Share

Chapter 20 - Confused

Kung hindi pa tatawagin ng Mayordoma ang apat ay hindi nito tantanan si Agnes. Sinamantala ito ng dalaga at nagtungo muna sa maid's quarter. Magtatago muna s'ya dahil baka nasa paligid lang si Aeros. Ngunit pagpasok ng maid's quarter ay dinatnan niya roon si Lucy na masama ang timpla.

Aatras sana ang dalaga at hindi na tutuloy nang pigilan ito ni Lucy. Tumanggi si Agnes at sinabing marami pa syang gagawin ngunit hinila siya papasok ni Lucy. "Magsabi ka ng totoo, anong ginawa n'yo ni ser Aeros sa loob ng kuwarto niya, ba't nag lock pa kayo?" Tanong ni Lucy na animo'y isang imbestigador.

"Wala.... Ano bang gagawin namin?" Sagot ni Agnes ngunit paiba-iba ito ng tingin. Hindi siya makatingin nang diretso kay Lucy dahil parang gusto siyang kainin nang buhay nito.

"Singungaling! Dalawa lang tayo dito, ba't hindi mo pa aminin na inaakit mo si ser Aeros nang mga oras na yun at may ginagawa ka na sa kanya." Paratang ni Lucy.

Nagsalubong ang mga kilay ni Agnes. Hindi talaga niya maunawa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status