Share

Chapter 4

Chapter 4

FINN POV

"A-Auction? Teka!!! binili ka niya mula doon?" gulat na sigaw pa nito kaya napatakip ako ng tenga.

"Wow! wala sa ugali ni Alpha na magtungo sa lugar na iyon, at bumili pa talaga," aniya pa na para bang kinakausap ang sarili.

Ayaw ko sanang makialam pero kung hindi ko sasabihin ang nasa aking isipan, baka sumabog na sa pag iisip itong si Jax na nasa aking harapan.

"Ah, bala dahil mate niya ako?" hindi ko rin siguradong sagot sa kanya. 

Hindi ko naman kasi talaga alam ang dahilan kung bakit niya ako binili, kaya iyon na lamang ang aking naisagot.

Napalaki naman at halos lumuwa ang kanyang mga mata, habang di makapaniwalang nakatingin sa akin.

"M-Mate!?" 

Yan ang huli kong narinig bago ko maramdaman ang pag kaladkad niya ang aking katawan paakyat ng hagdan at sabay tulak sa akin sa loob ng isang pinto nang mabuksan niya iyon.

"Mate mo pala siya, kaya dapat lang na lagi kayong magkasama para magkakilala kayo!" sigaw pa ni Jax, sabay sarado ng pinto ng may kalakasan pa.

Nakatulala pa rin ako sa kawalan, habang nakasampak sa sahig dahil sa biglaan nyang pagtulak sakin. 

'A-Ang bilis ng mga pangyayaring iyon ah, halos di nakasunod ang utak ko,' isip-isip ko pa, habang nakatitig pa rin sa pintuan na nilabasan ni Jax.

Habang tumatayo at pinapag-pagan ang aking pwetan ay hindi ko napigilan na mapatingin sa loob ng kwartong pinagdalhan niya sa akin.

'Ano bang ibigsabihin nyang dapat lagi kaming magkasama?' tanong ko pa sa aking isipan habang kinikilatis ang buong kwarto.

Hmm, normal lang naman ang loob nito, malinis at organize ang lahat ng gamit at pinaghalong black at silver lang ang kulay ng buong kwarto, ang nakakuha lang ng aking pansin ay ang malaking kama sa gilid na parte ng silid na ito.

Pinadaan ko ang aking kamay sa malambot at makinis na telang nakabalot sa kama. 

'Siguro ay napaka masarap matulog dito,' saad ko pa sa aking sarili, sabay hikab dulot ng antok.

Dahil sa pagod ay hindi ko na napigilan na ibagsak ang aking katawan sa malambot at mabagong higaan.

Ang amoy ng buong kwarto, mga unan at higit sa lahat ay kumot ay nagdadala sa akin ng kaginhawahan at nagdala pa sa akin para lalong antukin.

Bago ako makatulog ay niyakap ko pa nang mahigpit habang nakangiti ang unan na may amoy na kape at tsokolate.

.

.

.

"Ate chatty, matagal ka na ba dito sa mga dealer?" 

"Hm? Oo halos ilang taon na rin?" sagot niya, at parang hindi pa sigurado.

"Ibigsabihin ay marami ka na pong naging master?" 

"Tama ka, madami na rin, bakit mo nga pala natanong, Finn?" balik na tanong pa niya sa akin, habang bakas ang pagtataka sa maganda niyang mukha.

"Wala naman po, pero gusto nyo din po bang makawala na sa ganitong buhay?" 

"Hahaha Oo naman, kahit naman sino ay gustong kumawala sa kanitong klaseng buhay, bakit may alam ka bang paraan para makatakas tayo?" natatawa pa niyang sabi, habang inilalabas niya ang kanyang kamay sa sariling kulungan para abutin ang akin.

"Opo ate, alam ko kung paano," masigla at puno nang pag asa ko pang sagot sa kanya.

"Talaga, sige nga, paano naman?" interesadong turan pa niya sabay lapit ng mukha sa rehas na naghihiwalay sa amin.

"Kapag nahanap mo na po ang mate mo, sigurado na akong makakatakas ka na sa buhay na ito dahil may magmamahal at magpoprotekta na sayo."

"Napakabata mo pa nga talaga Finn," tumawa pa siya ng pilit at saka napa iling na para bang hindi makapaniwala sa aking sinabi.

Nang mga oras na iyon ay napatingin pa ako sa kanya ng patagid, at napatanong sa aking isipa. 'Bakit naman niya pinagtatawanan ang ideya ko eh tama naman iyon?'

