagising at halos mapatalon pa sya takot dahil hindi pamilyar ang lugar kung saan sya nagising.

Imbis na sa loob ng maliit at kalawanging kulungan ay sa isang malambot na kama at malinis na kwarto sya nagising. Ang akala nya ay panaginip lamang ang lahat, mula sa pagbili sa kanya ng mate nya at sa magandang pakikitungo sa kanya ng pamilya nito.

Napahinga siya ng malalim habang nag iinat ng katawan para sa pagharap sa bagong umaga.

Nang maglalakad na sana sya papuntang banyo ay bigla namang may kumatok.

TOK!! TOK !!!

Mabilis na nilapitan ni Finn ang pinto para buksan ito.

"Magandang umaga Finn, ibibigay ko lang sana sayo itong mga damit na pwede mong isuot," masiglang turan pa ni Sarina sa kanya. Napatulala naman si Finn dahil sa sinabi nito.

"D-Damit ko?" nauutal pa nyang tanong dito.

"Oo, pasensya kana mga pinaglumaan lamang na damit yan ni kuya Jax, pero okay pa naman sila," paghinga pa ng pasensya sa kanya kaya napailing sya.

"Wala iyon, maraming maraming salamat, Sarina," nahihiyang sagot naman ni Finn. Kaya napangiti ng malapad si Sarina sa tuwa.

"Pagkabilis mo baba ka na ha, kakain na tayo ng agahan," masigla pa nitong sabi sabay kaway paalis kaya naman naiwan si Finn sa pinto habang hawak-hawak ang damit.

Sa kabilang banda naman ay balak ni Zyron bisitahin ang buong village ngayon para alamin ang mga nangyayari dito, katulad na lang ng training ng mga werewolves at ang sekuridad ng buong nasasakupan ng pack nila.

Laging busy si Zyron sa pagpapatakbo ng mga negosyo na naiwan sa kanya ng kanyang ama at syempre pati na rin ang pagpapatibay nang koneksyon at relasyon nila sa bilang creatures kaya laging wala sya sa pack para asikasuhin ito, bilang beta, si Jax naman ang naiiwan sa pack para bantayan ito habang wala si Zyron.

Habang naghihilamos ng mukha ay napatingin sya sa repleksyon ng mukha nya sa salamin, ang mga mata nyang bakas ang kakulangan sa tulog dahil sa sobrang pag iisip ng mga bagay bagay at higit sa lahat ay tungkol sa munting elf na walang sawang tumatakbo sa isip nya buong magdamag.

Napabuntong hininga na lamang sya sa sarili at inisip na...'Walang mangyayari kung tutunganga lamang ako, I need to do something.'

At habang naglalakad sya papunta sa kusina ay nakaisip sya ng magandang plano, at kakailanganin nya ang mga kapatid (sina sarina at jace).

Mula kasi ng mamatay ang kanyang ina noon pa ay ang pamilya na ni aling oliv ang nag alaga sa kanya kaya naman tinuring na nya itong tunay na pamilya, lalo na at wala namang pakialam ang kanyang ama sa kanya maliban sa taga pagmana ang posisyon nito bilang susunod na alpha ng kanilang pack.

Nang makarating naman si Finn sa kusina ay nadatnan niya na nakaupo na sa hapagkainan ang mga bata at si Zyron.

Kahit nahihiya si Finn ay binati nya ng magandang umaga si Zyron at ang iba pa saka umupo sa tapat nito.

Dahil namamayani ang pagiging indenial ni Zyron at ayaw nyang asarin sya ng mga kapatid ay imbis na bumati ito pabalik ay ngumiti lamang ito ng tipid.

Mula ng dumating ang mate nya ay pinigilan nyang mapa-ungol sa galit, dahil sa amoy na nakakapit dito. Mula sa pack link ay kinausap nya si Jax na nasa kanyang tabi.

'I can smell your scent in him, Jax,' seryosong ani Zyron sa katabi, habang nagliliwanag ang mga mala-ginto nitong mata dahil sa galit na nararamdam.

'A-Alpha, wala akong ginawa kay Finn,' taranta namang sagot ni Jax sa tabi nito habang namimulog ang mga mata sa takot.

"Siguraduhin mo lang, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo!" galit na sigaw pa ni Zyron kaya halos masamid sa iniinom si jax.

"Jax, okay ka lang?" malambing na tanong naman ni Finn ng mapansin na may natapong kape dahil sa pagkasamid nito.

Dahil sa narinig at nakitang ipinapakitang pag aalala ng kanyang mate kay Jax ay lalong tumalim ang tingin na ipinupukol ni Zyron dito.

Kinilabutan naman sa takot si Jax bago sumagot kay Finn. "Ha-ha okay l-lang ako, Finn, wag mo na akong panisin, sige kain ka lang," kinakabang sagot pa nito.

"A-Alpha, baka naman galing lamang sa damit na suot niya ang amoy na yun, ipinahiram ko kasi ang mga maliit ko nang damit sa kanya," depensang sagot pa ni Jax kay Zyron.

Napatango naman si Zyron at napahinga naman ng maluwag si Jax. Kahit paano ay naisip nito na nadugtungan pa ang kanyang buhay.

Pero hindi matanggap ni Zyron na gumagamit ang mate nya ng damit o kahit anong gamit na galing sa iba kaya naman tamang-tama lamang ang planong naisip niya.

Bago humigop ng kape ay sinulyapan muli nya ang cute na elf na nasa kanyang harapan, at pasimpleng napangiti.

Habang kumakain ang lahat nang sabay-sabay, ang mga bata ay maingay sa pagkukwento kay Finn ng maraming bagay habang si Finn naman ay pilit nakikisabay sa mataas na energy ng mga ito.

Napapangiti na lamang si Zyron habang pinapaunod ang mga kaganapan sa kanyang harapan, dahil pansin nya ang mapang asar na tingin at ngisi mula sa kanyang beta na si Jax kaya ikikinukubli na lamang niya ang ngiti habang umiinom ng kape.

"Kayo mga bata talaga, puro kayo dadal eh mahuhuli na kayo sa school," pagsesermon pa ni Ginang olivia sa mga anak.

Dahil sa sinabi ng ina ay nagmadali na sina Sarina at Jace sa pagkain para makapasok na sa kanilang paaralan.

Tahimik namang sinundan ni Finn ng tingin ang dalawang batang werewolf na mabilis naubos ang pagkain at ngayon ay nag-aayos na ng mga gamit na dadalhin sa eskwelahan.

Hindi nya mapigilan na mainggit sa mga ito, sana nakapag aral din sya, nakapasok sa eskwelahan at may maayos na pamilya. Napabuntong hininga na lamang sya habang napapailing.

Matagal na nyang iwinaksi sa kanyang isip ang malulungkot na pangyayari sa kanyang buhay, matagal na nyang natanggap ang mga bagay na wala sya at hindi na sya magkakaroon pa.

Lingid sa kaalaman ni Finn ay nakatingin si Zyron sa kanya habang tinitingnan nya na may halong pagkainggit sina Sarina at Jace.

Nang matapos na silang kumain lahat ay nagpaalam na sina Zyron at Jax na magroronda sa village.

Naiwan naman si Finn na tinutulungan si Ginang oliv sa paglilinis ng hapagkainan.

Ang katahimikan sa kanilang pagitan ay nabasah dahil sa pahayag nito.

"Finn pwede ba kitang makausap?" turan pa ng Ginang.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sugarboy Cayaon
next episode nman po
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status