Share

Kabanata 15: Grayson

ALIRA

NANATILING tahimik si Laxon habang nakayakap pa rin sa akin na para bang gusto niyang marinig ang gusto kong sabihin sa limang taon kong nawala kaya nagpatuloy ako.

"Siguro... siguro kasal na tayo. Siguro nakita ko kung paano mo abutin ang pangarap mong maging Gobernador ng Laguna, ng bayan natin. Alam mo ba nung unang buwan ko sa Amerika gustong-gusto kong umuwi kasi miss na miss na kita. Gustong-gusto na kitang makita, gusto kong bawiin 'yung mga salitang sinabi ko sa'yo para lang hiwalayan mo ako." Napakagat-labi ako ng maalala ko ulit ang mga senaryo na pilit kong kinalimutan.

Parang kahapon lang nangyari ang lahat.

"Pero kapag bumalik ako may kapalit na naman na kukuhanin sa akin at ayokong mapahamak ang buhay nila. Gusto kong magsumbong sa'yo pero natakot ako kay Raya dahil kaya niya talagang kunin ang buhay ng isang tao, makuha ka lang sa akin." Pumiyok ako at hinayaan kong tumulo ang luha ko.

Nagsimula na rin manginig ang labi ko ng naalala ko ang mga pagbabantang ginawa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status