Chapter 7▪︎Leigh▪︎She nervously looked at her own reflection in the mirror. She's in formal attire, wearing a mini skirt. Ang pag-aakala niya ay bawal ang ganun kaikling palda sa pag-a-apply ng trabaho pero iba sa EGA. Hindi niya alam kung hiring doon pero pwede naman daw magpasa ng resume.Pakiramdam niya ay suntok sa b'wan ang gagawin nila ni Jillian. Wala naman silang experience na dalawa at parehas lang na kakatapos ng pag-aaral. Puro seminars lang ang kaya nilang i-present sa EGA. Ni hindi nga sila roon nag-affiliate.She's in a ponytail. Sinadya niyang ilabas ang mukha para mukha talaga siyang flight attendant, malinis ang itsura."Good luck, anak," anang Mama niya kaya napangiti siya.Parang ang ganda ng dala nun sa kanya. Kahit na mukha ng Mama niya ay nagpapakita ng positive vibes. Marami siyang dalang resume at photocopy ng kanyang transcript of records. Nakahanda sila ni Jillian na mag-apply sa maraming airlines na pwede nilang mapasukan.Mataas man ang pangarap nila, na
Chapter 8▪︎Leigh▪︎"Jusmio, Marimar!" Bulalas ni Jillian sa kanya nang marinig ang tili niya, pero ito man ay natilihan nang makita ang lalaking nakahawak sa kanyang mga braso."D-Diyos ko…" usal niya at kandabulol pa.The man smiled at her. Ito na siguro ang may pinakamagandang asul na mga mata na nakita niya.Lumapit ang ilang kalalakihan sa kanila pero iminuwestra nito ang kamay kaya tumigil ang mga iyon sa paghakbang."Be careful," malambing na sabi nito, at kahit na boses ay ang ganda.Hindi ito mukhang matanda a tmas lalong hindi boses matanda."S-Sorry po," aniya at tumango naman ito, hinagod siya ng tingin at si Jillian."Employees?" He asked them but they both shook their heads."M-Mag-a-apply po. K-Kayo po yun, di ba?" Nilingon at itinuro niya ang billboard kaya marahan itong natawa."A girl noticed my handsome face," anito kaya nahihiya siyang tumungo."Anong pag-a-apply-an niyo?""Flight attendant po sana, sir," aniya, sinamantala ang pagkakataon na kausap ang may-ari ng
Chapter 9▪︎Clive▪︎"Look who's here inside my office," the famous Heaven Javier Elizares said upon seeing him.He's occupying one of the chairs at the table.Ito ang huling taong pinuntahan nila ni Xavier. Ayos na lahat. Madaling kausap ang mga nasa ibang airlines. Maswerte siyang wala ang pinsan niyang si Macy, na nagmamay-ari ng Santiago. OIC lamang ang naroon, at kaunting sindak niya lang ay nadala na. Pinunit na nun ang resume ni Mary Leigh. Kung si Macy ang naroon, hindi iyon papayag. Mas matuwid pa ang babaeng iyon kaysa sa madre."Finally, after a couple of years, I am able to see you again, Clive Greco," a fine smile flashed across HJ's face.Naupo ito sa boss chair at ipinag-krus ang mga kamay sa ibabaw ng mesa."How may I help you, Clive?""I will be direct to the point. An applicant came here yesterday. I want you to turn her down."Napakunot ang noo nito sa kanya, "Applicant?"Tumingin ito sa babaeng sekretarya, na tumingin naman sa dalawang folders na nasa ibabaw ng mesa
Chapter 10 ▪︎Leigh▪︎ Wearing her most beautiful and captivating smile, Leigh walked towards the building of Elizares Global Airways, with Jillian. It's just 1:30 PM and they must never be late. "Naks!" Anang kaibigan niya kaya nagkatawanan sila nang mahina. Feel na feel niya kasi ang lakad, na para bang totoong flight attendant na siya. "Ikaw na talaga, Miss Mary Leigh Sandoval!" Ani ulit ni Jillian sa kanya. Tuloy-tuloy sila sa paglalakad, sobrang saya kahit na may kaba. Pangarap na talaga nilang maging magkasama pa rin sa trabaho. Sa kanilang dalawa, walang kompetisyon. Pak one, pak all silang dalawa. "FF," ani Jillian sa kanya kaya tumigin siya rito, "Kapag natanggap ka tapos ako hindi–" "Hindi ako papasok," maagap na sabi niya dito, kasi iyon ang pangako nila sa isa't isa. "FF naman, basta kapag ikaw ang natanggap, pumasok ka na. Sa iba na lang ako maghahanap. Alam kong kailangan niyo ni Tita Adel ang pera kaya sisirain na natin ang kasunduan natin, na dapat kapag
