Share

Kabanata 26

Lunas

Matapos ang usapang iyon ay tumulong ako sa kanila. Patago akong tumutulong sa paghahanap ng manggagamot. Kasama ko si Yura sa tuwing may lakad kami at sina Harrion at Seron naman ay naghahanap din ng lunas na maaaring makatulong sa Hari.

Sa tuwing papasok si Harrion, hindi nawawala ang nararamdamang kaba sa tuwing naririnig namin ang nahihirapang ingay ng Hari. Naririnig din namin ang kaluskos ng kadena na nakagapos sa Hari na siya ring mismo ang may gawa. Ikinulong niya ang sarili sa pangamba na may magawa siyang hindi tama at hindi makontrol pa ang drogang inilagay sa inumin niya na ngayo'y kumakalat sa sistema niya.

Isang gabi muli ang dumaan. Bumisita ako sa ilalim at sekretong tagpuan namin sa Palasyo. Natigil ang paglalakad ko ng marinig ang hinaing ng Hari. Sina Seron at Yura ay nababahala rin. Kadena at ang ilang pagbubuntong-hininga nito ng malalim ang aming naririni

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status