Share

The  Heiress True Love
The Heiress True Love
Author: Madam Ursula

Prologue

"Anong gagawin nyo sa akin " nahihintakutang sabi ni Yvone.

"Pakawalan nyo ako, ano bang kailangan nyo sa akin wala akong ginagawang masama sa inyo"

Umiiyak ng sigaw ni Yvone. Ibinangon siya ng dalawang tao at pinaupo sa gilid ng kama. Hirap si Yvone sa pangangapa dahil napipiringan ang kanyang mga mata ngunit naramdaman niyang may pumasok sa loob ng silid at lumalkad ito palapit sa kanya. Dinig niya ang tunog ng takong nito sa tiles na sahig. Maging ang amoy ng pabango nito ay pamilyar sa kanya. Tama nga siya ng hinala.

"Ang walangh*ya ! Sinasabi ko na nga ba. Tama ako noon pa pagsisisihan mo ito .. pagsisisishan mo ito"

 

"Relax Yvone, they are not going to hurt you unless hindi ka maki cooperate" sabi ng tinig ng babae at kilalang kilala niya. Kilalang kilala niya ang tinig ng walanghiya. Ang tinig na iyon na kinasusuklaman niya.

"Napakawalang hiya mo, hindi pa ba sapat na nasa iyo na ang lahat, hindi pa ba? Hindi pa ba sapat ang ginawa mo sa akin?" sigaw ng dalaga.

"That exactly the problem Yvone, hindi sapat. Ang alam ng iyong ama ay wala ka na..patay ka na pero ang mga savings mo nananatiling nasa pangalan mo. Ipinalibing ka nga nila ipinalagay sa musileyo ang abo mo ngunit hindi ka pa din idinideclare na patay na. ng bob mong ama!"

"Yung share mo sa kumpanya naka freeze pa at ako, ako na naghihirap at nagtitiiis sa piling na ama mo tanging limos pa rin ang nakukuha hanggang ngayon" galit na sabi ng babae.

"Kakalimutan ko ang dating ako, pakawalan mo lang ako, lalayo ako, mamumuhay ako sa malayong lugar kakalimutan ko ang pinagmulan ko mamumuhay ako sa ibang pagkatao. basta pakawalan mo lang ako maawa ka sa akin" pagsususmamo ni Yvone.nagbabakasakaling pagsinabi niya iyon ay maawa ito.

"Shut Up! Hindi ako baliw Iha, you think I'll do that, pinahirapan mo ako. Hindi mo na ako magagago pa. Alam kung wala ka sa loob ng kotse ng sumabog iyon kinailangan ko pang agad agad na kumuha ng bangkay para isama sa nasususnog na kotse.Para papaniwalain ang ama mo. Without you knowing my dear stepdaughter nakabuntot ako sa inyo ng gabing iyon" nanlilisik ang mata nitong mahahaba ang pilik.

"Magmula noon ay pinasubay bayan na kita. Nanatiling nasa malayo ang mga lagad ko dahil nakitakung tila wala kang natatandaan at hindi ka naman kumikilos na pwede kung ikapahamak"

 

"Ang kaso you forgot to use you head dear. Nagwithdraw ka ng cash gamit ang debit card mo at mag mula noon nagsimula ng kumausap ng private imbestigator ang lintek mong ama. I know from that moment, my duda na siyang buhay ka ang I know from that moment na pinahahanap ka na nya. So, I have no choice iha, kailangan kung unahan ang bobo mong ama"

"Hindi ko na hahayaang mangyari iyon Yvone. i will get what is suppose to be mine. maglalaho ka na ng tuluyang sa mundong ibabaw" sabi nito na sinabayan pa ng halakhak.

"Help... Help.Somebody help me.. Saklolo ..saklolo..." sigaw ni Yvone kahit namamalat na.

"Mamamatay ka na lang sa kakasigaw walang makakarinig sayo dito Yvone so dream on. Pero kung magigng masunurin ka ngayong gabi Yvone madali akong kausap. Pipirmahan mo lang ang papeles na ito na nagsasabing isasalim mo sa akin lahat ng ipinaman ng ama mo. magiging mabait ako sa yo Yvone"

"No.. no .. no. Wala kang karapatan doon . Lahat ng iyon ay dapat sa aking ina na inahas mo"

"Oh really dear, pwes! nasa sa iyo iyan, bibigyan kita ng limang oras para magisip baka sabihn mo naman unfair ako. Sa loob ng limang oras kapag nagmatigas ka. una kung sasaktan ang iyong walang silbing ama at ang lalaking nagpapaningning sa iyong mga mata.Siya naman ang isusunod ko maliwanag ba?"

 

"Hindi No.... No... Nooooo!" sigaw ni Yvone ,pero nawala na sa kadiliman ang babaeng kausap.

 Ang hindi alam ni Yvone patuloy na may nakikinig sa kabilang linya at nagtatagis ang mga bagang nito sa galit.

 

 

 

 

 

 

 

 

Mga Comments (16)
goodnovel comment avatar
m_🏹
"haist gahaman.."
goodnovel comment avatar
m_🏹
"sana man lang may dumating na tulong..para Kay Yvonne.."
goodnovel comment avatar
m_🏹
"kailangan talaga manakit para lang sa pera."
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status