Bago ako magising mula sa aking pagkakatulog ay narinig ko pa ang mahinang bulong niya sakin.

"Mag iingat ka lagi, Finn."

Habang bumabangon sa higaan sabay hikab ay napangiti ako ng mapait dahil sa panaginip na iyon.

Ilang taon na nga ba nang mangyari ang tagpong iyon? halos di ko na matandaan, pero bawat salita na sinabi ni ate chatty ng oras na iyon ay naiwan at tumatak na sa aking isipan hanggang sa ngayon.

Habang nag iinat ng katawan ay napatingin ako sa bintana na kanina ay maliwanag pa ang sikat ng araw, pero ngayon ay kadiliman na lang ang namamayani. 

Napasobra ata ang tulog ko, ngayon lang ako ulit ako nakatulong ng ganun kasarap sa loob ng ilang taon. 

Habang naglalakad palabas ng kwarto ay napaisip pa ako dahil sa isa pang pangyayari kanina, hindi kasi ako sigurado kung panaginip ba iyon o hindi.

Ang magaspang at mainit na kamay na humahaplos saking pisngi at malambot na bagay na dumadampi sa aking noo. Parang totoo ang lahat.

Mula kanina ay hindi ko pa ulit nakikita ang aking mate, pero na aamoy ko siya sa buong bahay, ang bakas ng amoy niya ay nasa bawat sulok ng lugar na ito.

Kahit may takot sa akin ay di ko pa rin maisawalang bahala ang mainit at masayang pakiramdam sa aking dibdib. 'Siguro, dulot lamang ito ng mating bond at wala nang iba pa,' turan ko sa aking isipan, habang napapailing.

Ganito pala ang pakiramdam kapag nahanap mo na ang mate mo, kahit anong mga bagay na iniisip mo dati ay biglang naglalaho na lang ng parang bula. Ang takot, kaba at pangamba ay nawawala sa oras na maamoy ko siya o maramdaman ang kanyang presensya.

Mula ng makita ko siya kanina ay may kung ano sa aking kalooban na nagsasabi na ayaw ko ng malayo pa sa kanyang tabi.

"Hm, nasan na nga ba ako?" tanong ko pa sa aking sarili, dahil sa dami ng iniisip ko kanina ay nadala na ako ng aking mga paa sa lugar na di ko alam.

Bukod sa hindi pa ako sanay sa laki ng bahay na ito at hindi pa pamilyar sakin ang pasikot-sikot kaya siguradong naliligaw na ako.

Nahanap ko ang aking sarili na nakatayo sa isang malaking pintuan dito sa dulo ng hallway.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko habang nakatingin sa harap nito, kaya dahan-dahan ko na lang na hinawakan ang napakakintab at kinis ng harapan ng pinto na gawa sa matibay na kahoy. 

Napakaganda ng deseny--

Bigla akong napabitaw sa pinto ng may marinig akong ingay na nanggagaling sa di kalayuan sa akin, tapos sinundan pa iyon ng magkakasunod ng yabak ng paa kaya naman dahil sa pagkataranta ay nagawa kong pumasok sa pintong nasa harap ko para magtago sa nilalang na papalapit sakin.

Habol ang aking hininga habang lalong bumibilis ang tibok ng aking puso, nakasandal ako sa kahoy na pinto habang pinakikinggan kung paparating na ba ang mga nilalang na narinig ko kanina.

Habang ang lahat ng atenyon ko ay nasa pinto, hindi ko napansin ang mas nakakatakot at mapanganib na hatid ng nilalang na nasa loob ng kwartong pinagtaguan ko.

Huli na ng maramdaman ko ang hininga na nasa aking leeg, napakalapit na nito sa akin.

Biglang nagtayuan ang lahat ng aking balahibo sa katawan dahil sa kilabot na nararamdaman, unti-unti akong lumingon para tingnan ang halimaw na nasa aking likuran.

Napasinghap na lang ako ng makita ko ito at...

"What are you doing here, little Mate?" 

▼△▼△▼△▼△

3RD PERSON POV

Mula ng makita ni Zyron ang kanyang mate sa lugar na di nya inaasahan ay talagang naguguluhan siya sa kanyang nararamdaman sa sarili.

Simula noon ay hindi nya inasahan o pinangarap na makita at makilala ang kalahati ng kanyang kaluluwa, ang nilalang na nakatakda para sa kanya.

