Share

Kabanata 33

Debate

Kung isa lamang akong yelo, marahil ay kanina pa ako natunaw mula sa mga titig niyang nagliliyab. At kung isang babasagin lamang akong bagay tulad ng mga mamahaling plorera o kasangkapan, maaring kanina na rin ako nabasag mula sa mahigpit na pagkapit niya sa aking bewang, idinidikit pa sa katawan niya.

Halos mapugto ang sariling hininga nang ilang gahibla na lang at magdadampi na ang aming mga labi. Subalit ang Maharlikang nasa harapan ko ngayon ay tila may ipinangakong alituntunin para sa kanyang sarili. Kung kaya't kahit may sumisibol na sensasyon sa pagitan namin ay humugot siya ng malalim na paghinga at pinigil ang sarili niya.

"Anong masasabi mo, Kamahalan? Maari kang pumili sa dalawa, o 'di kaya'y..." Sinadya kong hininto ang sasabihin. Mas pinaaliw ko pa ang boses. "Pagsasabayin ko, Kamahalan... pwede kong pagsabayin ang dalawa."

Hindi ako mag-aakalang masasabi ko ang mga katagang iyon sa Hari pang ngayon ay wala akong kaalaman sa kung ano ba talaga dapat ang iniisip at
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status