Chapter 16▪︎Leigh▪︎Guarding them, that's what Xavier is doing at the moment. Daig pa ng lalaki ang isang gwardya sibil sa Malacañang Palace, nakadikit sa kanila ni Jillian.Ang Mama niyang kumakain at subo nang subo ay nakamata naman sa lalaki."Pa-join," anang isa sa mga makakasama nila sa trabaho.Parehas sila ni Jillian na napatingin dun. Isa iyon sa mga bakla. Medyo tahimik iyon at hindi palaimik."Sige ba," aniya. Tumabi iyon sa kanya."Leigh, di ba, saka Jillian? I'm Kaiser but I prefer to be called Kai, mukhang babae," anito kaya natawa sila nang mahina."Are you really trans? No offense meant, I just have to clarify," anaman ni Xavier na mukhang kina-career ang sinasabing pagbabantay."What proof do you want, pogi?" Ani Kai sabay kagat ng labi."Never mind," aniyon kaya halos mapabuga si Jillian.Kahit siya ay natawa sa itsura ng mukha ni Xavier na parang ginagapangan ng langgam. Hindi naman iyon mukhang nandidiri, hindi lang talaga siguro ma-imagine ang sarili na may karel
Chapter 17▪︎Clive▪︎He found himself at the Elizares mansion, facing his Tito HJ for the second time."Nabingi yata ako, Clive."Ngumiti ito nang makahulugan."I said, I want to be an evaluator in the upcoming training.""Is this about Leigh Sandoval?" Kunot noong tanong nito, "Sabihin mo nga sa akin ang totoo, Clive. Anong meron? First, you wanted me to reject her. Now, you want to be an evaluator. I can give you that but you must promise me that you will be fair. Simple lang naman ang training pero alam natin na ang hanap ko ay confident na mga flight attendants. I see that Leigh is quite a treasure. Nakikita ko sa kanya ang lakas ng loob. She greeted us good afternoon instead of good morning but she's not like those typical applicants who would stammer and get disoriented. She's well collected. Now, sisirain mo ba siya?" Prangka nitong tanong sa kanya.Clive is just staring into HJ's eyes, unable to speak."Gusto ko sanang matuwa na sa wakas lumabas ka sa bahay mo makalipas na mam
Chapter 18▪︎Leigh▪︎Nakangiti habang nakamasid su Leigh sa kuya niyang sumampa na sa motor nun. Papaalis na ito, alas otso ng gabi."Bubwit, parang ang tanda naman ni Greco sa'yo," anito sa kanya kaya napasimangot siya.Magkakrus ang mga braso niya sa dibdib."Kuya naman, wala namang kami.""Sa ngayon," mariin na sagot nito, "kitang-kita ko naman na kilig na kilig ka. Huwag ka ng tumanggi. Ilan taon na ba yun?""Thirty daw," aniya.Kanina ay nagtatanungan silang dalawa ng mga personal na bagay. Mas matanda nga sa kanya si Clive ng pitong taon, pero hindi naman yun ganun katanda.Napaisip si Mac, "ibig sabihin ay dalawang taon ng patay ang asawa niya kasi kakaumpisa ko pa lang nun na mag-pulis. Hindi ko nasabi sa'yo na si Mrs. Greco, lasog ang katawan nang maaksidente. Ewan ko ba, parang himala ng Diyos na hindi ma-damaged ang mukha niya at ulo. Siguro ay talagang para sa'yo ang mga corneas nun."Tumango siya kahit na parang kinilabutan siya. Aaminin niyang takot din siya nung una dah
Chapter 19▪︎Leigh▪︎She blinked. It's really him. Pumikit siya dahil baka tulad kanina ay imahinasyon lamang niya si Clive. Baka mamaya ay mukhang pigsa na tinubuan ng kamay at paa ang imaginary Clive niya. Iyong kanina ay mukhang panutsa. Patawarin siya ng Diyos pero hindi naman siya namimintas. Nagsasabi lamang siya ng totoo.Pagmulat niya ay iyon pa rin talaga ang nakikita niya kaya nasira ang kanyang walkout. Hinawakan niya si Jillian sa magkabilang parte ng mukha at sapilitan na iniharap dun."Hindi 'yan si Clive, di ba?" Tanong niya pero tumawa ito nang malakas."Siya," anito kaya muli siyang tumingin sa lalaki.Siya nga. Tumingin iyon sa nakasagutan niyang si Laiza."Mauna na ako, mukhang may sundo kayo. Kita-kits na lang bukas mga sissies," paalam ni Kaiser sa kanilang dalawa pero kay Clive nakatingin.Kanya-kanyang talikod na ang mga iyon at sumakay na sa mga sariling sasakyan. Lahat ng mga kasama niya ay mga big time, sa totoo lang. May mga sariling kotse ang mga iyon. Si J