Pero heto siya ngayon at natutulala pa rin kapag na-aalala kung paano siya nabighani sa maganda at maanong mukha ng kanyang mate.

Napabuntong hininga na lang siya at napatingala sa kisame ng kanyang opisina, balak sana nyang magpahinga ng kaunti sa kanyang kwarto, pero hindi niya inaasahan na matatagpuan niya na mahimbing na natutulog doon ang munti nyang Elf. 

Kahit ilang beses nyang pagmasdan ang itsura nito ay sigurado syang kahit kailan ay di sya magsasawang silayan iyon.

Hindi siya nakapagpigil na haplusin ang malambot at mamula-mulang pisngi nito, napakasarap ng pakiramdam ng mahinang kuryenteng dumadaloy sa kanyang katawan habang lumalapat ang balat niya dito. Sobra syang nadala sa sensasyon at huli na nang mapagtanto niya na nakalapat na ang labi niya sa noo nito.

Mabilis syang lumayo bago pa may magawa siya na maaaring hindi magustuhan ng munting Elf.

Minsan na iisip ni Zyron na sana ay katulad sya ng ibang mga Werewolf na may alter ego o yung may mga wolf sa loob nila na pwedeng kausapin, edi sana ngayon ay meron syang pwedeng pagsabihan at tanungin kung ano nga ba ang dapat gawin. Pero sa kasamaan palad ay wala.

Ang tatay niya ay pure blood na werewolf habang ang kanyang ina naman ay isang witch, hindi siya purong werewolf kaya hindi niya nakuha lahat ng katangian na meron ang mga wolf.

Habang nalulunod sa kanyang pag iisip ay nagulat siya nang biglang bumukas at mabilis na pumasok sa pinto ng kanyang opisina ang elf na kanina pang gumugulo sa kanyang isip.

Kita niya itong humahangos na nakasandal sa pintuan at tahimik na pinakikiramdaman ang kabila ng pinto.

Napataas ang kilay niya sa pagtataka dito.

Marahang tumayo si Zyron sa kanyang kinauupuan at naglakad patungo sa kinalalagyan ng walang ka-alam alam na mate, habang naglalakad ay naisip nyang gulatin ito kaya naman gumuhit ang mapang asar na ngisi sa kanyang labi.

"What are you doing here, my little mate?" seryosong tanong niya dito para makita ang reaksyon nito.

Humarap naman ito sa kanya at halos hindi nya mapigilan na mapatawa dahil sa gulat at takot na ekspresyon sa mukha nito.

"A-Alpha?" di makapaniwalang anito, habang gulat na nakatingin sa mukha ng nakangising werewolf.

"Hm, at anong ginagawa mo dito?" tanong naman ni Zyron dito.

"May a-ano kasi, doon--- meron," hindi magkaintindihang sagot ni Finn sa kanya dahil sa kaba habang nakayuko ang ulo nito.

Napailing na lamang si Zyron habang pinagmamasdan ang nanginginig na porma ng kanyang mate habang nakayuko ito.

'Cute,' nakangisi pang isip-isip ni Zyron.

KAHIT KINAKABAHAN si Finn ay di niya mapigilan na i-angat ang kanyang ulo para pagmasdan ang matikas na werewolf habang nakaupo ito sa likod ng mesa.

Napakagwapo nito, ang buhok nito na kasing itim ng gabi, mga matang kasing talas ng kidlat habang nagpapakita ito sa madilim na pagka asul ng kalangitan, Ang ilong nito na perpekto at ang labing nakaguhit lagi sa isang ngisi.

Habang pinagmamasdan niya ang buong mukha nito ay di nakalipas sa paningin niya ang pilat nito sa may gilid ng panga. Siguro ay malamim ang naging sugat nito kaya nag iwan ng ganun katinding pilat sa gwapo nitong mukha.

"Hm, may problema ba?" tanong na nakapagpagising sa pagpapantasya ni Finn, nakita na lang niya ang sarili na nasa tabi na ng Alpha, habang nakalapat ang kanyang mga daliri sa mismong pilat nito sa mukha.

Napasingahap sa gulat si Finn habang palinga-linga, hindi siya makapaniwala na nakalapit siya sa Alpha ng hindi niya namamalayan at napapansin.

"Paano at kailan ako nakapunta dito?" pabulong na tanong pa ni Finn sa kanyang sarili.

"Inaakit mo ba ako, munting Elf?" nakangisi pang anito na puno ng pang aasar at  ng mabilis na mahigit siya paupo sa kandungan nito.

