Share

Kabanata 14: Date

ALIRA

NAPAATRAS na lang ako ng magsimula siyang humakbang sa akin, hanggang ang pag-atras ko ay tumigil ng maramdaman ko ang malamig na pader sa likod ko. Nang makita 'yon ni Laxon ay nakita ko ang pag-ngisi niya at halos manlambot ako ng yakapin niya ako ng sobrang higpit dahilan para maamoy ko na naman ang pabango niya.

Narinig ko ang malalim niyang paghinga at pagsiksik niya pa sa katawan ko kaya napayakap na ako pabalik sa kanya bilang suporta dahil baka bigla na lang kaming matumbang dalawa.

"Pagod ka?" Malumanay kong tanong kaya naramdaman ko naman ang pagtango niya kaya hindi ko na mapigilan ang mapasimangot.

"Dapat ay umuwi at nagpahinga ka na lang, Laxon! Bakit dumiretso ka pa dito sa akin?" Pagalit ngunit nag-aalala kong tanong kaya umalis naman siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ako sa magkabilang pisngi.

"Ikaw ang pahinga ko, Alira," aniya sa nanlalambing na tono kaya natameme naman ako at napaiwas ng tingin. Naramdaman ko na rin na namula ang pisngi ko kaya narinig
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status