Share

Kabanata 31

Espada at Punyal

Napamulat ako bigla at ilang beses na napakurap. Ang kulay kapeng kisame na may engrandeng munting aranya at kakaibang sining na nakaukit roon ang sumalabong sa aking paningin. Agad akong napabaling sa aking tabi.

Wala rito ang Hari. Tanging ang magulong kumot at unan na lang ang natira. Saka ko pa lang tiningnan ang sarili. Inangat ko ang kumot na nakabalot sa akin.

Bumuntong-hininga na lang ako. Nayakap ko ang kumot at dinama ang akin. Wala namang masakit, iba nga lang sa pakiramdam. Parang may kakaiba sa aking pagitan. Hindi ako komportable.

Tila isang kidlat sa bilis kung sumagi sa aking isipan ang lahat. Naramdaman kong uminit ang aking pisngi sa nangyaring sandali sa amin ng Hari kagabi. Mariin na lamang ako napapikit sa ginawang katangahan. Hindi ko aakalaing magiging alipin ako sa mga sandaling iyon. Na, hinayaan ko ang Haring magtuklas sa akin.

At ano pa, Yonahara? Pagyamanin?

Bakit ba ako nagsumamong pagyamanin niya ako? Hindi ba't siya lamang dapat? Bakit a
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status