"Kyahh!" gulat na sigaw ni Finn dahil sa pagkabigla, para syang na- estatwa nang ma-isip niya kung nasan siya ngayon, at anong posisyon ang meron sila.

Ang mahigpit na pagkakahawak ng Alpha sa kanyang bewang ang nagpapatunay kay Finn na tama ang hinala nya, nasa kandungan nga siya ng gwapo niyang werewolf.

Parang tumigil ang kanyang paghinga dahil sa tindi ng sensasyon na nararamdaman niya ngayon, ang mainit at kakaibang bagay na dulot ng amoy nito ay talaga namang nagpapula lalo sa nahihiyang si Finn.

PILIT namang pinigilan ni Zyron ang sarili na magreact ang kanyang katawan dahil sa lapit ng kanyang mate sa kanya. Ang mabangong amoy pa lang nito ay nagdadala na sa kanya ng kasiyahan na ngayon nya lang naramdaman.

Napangiti na lang si Zyron habang inaamoy ang buhok at balikat nito, hindi niya alam na parang tatakasan na ng kaluluwa si Finn dahil sa takot na nararamdaman.

"Kakainin siguro niya ako kaya nya ako inaamoy" isip-isip pa ni Finn kaya lalong nangatal ang katawan nito.

"Hm, matilos na ba kanina pa ang tenga mo? o ngayon ko lang napansin," sabi pa ni Zyron kaya naman biglang napatingala si Finn sa kanya.

Dahil sa lapit ng mukha nila sa isa't isa ay biglang napaiwas ng tingin ang nahihiyang elf bago hawakan ang kanyang tenga.

'A-Ah, Oo nga, bumalik sa tunay na itsura ang tenga ko dahil sa takot kanina. Ang anyo ko ngayon ay katulad ng sa isang normal na tao para mabilis akong makisalamuha sa mga normal na tao,' sabi pa ni Finn sa kanyang isipan, habang hawak pa rin ang kanya tenga.

"H-Hindi ito laging ganito, lumalabas lamang ito kapag sobra akong natatakot," mahinang bulong ni Finn tama lang para marinig ni Zyron.

Napatango naman ni Zyron at hinawakan ang matulis na tenga nito, kaya lalong namula ang mukha ng kanyang mate, at sa hindi inaasahang pangyayari ay hinampas nito ang kanyang kamay.

"P-Pasensya na ,h-hindi ko po sinasadya," mabilis na sabi nito ng mapagtanto ang ginawa sa kanya.

Sa halip na magalit ay napangisi lamang si Zyron, kaya lalong lumawak at lumabas ang matutulis nyang mga pangil.

Dahil sa pagtataka ay napatingin naman ito sa matulis na pangil niya.

"Yan bang pangil mo laging ganyan?" inosenteng tanong nito bago pa nito mapigilan ang sarili na sabihin iyon, dahil sa hiya ay napatakip na lang ito ng  mukha gamit ang kanyang mga kamay.

Napataas ang makapal na kilay ni Zyron at napatawa ng malakas dahil sa papaging kyut ng kanyang munting elf.

Nang matapos na syang tumawa at naiwan na lang ang isang tunay na ngiti sa kanyang labi ay dahan dahan nyang tinanggal ang kamay na nakatakip sa magandang mukha ng kanyang mate.

Kung noon pa man ay alam na nyang ganito kasaya ang hatid ng pagkakaroon ng mate ay dapat noon pa nyang hinanap ito.

Itinaas niya ang mukha ni Finn gamit ang paghawak sa baba(chin) nito.

Nang masilayan niya ang nahihiyang mukha nito ay naramdaman na naman niya ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso at pagkaubos ng kanyang hininga.

Ang mga mata nito na para syang hinihigop sa isang mapayapang lugar ay tahimik na nakatingin sa kanya.

Lalong napangiti si Zyron bago sumagot.

"Bakit, natatakot ka ba sa pangil ko?" nakangisi pang tanong nito kay Finn.

Umiling ng kaunti si Finn at ngumiti pabalik sa kanya.

Ayos na sana lahat dahil parang nagkakapalagayan na sila ng loob ni Finn kung hindi lang biglang bumukas ang pinto ng opisina nya.

Napatigil silang dalawa nang makarinig nang isang malakas na singhap mula sa may pintuan.

"S-Sino siya Alpha Zyron?" saad pa ng babaeng nakatayo mula doon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status