Chapter 11 ▪︎Leigh▪︎ Kung stretchable lang ang leeg niya ay baka nakarating na sa mismong loob ng opisina ni HJ Elizares ang ulo niya. Paano ba naman kasi ay siya ang kinakabahan habang nasa loob si Jillian. Tumitili iyon kanina habang walang boses nang sabihin niya na pinababalik siya kinabukasan para sa kontrata, pero ngayon ay abot-abot ang kaba niya. Nananalangin siya na sana ay matanggap din si Jillian. Iiyak talaga siya kapag hindi iyon nakapasok. Maya-maya ay bumukas ang pintuan, at daig pa niya ang pinagsakluban ng langit at lupa nang makita ang bagsak nitong anyo. Mauuna pa siyang umiyak kaya yumuko siya. Malungkot si Jillian. Hindi nakapasa ang kaibigan niya. She looked at her friend again. Jillian has the heaviest feet at that moment. Parang halos hindi na iyon makahakbang. Kasusunod nun na lumabas ang gwapong presidente. "A-Ano?" She nervously asked her friend. Lumabi ito, malungkot ang mga mata na itinunghay sa kanya. "H-Hindi ka nakapasok?" Naluluhang tanong niya
Chapter 12 ▪︎Clive▪︎ He's smiling from the inside. Ginagamit niya ang pagiging boss niya kay Leigh. Hindi ito uubra ngayon at wala itong magagawa para tumanggi. Naka-sunglass siya dahil ayaw niyang makita nito ang palagian niyang pagtingin sa mga mata nito. Sa bawat kurap ng mga mata ng dalaga, parang ayaw na niyang itikal ang mga mata niya rito. Lalo siyang nasasabik sa asawa niyang namatay. Dumating sila sa pinakamahal na Japanese restaurant, makalipas ang halos kinse minutos na pagmamaneho ng driver. Nauna silang bumaba ni Xavier kaya kinuha niya ang kamay ni Leigh. Inosente itong napatingala sa kanya pero hindi niya pinansin. Nagpatiuna si Xavier, hindi makaporma kay Jillian dahil may trabaho na dapat gawin. Xavier has to stay and act formally in front of him. His job is to be his right-hand, not to do some stuff for himself. Makisushi Japanese Restaurant had been his favorite restaurant ever since. Doon sila madalas na kumakain ni Zaira noon. She was the one who chose it. A
Chapter 13 ▪︎Leigh▪︎ Nakaramdam ng takot ang dalaga nang siya na lamang mag-isa ang nasa sasakyan, dahil si Jillian ay nauna ng ihatid sa bahay nun. Si Xavier ay sa sasakyan na ng bodyguards sumakay, kaya sila na lamang ni Clive sa loob ng limousine. "You're quiet," anito sa kanya, "are you afraid?" Huh? Sa wakas ay inalis nito ang sunglass na suot. Umiling naman siya. Takot siya pero hindi naman lahat ay takot. Naiilang siya, yun ang tamang salita. "Masanay ka na," anito kaya napaarko ang mga kilay niya, "you'll get used to this face, too." "A-Anong ibig mong sabihin?" "Magkikita tayo parati." "B-Bakit?" "I just want to." Hindi na siya nakasagot. Gusto niyang magtanong kung bakit ganun ang gusto nito, pero nahihiya siya. Nalilito na siya. Sana ay makauwi na siya para naman magkaroon ng kapayapaan ang utak niyang kanina pa pagod sa kaiisip. Nabusog nga naman ang tiyan niya sa pagkain, nalilito naman ang isip niya sa mga ikinikilos ni Clive. Earlier, while they're eating, sh
Chapter 14 Nagtatanggal pa lamang ng necktie si Clive ay inabot na kaagad niya ang bote ng mamahaling alak sa bar counter, malapit sa may hagdan. He opened it and chugged. Dapat ay parati na may nakahanda na kaagad kapag dumarating siya. He has bars everywhere, pero ang main niya ay nasa second flor, sa isang kwarto roon na parang maliit na bar talaga. Natuto lamang siyang uminom sa kwarto ay nang iwan siya ng misis niya. "Hindi ka pa man lang nakakapagbihis ay alak na kaagad ang hawak mo," anang malumanay at walang kasing lambing na boses ng kanyang yaya. "I've been working all day, yaya. This is just my comfort zone," aniya sa matanda. Lumapit iyon at kinuha ang coat niyang nakaitsa sa sofa, at ang necktie niyang nasa hawakan ng hagdan. "Kumusta naman ang unang araw mo ulit sa trabaho?" Ito siguro ang kaisa-isang tao na hindi nagsawa na mangamusta sa kanya, mula noon pa. Masungit siya pero hindi nito iyon pansin. This old lady always gave him care and love, and understanding.