Chapter 20She smiled when she noticed Clive's men outside. Nakabantay ang mga iyon sa labas. Kung hindi iyon nagbabantay, bakit naman iniwan?Feeling secured siya na sobra dahil sa mga iyon. Kahit na pala sanay na siya na parating mag-isa, iba pa rin kapag may nagbabantay sa kanya.Nakangiti siyang umakyat sa kanyang kwarto, hawak ang smartphone. She composed a message for Clive.Leigh: thank you sa pabantay, Mayor.She giggled.Parang nainis siya nang wala siyang matanggap na reply. Binuksan niya ang kanyang social media account sa Mukha App at hinanap si Clive. Lumabas kaagad ang kaisa-isang profile nun. Napakarami kaagad nung followers, kaka-verify pa lamang daw ng account.She opened his profile and checked it.Wala namang kahit anong upload doon pero ang daming followers. Ang daming comments sa profile.Omg, handsome!My future!My dream guy!CG is for real! He's alive!Bla bla bla…Napaismid siya. She just sent a heart reaction and nothing more. Hindi naman iyon pwedeng mag-fol
Chapter 21 ▪︎Leigh▪︎ Wala siyang sinagot, kanino man sa dalawang lalaki. Hinayaan niya ang mga iyon at nakatulugan na lamang niya ang pag-iisip kung sino ang sasagutin, hanggang sa wala na nga siyang nasagot. Nagtampo na malamang si Clive dahil hindi na siya tinawagan o ipinag-text man lang ng lalaki, mula nang nakaraang gabi. Baka nainis na yun dahil hindi niya pinansin. "Dito ko na sa labas hihintayin si Jillian, Ma," paalam ni Leigh sa ina niyang mag-aasikaso na rin para maglakad na naman. "Oo, sige anak. Gudlak!" She smiled. Lumabas siya ng pintuan at hinila rin iyon papasara. Naglakad siya papalapit sa kalsada pata makita na kaagad siya ni Jillian habang sakay yun ng taxi pero bigla na lamang may humarurot na motorsiklo at may initsa na kung ano. Agad siyang napatili, "Aaaaayyyy!" Napatakip siya ng mukha sa pag-aakalang tatamaan siya ng bagay na initsa ng motorista pero laking panghihilakbot niya nang tingnan ang baga na iyon. Isa iyong patay na pusa, kulay itim. "Ano iy
Chapter 22 ▪︎Leigh▪︎ Naglalakad sila ni Jillian papunta sa napakalaking eroplano para sa unang training nila. Hindi na sila aabutin ng isang linggo dahil gagawin ng whole day, dalawang araw na lang lahat, at kinabukasan ay swimming daw. Sana naman ay naaalala pa niya lahat. She feels so very excited and at the same time a bit agitated. Nilalakasan lamang niyang pilit ang kanyang sarili para magawa niya nang maayos ang lahat. Sa buhay mula at mula pa, natutunan niya na huwag dapat mauunahan ng kaba. Kalma lang p "Kakakaba," nanginginig na sabi ni Jillian sa kanya, magkayakap sila ng braso. "Oo nga. Ito ang pinakamagandang eroplano ng EGA, balita ko," she said, looking up at the airplane. Lalong nadaragdagan ang tuwa ni Leigh habang papalapit sila nang papalapit. That's for real. This is reality. Hindi na lamang iyon isang pangarap. "Ihhhh kakanerbyos," napapadyak siya nang umapak sila sa hagdan. Parehas silang nanginig ni Jillian at tumitili na magkahawak ng dalawang kamay. "'
PROLOGUE“Time of death, 7:49 PM.”Clive fell down on the floor upon hearing the doctor, declaring the time of death of his beloved wife, Zaira. Her car has been hit by an out of lane truck on her way to the eye bank. Kalalabas pa lamang daw ng asawa niya sa kotse nang araruhin ng sinasabing sasakyan na nawalan di umano ng giya. Pati na ang dalawa nitong bodyguard ay hindi rin nakaligtas.Zaira had been regularly visiting the eye bank. She’s looking for possible eye donors for those people who had lost their eyesight and need Keratoplasty. Napaka-charitable ng asawa niya pero hindi niya maunawaan kung bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo ay ito pa ang mawawala. Bakit hindi na lamang iba? Iyon ang nasa isip niya.His shoulders shook as his tears fell on his cheeks. Nakatingin siya sa walang buhay na asawa, duguan at halos lasog ang katawan. Nasa ibaba ang tama nito, wala sa ulo at sumasakit ang dibdib niya dahil naaalala niya ang mga huling sinabi nito sa kanya bago mangyari ang akside