Share

Kabanata 25

Paraan

Napapikit ako nang dumaan sandali ang ihip ng hangin, nanginig ako ng kaunti dahil doon. Ang lampara naman sa loob ng silid ang nagbibigay ng konting liwanag sa gabing tahimik at sa buwan na ngayon ay nababalitan ng makapal na ulap.

Pagmulat ay pinagmasdan ko naman ang labas ng palasyo mula sa terasang kinatatayuan ko. Sa kabila ng katahimikan, parang nadidinig ko ang bawat bulong, tinig at galaw ng ilan. O baka dahil nasanay lamang ang aking pandinig sa mga ingay sa labas mula pa noon.

Mga ingay na hindi ko nanaising marinig muli. Mga ingay na may bahid ng dahas at kamunduan. Na sa pagitan ng pagmamakaawa, pagtangis at tuwa ng mga ganid... iyon din ang ingay na nagiging musika ng sindak sa tuwing kumakagat ang dilim.

"Siya kaya... kumusta na ang pakiramdam niya? Nahihirapan pa ba siya?" nausal ko sa 'di inaasahang sandali ng aking pag-iisip.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status